Nang mag-Lunes na ay katulad ng kinasanayan, sabay kaming pumasok ni Ryder at nagpahatid kami kay manong. Weekends are so fun. Mom and dad have a plan for my wedding. Gusto nilang gawing simple iyon na pami-pamilya lamang ang naroon. It was okay with me, though. That's what I wanted, actually. Ayos na sa akin kung ano ang daloy ng magiging kasal namin ni Ryder. I can't wait to turn eighteen.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday.. Happy birthday.. Happy birthday to you!"
I joined in singing the happy birthday song together with my friends. Today is Shovie's birthday. Mayroon kaming pinamiling mga pagkain para sa birthday niya at mayroon ding cake na binigay si Coth para sa kanya, brazo de mercedes naman ang binigay ni Kairi sa kanya, at iyong iba ay sa amin na nina Miley, Marilyn, at Joshua galing. We're celebrating her birthday today. Nasa isang round table kami ngayon na may mga pagkain na sa lamesa. Some of our schoolmates are looking at us.
"Happy birthday, Shov," I greeted her.
Kumain kami ngunit hindi namin maubos ang mga pagkain dahil sa sobrang dami, kaya inaya na lang ni Shovie iyong mga schoolmate namin na kumuha sila sa handa. We shared our food with them. Hindi na rin ako nagtagal pa sa kainan dahil mayroon pa akong business proposal na ipre-present kaya kailangan na agahan ko ang pagpasok. Nagpatulong pa ako kay Ryder kung paano gawin ito dahil hindi kami tinuruan ng prof namin na gumawa nito, pero binigyan niya lamang kami ng sample. It was a good thing that Ryder was there to help me.
It was like a normal and usual day. Matapos ang klase ay tumawag ako kay manong para sabihin na magpapasundo na ako. Ryder texted me na hindi siya makakasabay dahil pinatawag daw siya sa Dean's office. I was walking in the corridor when I suddenly saw my circle of friends. Nakita rin nila ako kaya wala akong magawa kundi lumapit sa kanila. Hilaw akong ngumiti sa kanila.
"We messaged you on Facebook, Yuna, but you did not respond," si Joshua.
"Hindi ka na active sa accounts mo, ah?" pansin ni Kairi.
Hindi ako kumibo at luminga-linga lang sa paligid. Kaunti na lang ang mga estudyanteng natira dahil uwian na, nakauwi na siguro ang iba. Some students are ready to go home, and some are busy talking to each other like they're planning something.
Ang iba naman na dadaan sana malapit sa amin ay napapaliko na lang at sa ibang daan na lang dumaan. I sighed because I cannot blame other people for avoiding us. They just don't want to be involved with us. Nakita ko pang nagtaas ng middle finger si Shovie sa isang schoolmate namin.
"Fuck you sila," ani Shovie. "Mukha ba tayong virus? May pa iwas-iwas pa silang nalalaman!"
Tumikhim ako. "Hindi rin naman sila natin masisisi, Shov, we're bullies."
"Ano'ng we're? Ikaw lang!" she corrected. "Baka nakakalimutan mong ikaw palagi ang humahanap ng gulo at nang-aaway?"
Mariin akong napapikit. I wanted to correct her, but I decided not to say anything because it's useless. Walang kibo na sumabay ako sa kanila palabas ng school. Coth just changed the topic when he noticed the tension. Tahimik akong nakikinig sa kanila na tuwang-tuwa. I heard that they're talking about someone I am not familiar with.
"Oo nga, 'no? Ang bata-bata niya pa pero desperada na!" si Marilyn. "As if naman magustuhan siya ni Euro? May girlfriend na 'yong tao, mahal na mahal pa niyon si Carrie!"
Kumunot ang noo ko. Ang usapan ay biglang napunta sa pinsan ko. What's with Euro? Hindi ako nagsalita at nakinig lamang sa kanila kahit na hindi ko masyadong naiintindihan ang sinasabi nila. Naa-out of place na rin ako, nakasunod lamang ako sa likuran nila habang naglalakad kami palabas.
"She's creepy, guys, right? What's with the black clothes, right? Parang pinapanindigan niya nga ang pagiging mangkukulam niya." I heard Shovie. "Marami ring seniors na nagkagusto sa kanya, hindi kaya ginayuma niya ang mga 'yon, 'no?"

YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...