MAAGA akong pumunta sa school ngayon kasi meron kaming practice para sa music club. Nag-aaral kasi ako sa mga high and low notes at vocal sa pagkakanta. Ang gusto ko kasi ay kasama ako sa mga magiging singers sa club namin. Tinutulungan naman ako ni Trisha doon.
Mag-isa na akong pumunta rito sa school ngayon kasi ayoko munang sumama kay Yuan kasi alam ko naman na kasama niya si Roni. Nagtatampo kasi ako sa kanya. Hindi niya kasi ako sinama noong nakaraan para sumama sa palengke eh. Hinintay ko pa siya noon sa school tapos umalis na pala sila. Saka ko lang nakita 'yong text niya sa akin nang makarating na ako sa palengke para sundan sila. At naiinis talaga ako doon. Hindi man lang niya ako hinintay. Alam naman siguro niya na nag t-text ako pag hindi ako sumasama eh, nag text ba ako? di 'ba, hindi?
Hindi ko nalang muna siya kakausapin kasi alam ko naman na si Gilven lang din 'yong ikwekwento niya. No'ng nakaraan nga, gusto niya pag-usapan namin si Gilven pero agad naman akong umiwas sa kanya. Ayoko na pag-uusap namin 'yong lalaking 'yon. Sinabi ko naman din sa kanya ang feelings ko di 'ba? Bakit niya pa gustong pag-usapan 'yon eh alam naman nya na magagalit ako? sinasadya niya lang siguro.
Pumasok naman agad ako sa loob ng room kung saan ang club namin.
"Oh, nasaan ang tutor mo riyan?" Biglang tanong sa akin ng head namin. At ang tinutukoy niya ay si Trisha.
"Ahm, wla pa ata 'yon Ma'am. Masyadong maaga pa eh." Sabi ko naman.
Napatingin siya sa relo niya. "No, it's already 8:30. Tawagin mo na 'yong tutor mo para makapag simula na tayo sa pag p-practice." Sabi niya. I nood. Strict ang head namin rito kaya agad naman akong sumunod sa kanya.
Hindi na ako lumabas bagkus ay kinuha ko nalang ang cellphone ko para i-chat ko nalang siya.
Nakita ko naman na online si Roni at active 2hrs ago naman si Trisha. Wala na akong choice kundi si Roni nalang ang i-chat ko.
Me:
hi, nandiyan si Trisha?Maya Maya pa siya bago mag reply.
Roning:
Yes.Agad naman ako nag chat.
Me:
Papuntahin mo rito sa room kung saan ang club namin, may pag-aaralan pa kami.Nakita ko naman na nag-seen na siya kaya agad na akong nag out. Ayoko na ulit tumaas yung conversation namin kasi hindi pa naman kami bati eh. Hay nako Roni.
Nagsimula na ulit akong mag practice. Nag p-practice din ako sa pag papatugtog ng electric guitar. Siguro kung nandito si Yuan, matutuwa siya sa mga drums na nandito.
Maya Maya pa, dumating na nga si Trisha. Agad naman akong lumapit sa kanya at bahagyang siyang tumingin sa akin.
"Aga 'ah?" She chuckled.
"Wala eh, gusto kong matuto." Sabi ko.
Tinuturuan niya ako sa bawat pag kanta ko at dinadama ko ang music. Sumasabay rin siya sa akin pag kumakanta ako. Napangiti nalang ako nang makita na napapikit siya sa pagkakanta ng music. Nakita ko ang cute niyang maliit na dimple dahil napatawa siya ng onti. Kinuha ko ang tubig ko at uminom muna ako bago bumalik ulit sa kanya para mag practice. Nakakauhaw pala.
"Guys, eyes on me." Napatingin naman kaming lahat kay Ma'am Rose. Ang head ng club namin.
"Ayusin natin ang practice ngayon ah? Kase, ang team natin ang mag p-present para sa prom na paparating." Sabi niya.
Marami naman ang natuwa sa balita. Nilingon ni Ma'am si Trisha.
"Ms. Salvation, ikaw ang magiging singer that day so be prepared." Sabi ni Ma'am. Agad naman na tumango si Trisha at tumingin sya sa akin na nakangiti.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...