MASARAP kong nilalanghap ang masarap na hangin rito sa rooftop. Napansin ko ang biglang pag-alarm ng cellphone ko. Nasaan ba si Jelai? Kanina pa dapat siya nandito eh. May meeting kami ngayon sa club namin pero hindi kami pupunta. May research kasi kami at ka partner ko siya sa research namin. Syempre kailangang simulan na namin ang research namin no. Ang naisipan naming research is all about bullying. Napapansin ko rin kasi uso sa school namin 'yon at sinisigurado ko na ma e-enganyo ang mga readers namin sa gagawin naming research papers.
Napabuntong hininga ako habang naka-upo rito sa bakanteng upuan na nandito sa rooftop. Maraming mga bakanteng chairs ang nandito. Dito kasi nila dinadala pag hindi nag kasya sa room.
Napatingin ulit ako sa cellphone ko, nasaan na ba si Jelai? Malapit na 'yong lunch time.
Habang wala pa si Jelai ay sinimulan ko nalang muna ang pag-susulat. Tinigil ko muna ang pag-susulat nang makita ko ang isang maganda view rito sa rooftop. Ang ganda ng ere.
Pakiramdam ko ay lumilipad ang isip at dinadala ako ng aking imahinasyon sa isang lugar na masaya. Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata. Sinalubong ng asul na kalangitan ang aking paningin. I felt the anger flew away. Tila sumama ang mga dumadaang ulap sa harapan ko ah. Nagbuga nalang ako ng hangin at napapikit ako.
Muli ako napamulat. Nakita kong bumilis ang pagdaan ng mga ulap. Bahagya akong ngumiti. Napaisip ko na sana ay ulap nalang ako. Madali lang magpatangay sa hangin at wala na akong pakialam kung saan man ako dalhin ng ihip na iyon.
Nakarinig ako nang mahinang tinig na tila nag-uusap kaya lumingon ako. Sabay napabangon nang makita ko ang ilang lalaking studyante na papalapit sa kinaroroonan ko. Umayos ako ng pwesto. Nag-iisip ako kung aalis ba o hahayaan ko nalang na nandito rin sila sa rooftop. Ngunit hindi ko pa alam ang gagawin ko nang nakalapit na ito sa akin. I sighed.
Nagulat ako sa nakita ko. Kasama nila si Basti. Ano naman ang ginagawa ni Basti rito? Kapansin-pansin agad ang kakaibang ngisi niya sa akin. Bakit na naman nandito si basti!
"Hi Roni." Bati pa niya sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Diretso kong tanong. "Di 'ba, wala ka na rito? Bakit bumalik ka pa?"
"Tsk, ikaw naman. Galit agad" ngising sabi niya. "Hindi ba pwedeng, binibisita lang kita?"
Agad naman akong nainis sa sinabi niya. Nasundan pa iyon ng malutong na tawa at napatingin siya sa mga kasama niya.
Walang gana ko siyang tiningnan. Wala na rin akong itinugon sa kanya. Kailangan malaman ni Basti na ayaw ko siyang kausap. Ngunit naalarma ako nang bigla nalang itong kumilos papunta sa akin.
Yung mga kasama naman niya, nandoon lang sa likod niya.
"Roni..."
"Wag mo nga akong lapitan." Agap ko at itinulak ko siya nang nakalapit na siya sa akin.
"Ikaw naman... Hindi ka ba masaya na binisita kita?" Ngising sabi niya.
"Hindi." Galit kong sabi. "Bakit ka ba nandito? Outsider ka na ah! Umalis ka nga rito."
"Alam mo, nandito ako para magpa-alam sa iyo. Di 'ba nga, wala na ako rito sa school? So, binisita kita baka kasi namimiss mo na ako eh. Buti nalang, nakita kita kanina na papunta rito sa rooftop." Ani niya.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan kasi wala akong pakealam sayo." Irita kong sabi.
Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko kasi aalis na ako rito. Ayoko na makita ang Basti na ito. Bakit ba siya nandito. At paano siya nakapasok rito sa school?
"Sandali." Bigla niyang hinila ang braso ko. "Isang kiss lang oh. Goodbye kiss mo sa akin. Aalis na ulit ako." Ngumisi siya.
"Anong sabi mo?" Mariin kong sabi.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
AléatoireAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...