FUMIKO'S POV:
--
Summer ang isa sa pinakahihintay ko sa lahat at isa ito sa mga panahon na gusto kong gugulin ang sarili ko sa paglalaro sa computer."Anakng! Talo na naman!"
Padabog na inilapag ni Totoy ang headset na gamit niya. Lumapad ang ngisi ko dahil pang limang talo na niya ito.
"Paano ba yan? Bayaran mo na ang oras ko." sambit ko rito.
Padabog na tumayo si Totoy pumunta sa counter kung saan naroon si Kuya Brent. Ang computer shop na ito ay pagmamay-ari ng pamilya ni Kuya Brent at halos ito ang naging tambayan ko sa tuwing bakasyon.
Tapos na ako sa high school kaya kolehiyo naman ang poproblemahin ko. Hindi naman ako bobo at sakto lang ang talinong meron ako. Hindi naman ako honor student, pero nakapasa pa rin ako sa high school.
Pangarap ko ang makapasok sa L.A University, yun nga lang hindi afford ng parents ko dahil sa laki ng tuition fee ng naturang unibersidad. Pugad kasi ito ng mga mayayamang nilalang sa balat ng lupa at kung sino man ang nakapagtapos sa paaralang ito, may pag-asa na makapagtrabaho sa Montenegro Empire, Kurusaki Group of Companies, CDC Entertainment, RDM Speed, TCD Tech, TDB Hotel and Casino, GMH, Creighton Enterprises, Fynrell Group of Companies, Bloodfist Corp at kung ano pang naglalakihang kompanya na konektado sa unibersidad.
Isa rin sa mga pangarap ko ang bumuo ng sarili kong laro kaya gusto kong makapag-aral sa L.A University para mahasa ang kakayahan ko tungkol sa computer. Lumaki ako na sa computer shop nina Kuya Brent nakatunganga at sa murang edad, nalaman ko agad ang pasikot-sikot ng naturang teknolohiya.
"Naisahan mo na naman si Totoy, Fumiko." sita sa akin ni Kuya Brent nang lumapit ito sa pwesto ko at inayos ang upuang plastic na iniwan ni Totoy kanina.
"May pustahan kami Kuya at isa pa kasalanan niya naman. Kahit alam niyang talo siya sa akin panay ang agyat niya ng laban sa computer games."
"Kababae mong tao nakikipag-pustahan ka? Bakit hindi mo aralin ang mag-ayos sa sarili mo? Tignan mo nga ang itsura mo, wala ka bang salamin sa bahay?"
Napatingin ako sa monitor ng computer na ngayon ay patay na. Naaninag ko ang sarili kong repleksyon, nakapusod pataas ang buhok kong umaabot sa baba ng balikat ko, kupas na tshirt, taslan shorts at tsinelas. Nakaangat pa sa upuan ang isa kong paa at hindi alintana ang paglilis ng suot kong taslan shorts. Lumantad ang makinis kong hita.
"Okay naman ang itsura ko, Kuya. Mata mo yata ang may problema."
Inambahan ako ng kaltok ni Kuya Brent pero hindi naman niya itinuloy. "Umuwi ka na nga. Dis oras na ng gabi nandito ka pa rin sa teritoryo ko. Tumawag sa akin si Tita at hinahanap ka na."
Inirapan ko si Kuya Brent at saka ako padabog na umalis sa kinauupuan ko. Suot ang tsinelas, lumabas ako sa computer shop at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin, madilim na kalangitan at ingay ng kalsada dahil sa mga sasakyang dumadaan.
Wala akong binayaran sa oras na ginugol ko mula 5 pm hanggang 9 pm dahil si Totoy ang nagbayad no'n. May pera naman ako pero hindi ko 'yon inuubos sa paglalaro lang ng computer games. Baka mamalayan ko na lang isinabit na ako ni Mama sa puno ng mangga.
Pagkarating ko sa bahay, nakita ko si Mama at Papa na nakaupo sa lilim ng punong mangga habang nag-uusap silang dalawa.
"Kakayanin ba nating mapag-aral si Fumiko sa kolehiyo?"
Napahinto ako sa paghakbang. Hindi ako makita ni Mama at Papa dahil natatabunan ng halaman ang bakuran namin. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa. Umupo ako sa gilid ng kalsada. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng matatanda kaso gusto kong marinig ang sasabihin nila.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...