23

13 0 0
                                    

A/N: Unedited

-

"Ouch," bulong ko nang gumalaw ako ng kaunti, kinuha ko ang unan na pinaka malapit saakin at niyakap ito at muling sinubukan na matulog.

Sinamaan ko ng tingin ang lampara nang nabigo ako sa pagtulog muli, umupo ako at halos mapamura sa sakit na naramdaman ko.

Pinahid ko ang luha sa mata dahil medyo naiyak ako sa sakit at tinignan ang paligid. Nasa kwarto ako ni Lev.

Inalala ko ang nangyari kagabi at halos maubos ang dugo ko sa katawan dahil sa pamumutla, ginawa ko ba talaga 'yon?! Napahawak ako sa panga ko habang iniisip ang mga ginawa ko kagabi. Hindi ako nagsisisi sa mga nangyari kagabi pero anong muka ang ihaharap ko kay Lev?!

Napasigaw ako sa isip ko at ika-ikang naglakad ako papunta sa banyo.

"Tangina, ako ba 'to?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Puno ng pulang marka ang katawan ko at may ibang place pa na may bite mark, akala mong pinapak ako ng lamok eh. Sinubukan kong bilangin ang hickey na nasa katawan ko pero nabigo ako dahil sa dami, meron pa nga din sa likod at sa mga hita ko.

Nagsuot lang ako ng over sized hoodie at pajama para kahit papaano ay hindi masyadong visible ang mga bibigay niya saaking hickey, napapikit ako dahil sa init at isinandal ang noo sa pintuan saka ito hinampas hampas ng mahina.

Napabuntong hininga nalang ako at saka lumabas, nanlaki ang mata ko dahil tumambad saakin si Ate Fin na nakatingin din saakin habang nakahawak sa railings na akala mong ito ang suporta niya para makalakad.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang sinusuri ang katawan niya.

"Eh ikaw? Bakit parang ang raspy ng boses mo?" Tanong niya pabalik kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit ansungit mo? Nagtanong lang naman,"

"Edi 'wag ka magtanong!" Sabi niya at inalis ang hawak sa railings at nauna nang maglakad.

Napansin kong ika-ika siyang maglakad kaya napangisi ako at sumundo sakanya.

"Bagal mo maglakad, may nangyari ba sa'yo?" Tanong ko, nang-aasar.

"Ikaw nga kita yung hickey, nagreklamo ba ako?" She spit back.

"Marami pa 'yan, gusto mo ba makita?"

"Huwag na, marami din naman ako." Pagyayabang niya.

"Ah, edi may nangyari nga sainyo?" I asked again, this time with a smirk.

"Eto ka oh," Pinakita niya saakin ang middle finger.

Tatawa-tawa akong bumababa kasama siya pero pareho kaming natigilan nang bigla naming makita si Ate Vhia na naka hoodie din at pajama.

"Anong ginagawa niyan dito?" Bulong ko kay Ate Fin.

"Kita mong kakababa lang natin tapos tatanungin mo ako ng ganyan? Yung totoo, bangag kapa ba?" Sabi niya at inirapan ako, tumabi kami pareho kay Ate Vhia na mukang puyat. Actually puyat din naman ako, pero si Ate Fin? 'yan ang hindi ko alam.

"Babe, lunch is ready." Napatingin ako sa likuran namin at tumaas ang kilay nang makita si Landus.

"Lunch?" Sabay na tanong namin ni Ate Fin.

"Puyat pa, mga bata talaga." Nakapikit na saad ni Ate Vhia.

"Gurang." Saad ko at sinikap na tumayo.

"Ulol!" Sabi niya sa likuran ko kaya napatingin ako, nanlaki ang mata ko nang makita siyang parang hahabulin ako kaya napatakbo ako ng wala sa oras.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now