ANGEL LOUISA NESS POV
Nakatingin lamang ako sa kanya na bakas ang galit, pero bakit ba ako magagalit sa kanya? Ako lang naman ang dahilan ng galit niya kaya bakit pa ako magagalit sa kanya?"Are you done?" Malamig na tanong nito saakin. Umirap naman ako habang umupo naman ito ulit. Dumekwatro ito ng upo bago tumingin saakin ng malamig.
"Ganito mo ba ako papahirapan?" Tanong ko habang pinupunusan ang aking luha.
"If i said yes, what will you do?" Malamig na tingin nito saakin. Hindi ko ramdam ang lambing ng kanyang boses, di tulad noon na kahit saan ay maririnig mo talaga ang malambing na boses nito.
Pero ngayon nagbago na ang lahat, hindi na siya tulad ng dati, tatlong buwan nga naman ang lumipas, sinong hindi magbabago?"Ano ba ang kailangan mo saakin?" Inis na bulyaw ko sa kanya, pero ngumiti lang ito ng malademonyo bago napa smirk.
"What I want?" Tanong nito.
"Oo! Ano ang kailangan mo saakin?" Diin na tanong ko ulit.
"I want? Is nothing. I just want to confirm that my ex girlfriend is a gold digger now!" Masakit naman talaga siyang magsalita pero hindi na dapat iyon pansinin, dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.
"So nakita mo ako? Kung yan ang iniisip mo, paniwalaan mo! Wala akong magagawa," sambit ko. Sininyasan niya naman akong umupo kaya padabog akong umupo. At dahil costumer siya ay nararapat parin siyang sundin kung ano man ang pinag-uutos nito.
"Drink this! " Bigay nito saakin ng isang matapang na alak, pero bagkos na inumin ay iwinaksi ko na lamang ito. Kumunot naman ang noo nito tumingin sa akin kaya napataas ako ng kilay.
"Hindi ako umiinom!" Diin na sumbat ko sa kanya. Pero malamig niya lang akong tinapunan ng masamang tingin. Hinawakan niya ang aking panga at pilit na pinapainom saakin ang alak.
"Drink this! Don't be stubborn Louisa!" Galit sa boses nito at pinainom saakin. Nilunok ko naman iyon kahit mapait bago ito tinignan ng masama.
Ang pait! Sobra!
"Masaya kana ba?"
"Ito naman ang gusto mo, diba? Na pahirapan ako! " Nanggagalait na galit ko sa kanya. Sinamaan ko pa siya ng tingin habang hawak ang aking panga, dahil higpit sa pagkakahawak niya kanina. Ang sakit, dahil ang boss na nakilala ko noon ay ngayon ay sinasaktan ako.
"You deserve it." Pag iwas ng tingin nito saakin bago lumagok ng isang alak. Pinunasan ko naman ang aking mukha na basang-basa ng alak dahil sa ginawa niyang pagpa-inom sa akin kanina. Paluha akong tumayo upang ayosin ang aking damit at umupo ulit. Kahit papano ay kailangan kong maging magalang, dahil isa siya sa mga costumer ng club na pinagtratrabahuan namin.
"Give me another alcohol!" Utos nito saakin. Sinalinan ko siya ng alak na nanginginig ang kamay, pero isinawalang bahala ko nalang iyon.
"Good,"
"Pwede naba akong umalis?" Tanong ko na pinipigilan na wag tumingin sa nakakamatay niyang tingin.
"No!"
"At bakit naman?" Hindi ito nagsalita at tumungga na naman ulit ng alak at tinignan ulit ako ng malamig.
"Don't fvcking cry in my front Louisa!"
"Sino naman nagsabi na umiiyak ako?" Sagot ko nalang na ikinakunot noo nitong tumingin saakin. Inilahad niya naman ang kamay nito dala ang wine glass at sinalinan ko na naman ito ulit.
"I'm clingy but I can be the coldest person when I'm hurt," Ano na naman ba ang ibig sabihin sa sinabi niya? Alam kong galit siya saakin ngayon, pero bakit naman ito pa ang sinabi niya.
YOU ARE READING
Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)
AléatoireThis is about a woman who has a unique mission in the world - to change the attitude and perspective of a man known as Ezekiel James Monteverde. The woman believes that if she can influence and instill change in Ezekiel's heart and mind, it may have...