19: COFFEE (Borj Jimenez POV)

162 18 0
                                    

SA ISANG cozy restaurant ko siya dinala. Malapit lang ito sa school. At habang kumakain kami ng in-order ko para sa kanya ay kanina pa din siyang hindi mapalagay. Siguro nahihiya lang siya. Pinag-iisipan siguro niya kung bakit siya sumama sa akin.

We even ate together. Masarap ang pagkain pero hindi ko naman nalasahan iyon dahil mas abala ako sa kung ano ang iniisip niya.

"Ayaw mo?" Tanong ko sa kanya na naka-angat pa ang mga kilay na nakatingin sa akin.

She sighed. "Ang sabi mo coffee,"

Bahagya naman akong ngumiti. "Okay. Order tayo ng coffee."

"Sandali." Mabilis naman niyang pinigilan ang kamay ko nang maiangat ko na sana ito para tawagin ang waiter.

"Ang sabi mo coffee. Matuto kang gumets nang mabilis." sabi niya at halata sa boses niya ang inis.

Natawa ako at napatingin ako sa mga order na nasa table namin. Puro pagkain ang nandito.

"Nagutom ako, eh. Bakit hindi ka na lang kumain? Masarap naman ang food dito," Sagot ko at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Pinagmasdan niya ako at napansin ko ang hindi niya pagkilos.

"Come on, Roni. You're overthinking and overreacting."

"Bakit mo 'ko niyayang kumain rito? Eh 'di sana, sa canteen nalang tayo di 'ba? Bakit pa tayo nandito sa restaurant na 'to?" Irita niyang tanong.

"I just want to. Kailangan ba maipasa ko muna sa'yo ang dahilan ko para pumayag ka? I did ask you. Sumama ka naman. So, ibig no'n walang masama sa ginagawa ko." Kunot na kunot ang noo ko habang sinasagot siya.

"Bakit nga?" Pangungulit niya.

Ibinaba ko ang hawak na kubyertos saka muli siyang tiningnan. "Dahil gusto ko na gumaan ang pakiramdam mo. Hindi maganda ang ginawa ni Basti sa'yo. I was there when he humiliated you. I don't know pero...ayoko lang nakikita na nagagalit ka at nag-susungit ka. Ayoko rin na nakikita na sinasaktan ka niya. Tulad noong mga sinabi niya noon no'ng nandon kami sa clubhouse na nag—"

"Ano?!"

Natigilan ako. At hindi ko inaaka na ganoon ang maging reaksiyon niya.

Shit, dapat pala hindi ko na binanggit ang tungkol doon sa clubhouse. 'yong nakipag-suntukan ako kay Basti.

"A-hm, kalimutan mo na lang—"

"Nadulas ka na. Sabihin mo na," agap niya.

Muli akong nagbuntong-hininga. "Natatandaan mo noong nandon ka sa bilyaran? Iyong dumating si Basti? Hindi rin kasi maganda ang....ang mga sinabi ni Basti, eh. Nagalit ako kaya nasuntok ko siya. Hindi ko naman masisisi kung bakit ko nagawa 'yon. Kaya no'ng kinaumagahan, pumunta ako sa inyo, pero dumating si Basti at hindi ko sinabi ang mga nangyari sa'yo. Kasi alam ko naman na, nandoon kay Basti ang attention mo noon eh." Pagpaliwanag ko.

"Bakit naman hindi mo na-ikwento 'yan?" Aniya sabay sandal sa upuan.

"Kasi, ayoko na magalit ang kalooban mo sa kanya sa araw na iyon." Sagot ko.

"Bakit naman? Galit naman talaga ako sa kanya no'ng araw na iyon." Sabi pa niya.

"Pero kasi, ayoko rin na magulat kayo." Agap ko.

"Magulat? Eh, mas nagulat nga ako kasi pumunta si Basti doon eh. At lalo na, nagalit kay Basti si kuya sa araw na 'yon. Pero hindi mo parin na kwento 'yan." Ani niya.

"Hindi ko rin naman in-expect na magagalit sa kanya si Yuan sa araw na 'yon eh. Pero kalimutan mo na Roni." Ani ko.

"Hindi mo nasabi sa akin, kasi kaibigan mo siya?" Ani Roni.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now