ILANG araw na rin ang lumipas na hindi ko pinapansin si Roni, nalulungkot ako pero hindi dahil sa kanya kundi dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hangang ngayon kasi, nasasaktan parin ako pag naiisip ko. Masakit kaya 'yong masabihan ka na parang isang pirasong papel lang ang halaga ko sa buhay niya. Ano 'yon? Basura lang ako? Ganoon?
Ilang araw ko siyang hindi pinansin at sa loob ng ilang araw na iyon, si Trisha ang lagi kong kasama. Marami rin nag sasabi na may humor kami dito sa school pero wala talaga. Kaibigan ko lang si Trisha at masaya ako para sa kanya kasi bukas na siya mag p-perform. Yes, bukas na ang prom namin. Excited ako para kay Trisha.
Medyo, maayos naman na ang mga nangyayari sa pag p-practice naming dalawa. Naging maayos naman din 'yong boses ko at sa wakas ay medyo natuto na rin ako sa pag g-gitara.
Paalis kami ngayon, kasama ko sila Yuan at papunta kami sa lagi naming tinatambayan, ang canteen.
Hindi naman sumama ang loob ko kay Yuan, kay Roni lang talaga ako galit pero hindi naman sobrang galit. May tampo lang ako sa kanya, at hihintayin ko na mag-sorry siya sa akin.
"Hoy Borj, talaga bang ayos lang kayo ni Roni?" Biglang tanong ni Empoy sa akin.
Napapansin narin siguro nila ang hindi pag papansinan namin ni Roni ng ilang araw. Ayoko rin naman na isipin nila iyon. Hindi rin naman na habang buhay ay matitiis ko siya
"Sino ang mga partner nyo para bukas?" Pag-iiba ko ng topic namin. Hindi ko sinagot ang unang tanong.
"Ahm, ako siguro, hahanap pa ako." Sagot ni Nico.
"Ikaw, Empoy?" Tanong ko kay Empoy.
Umiling naman siya at ngumisi. "May nakita akong magandang babae sa grade 11 eh, pero hindi ko alam kung papayag siya."
"Naks naman, sino 'yan?" Tanong ni Nico.
"Secret." Ngising sabi naman ni Empoy.
"Good luck." Saad ko. "Ikaw, Yuan?" Nilingon ko si Yuan.
"Kung sino nalang siguro 'yong available, Borj." Sagot niya.
"Eh paano kung, marami 'yon?" Asar ko.
"Eh di, lahat sila." Biro naman niya sabay tawa. Napailing ako.
"Ikaw Borj, sino?" Tinanong niya ako.
I sighed. Si Roni sana kaso, wala naman akong halaga sa kanya eh.
"Hindi ko parin alam." Sagot ko.
"Eh, Akala ko si Trisha na?" Ani Yuan.
"Oo nga pare, si Trisha nalang." Saad pa ni Empoy.
"Baka may partner rin siya." Tawang saad ko sa kanila.
"Huh? Sino?" Kunot noo na tanong ni Yuan.
"Ewan ko," Ani ko.
Natanong ko si Trisha noon at mukang hindi naman ako ang gusto niyang maging partner eh. Ganoon din naman ako. Nagpapasalamat nga din ako sa kanya kasi no'ng linggo ay sinamahan niya akong bumili ng maisusuot ko para sa prom. Buti nalang talaga gastos niya iyon. Libre na raw niya kasi naging mabuti akong kaibigan sa kanya. Natuwa lang naman ako. Maganda 'yong tuxedo na nabili ko sa araw na 'yon.
"Si Trisha nalang pare, wala naman ata siyang partner." Sabi ni Nico.
"Ewan ko lang." Tanging nasabi ko.
Si Roni ang gusto ko, hindi si Trisha. Pero nahihirapan ako kung paano ko sasabihin kay Roni eh nagagalit pa yung damdamin ko sa kanya.
"Sus, Borj! Pakipot ka pa." Ngising sabi naman ni Yuan.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...