21: FEELINGS KAY BORJ (Roni Salcedo POV)

186 19 0
                                    

THREE DAYS had passed and we hadn't chance to talk. Mas naging madalas ang pagsasama nila ni Trisha dahil sa papalapit na prom at sa pag p-practice nila. He never approach me just not like the old days. Simula nung nasabi ko ang mga 'yon kay Borj, bigla nalang siyang nanlamig sa akin.

Napakababaw ang pinag-aawayan namin pero dahil sa tagal naming hindi pag-uusap ay parang sobrang laki ng problema. Hindi kami nagpapansinan sa school. I tried talking to him after one day of ignoring each other, but his voice is so dismissive and cold.

I didn't want this to go any longer. So I went to the supermarket to buy the ingredients. Igagawa ko si Borj ng Checken Soup. Sigurado ako na pag dinala ko ito sa kanila mamaya ay baka magustuhan niya.

Mahirap talagang tanggapin ang pagtatalo namin pero sa totoo lang ay mas masakit para sa akin ang hindi siya makausap. Gabi gabi ko siya iniisip at hindi ako makatulog. Nagsisisi talaga ako kung bakit ko nasabi sa kanya ang ganoon. Hindi ko sinasadya iyon. Galit lang talaga ako.

Siguro sa tingin lang niya na wala lang sa akin ang mga nangyayari kasi iba naman kami ng nararamdaman pero sobrang laki ng epekto sa akin ng hindi namin pagpapansinan. Namimiss ko na si Borj.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinutulak ang cart. Papunta na ako ngayon sa counter para magbayad. Tapos na akong mamili ng ingredients sa lulutuin ko mamaya na Soup para kay Borj.

Umuwi agad ako matapos kong mamili. Dali dali ko naman itong inilagay sa ref namin ang mga ingredients na binili ko.

Dahil linggo ngayon, magsisimba kami nila kuya. Mamaya ko na siguro lulutuin ang soup para ibigay kay Borj. Buong pamilya kami aalis ngayon papunta sa simbahan.

Pinalitan ko ang suot kong short at t-shirt. Nagsuot ako ng itim na bisteda na umabot hanggang sa tuhod ko. Itinaas ko ang buhok ko para makita ang aliwalas ng mukha ko. Tama nga sila, mukha akong masungit.

We peacefully attend the mass. Hindi ko rin in-expect na mag-eenjoy ako sa sermon ni father.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Jelai

Ibinaba ko ang aking cellphone at niyaya sila kuya na mag ice-cream sa labas ng simbahan. Sumama naman din sila sa akin at bumili na rin sila ng ice cream.

"Bait mo ngayon Roni ah?" Ngiting sabi ni kuya sa akin kasi nilibre ko sila.

"Mabait naman talaga ako, kuya." Asar ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng pag vibrate ng cellphone ko kaya agad ko naman itong kinuha.

Jelai:
Sige Roni, papunta na ako.

Napangiti ako sa reply ni Jelai sa akin. Agad naman ako nag reply.

Me:
Pakibilisan Jelai,  mag j-jollibee tayo.

Jelai:
Libre mo?

Me:
Syempre ikaw, ako nang-aya eh.

Napatawa naman ako sa sarili kong kalokohan at muli kong inilagay sa bulsa ko ang cellphone ko. Alam ko na hindi na mag r-reply si Jelai kasi papunta na rin iyon dito. Magkaiba kasi kami ng simbahan ni Jelai, Catholic ako siya naman alliance.

Inaya na ako nila mommy na umuwi pero nagpaiwan muna ako sa simbahan kasi hinihintay ko si Jelai. Tuwing linggo kasi, pagkatapos naming magsimba ay kumakain na talaga kami ni Jelai sa Jollibee. Gawain na namin iyon, minsan ako nanlilibre, minsan rin siya. Suki na nga kami eh.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now