27: FACULTY OFFICE (Roni Salcedo POV)

163 18 0
                                    

"Talaga Roni? Mag papa tutor yung kuya ni Trisha kay Tita Marite?" Si Jelai habang hawak hawak ang dala niyang notebook papunta sa faculty office.

Kasama rin namin si Gilven. Pupuntahan namin 'yong naka assign na teacher sa club namin para malaman ang mga gagawin namin sa club. Lagi kasi kaming hindi nakakasali sa mga meetings nila dahil din sa pagiging busy namin sa mga activities nakakalimutan na din namin na may club pala kami. Kaya sabi ng leader namin na pupuntahan raw namin 'yong teacher na naka assign para humingi ng mga gawain para malagyan kami ng grades this quarter.

"Oo. At sincere siya sa pagpapatutor niya." Sagot ko.

"Eh mukha namang matalino 'yon eh." Sabi ni Jelai.

"Oo. Pero sabi niya sa akin, hindi raw siya matalino." Sabi ko.

"Eh bakit si Trisha?"

"Eh mga baks, sino ba 'yang kuya ni Trisha? Pogi ba 'yan?" Ngiti-ngiting sabi naman ni Gilven sa amin.

"Hay nako, pogi nalang lagi nasa isip mo ah." Ani Jelai sa kanya

"Nagtatanong lang eh. Pero pogi ba talaga?" Ngumiti siya.

I sighed. "Medyo."

"Talaga?"

"Oo. Pogi rin naman siya." Diretsong sagot ko.

"At alam mo ba Gilven? May crush kay Roni 'yon."  Pangiti-ngiting sabi ni Jelai sa kanya.

"Ano ka ba Jelai, ang daldal mo talaga." Agap ko.

"Yiiee meron palang admirer ang Roni na 'yan" asar sa akin ni Gilven.

"Ano ba"

"At hindi lang 'yon meron pa." Asar pa ni Jelai kaya binatukan ko siya.

"Jelai tama na!" Ani ko. Napatawa naman din siya

"Eh di sino pa?" Sabi ni Gilven.

"Wala na." Agap ko.

"Roni, si Borj!" Ani Jelai at pinanlalakihan ko siya ng mata.

"Si Borj?"

"Oo ayon siya oh!" Akala ko nagbibiro lang siya pero may tinuro siya mula sa pwesto namin.

Nakita ko si Borj na naglalakad palayo papunta kung saan. Saan naman kaya siya pupunta?

kaya dali dali naman akong tumakbo papunta sa kanya.

"Borj! Borj!" Pagtawag ko dahilan nang kanyang pagtigil.

Lumingon siya sa akin at humakbang siya papalapit na nakangiti.

"Oy Roni." Bati niya. "Bakit? May kailangan ka ba?"

"Wala naman."

"Hi pogi.." bati naman sa kanya ni Gilven.

"Oh, hi." Bati ni Borj kay Gilven pabalik. Nakita ko naman na napangisi si Gilven nang wala sa oras.

"Saan ka pupunta?" I asked.

"Sa library. Mag-aaral ako." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Ahm, bakit? May assignments ka ba?"

Umiling naman agad siya. "Wala naman."

"Eh b-bakit ka pupunta sa library?" Utal kong tanong. Napatawa naman agad siya.

"Roni, mag-aral kami ni Trisha ngayon eh. Sabi niya na mauna na raw ako doon sa library." I rolled my eyes on him.

"Ah?"

"Oo, marami kaming gagawin mamaya...
pero—"

"Oo nga pala no? Mag-aaral pa pala kayo? Sige aalis na rin kami." Walang ganang sabi ko at akmang aalis na sana kami.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now