23: SUYO (Roni Salcedo POV)

207 18 1
                                    

DIRETSO akong pumunta sa rooftop. Hindi ako pumunta sa library dahil hindi naman talaga iyon ang pakay ko, gusto ko talaga na sa rooftop ako pupunta kasi gusto ko na makalanghap ako ng masarap na hangin. Kinakabahan ako ngayon. Nang sinabi ni kuya 'yon kanina, hindi ako mapakali. Gusto kong kausapin si Borj pero hindi ko kaya kasi alam ko at nararamdamam ko parin ang galit niya sa akin.

Isang malakas na buntong-hininga nang makarating ako sa rooftop. Umupo naman agad ako. Hay nako, maliban talaga sa library, mas maganda rin na pumunta rito sa rooftop para sa peace of mind. Ang sarap ng hangin at ang ganda ng langit ngayon. Nakaka inspired tuloy. Joke!

Mariin akong nag-iisip. Oo nga pala, bukas na 'yong prom namin. Sino ka ya ang magiging partner ni Borj? Sana naman wala pa siyang nahahanap.

Biglang nag ring ang cellphone ko at nilingon ko ang pag chat ni Jelai sa akin

Jelai:
Sissyy, sinusundan ka ni Borj. Papunta siya diyan ngayon.

Nagulat ako sa chinat niya. At napatingin agad ako sa buong paligid para tiningnan kong may tao ba na nandoon.

Ano? Hindi pwede! Alam ko na galit pa siya sa akin. Bakit naman niya ako sinusundan? Baka gusto niya akong bugbugin?

Dahil sa kaba ay dali dali akong bumaba sa rooftop at nagulat naman ako. Huli na para bawiin ko ang sinabi, nakita ko na si Borj na paakyat pa lang sana sa rooftop. Natahimik ako nang makatingin sa kanya. Nakita ko siyang bahagyang ngumiti. Hindi na ba siya galit? Nagtagal ang pagtitigan naming dalawa.

"Can we talk?" He uttered. Wala na ang matapang niyang itshura ngayon.

Tumango ako kahit na sobrang kinakabahan. This would be the first time we'd talk after many days! Call me whatever you want, but I really  missed him. We are used to being together that the thought of not being with him frustrated me to no end.

Bumalik kami sa itaas ng rooftop.  Sabay naming nilalanghap ang masarap na hangin sa itaas.

"Hindi ko na patatagalin ito, Roni." Huminga siya nang malalim. "I'm sorry. Alam kong nasaktan kita, pasensya na kung matagal kitang hindi kinausap. Nagalit kasi ako sa mga sinabi mo sa akin." He confessed.

Nagbaba ako ng tingin at bumuntong hininga. "I'm sorry din, Borj. Alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan sa ating dalawa rito. Hindi ko sinasadya na sabihin sa 'yo ang mga iyon. Nagalit lang din ako kasi nabanggit mo si Basti. Bigla ko lang kasi naalala ang mga ginawa niya. Pasensya ka na, I wouldn't take my words back because i were said...I really am sorry.  I-i didn't mean  it that way." Paliwanag ko.

Huminga siya sabay iling. "Okay na 'yon. Naiintindihan ko naman eh." Ngumiti siya.

"Ha?"

"Ano ka ba, alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan. Sorry ah kung nagustuhan kita, Roni. Alam ko na nagalit ka sa 'kin dahil, may feelings ako sa'yo. Tanggap ko rin naman na wala kang gusto sa akin eh." Pangiti-ngiti niyang sabi na hindi ko maiintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin.

"B-borj...hindi naman sa gan'on.."

"Pero, masaya talaga ako Roni." Ngumiti siya sa akin.

"M-masaya ka? S-saan?" Utal kong tanong.

"Masaya ako kasi, mabuti na at nalaman ko na hindi mo ako gusto."

Bigla akong natulala sa sinabi niya sa akin ngayon. Nakatingin lang ako habang sinasabi niya sa akin ang mga ito, at hindi ako makasagot.

Dati laging kapiling at kasama ko siya, at nakaramdam ako ng saya sa mga oras na iyon. Diko naman naisip na magbabago pa siya. Talaga bang wala na siyang nararamdaman sa akin? Borj may gusto na ako sa'yo! Sabihin mo naman sa akin na may gusto ka parin sa akin!

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now