Hi there-ah.

116 1 0
                                    

Nakita ko sa isang facebook post, andoon yung pangalan niya.
"See you soon ************* .. Welcome to the club!"
Post iyon ng kaibigan ng kaibigan niya.
Aalis na daw siya ng bansa. Pupunta na siyang Dubai.
Watda-ep. Mangingibang bansa siya? Aalis na siya. Huhuhu. Ilang taon ko siyang di makikita. Kakausapin ko ba siya? Makikipagkita ba ko sa kanya? Kaya ba siya aalis dahil mag-iipon na siya para sa future?

....
Ang init.
Nagising ako sa pagkakatulog.
Panaginip lang pala. Da ep.
Kala ko naman totoo!
Pakshet! Eh Bakit ba ko namomroblema? Eh hindi naman na kame! Hayup. Bakit ko ba kasi napanaginipan yun??!
Matagal ko na kaya siya hindi iniisip. Naka-block na rin siya sa facebook ko. Hindi ko na rin tinitingnan yung profile ng mga close friends niya na posibleng makita ko yung pagmumukha niya don sa mga posts nila.
Kainis. Naka-move on na ko, heller!!!

...
Naka-move on pero todo react nung mapanaginipan ko siya. The fack.
Kala mo naman ke gwapo niya. Aba, eh siguro iniisip niya ko kaya ko siya napanaginipan.
Eh di ba ganun yun? Pwedeng hindi mo naiisip yung tao pero napapanaginipan mo siya kasi siya ang nag-iisip sayo.
(Pwede ding at the back of my mind, naiisip ko pa din siya. Letseng subconcious 'to.)

***
Nagasikaso na ko papuntang trabaho after kong magmunimuni sa walang kakwenta-kwentang bagay. Yea. Wala siyang kwenta. Hindi ako bitter, sadyang totoo lang na wala siyang kwenta. Sa panloloko niya sa'kin, binura niya lahat ng mabuting alaala namin. Syet. Nakakaiyak. Pero UBOS na ang luha ko kakaiyak. Wala nang lumalabas kahit magdrama pa ko 100x!!!

After maligo at magbihis, nag-almusal, sakay ng tricycle, sakay ng FX...

....
Habang nasa FX.. Nagbukas ako ng facebook ko. Scroll scroll... Uyy.. Baka matempt na icheck kung totoo yung napanaginipan niya... Heeeepp! Tama na. 'Wag kang titingin ng profile ng iba. Wala akong pakialam sa napanaginipan ko. I won't let it affect me. Duhhhh.
Bumaba na ko sa FX at pumasok sa trabaho.

I'm an engineer nga pala by profession. And this is my life.

"Darrah, haba na ng buhok mo, pagupit ka na! O kaya parebond mo yan, gaganda ka sigurado."
Sabi ng ka-office mate ko.

"(Anung akala mo saken, di maganda??? Luhhhh.) Ahh.. Oo nga eh. Naiinitan na din ako sa buhok ko. BALAK KO NA MAGPAKALBO."

Capslock para intense. Naiirita na din ako sa buhok ko no. Pag ako nagpaayos, who you ka saken. Lahat na lang napapansin mo.

May meeting nga pala mamaya! Takte. Bakit ganito suot ko! Lagot ako sa boss ko. Hindi ako nakabusiness attire. Whew.
Uuwi ba ko? Manghihiram ng damit? Kunwari sasakit ang tiyan??  Hay. Last resort... Sana postponed na lang ang meeting.

"Oh, Ms. Darrah, tuloy ang meeting natin mamaya ah. Bakit ganyan nga pala ang suot mo?"
Sabi ng supervisor ko.

Sabi ko nga eh. Daanin sa smile.
"(Naka-killer smile) Ahh.. Sir kasi nawala po sa isip ko. Pero nagawa ko po yung report, and I can deliver it to you for your feedback if you want. (Sabay segway? Anu bang tamang spelling nun, segue o segway? Whatever.)"

"Mamaya na lang, before meeting. Sana hindi mapansin ni manager ang attire mo. Galingan mo na lang magpresent mamaya."

"Okay sir. Thanks po."

Nakalusottt!! Kailangan ayusin ko mamaya kundi sibak ako sa trabaho. Mabait naman yung manager namin. Ewan ko lang yung managers ng other department. Whole division kasi yung pagppresentan ng team namin mamaya. Kaya iba't-ibang managers galing sa iba't-ibang department andun din, like business, marketing, technical, etc.

Nagdecide ako na hindi na ako uuwi at gagalingan ko na lang magpresent.

2pm yung meeting at tatagal yun ng mga 2 to 3 hours dahil sa madaming presentations and deliberation.

Habang ginagawa ko ang usual kong trabaho, na mag-check ng design ng mga transmission towers, biglang dumaan yung manager namin sa desk ko.

"Darrah, paki-prepare na yung reports natin at presentation. Ikaw at si Mar ang kasama ko mamaya. Magreport ka sa'kin if ready ka na, we'll check your work."

"Ok sir. Punta na lang po ako sa office niyo if ready na po ako."

Si Mar nga pala is yung supervisor namin.
Ako ang kasama kasi ako ang may hawak ng mga new projects.  Since quarterly merong bagong projects na nilalaunch ang company. Pangatlong division meeting ko na ito if ever. Kaya medyo confident naman ako sa pagdeliver ko ng presentations.

After lunch, pinuntahan ko agad yung manager ko. Syempre pagkatapos ko kumain nagtoothbrush ako no. May hygiene ako excuse meee.. Teka, sino ba kaaway ko? Baliw ka na Darrah.

"Sir okay na po lahat ng reports, nakuha ko na po yung compilation and printed copies and pwede ko na din po ipresent sa inyo yung new projects."

"Okay, mabilisan na lang Darrah. Dahil nakapagpresent ka naman na sa department last time regarding the reports."

"Okay sir."

....
"Your presentation is nice as usual... But there's something unusual in you. Ngayon ko lang napansin, bakit hindi ka naka-business attire??"

Hindi siya galit, mabait naman 'tong manager ko eh, pero yare ako syempre. Nakakahiya din. Lutang kasi!!!

"Ahmm sir, I forgot po. Mahigpit po ba sila sa attire?"

Nakasuot ako ng Long sleeve blouse and black pants. Kung lalagyan ko ng blazer, hindi bagay. Watda-ep.

"Never mind, I just hope wala namang mamumuna dun. Ayos naman yung presentation mo. Smooth. You can go back now and don't worry about that. Focus on the meeting later."

"Yes sir, thank you, bait niyo po talaga."

Nambola pa daw?? Nah. Mabait talaga manager namin. 42 years old na siya. Mahaba ang pasensya. Matagal na rin siyang nagttrabaho sa company namin. Ako mag-2 years pa lang.

Dumating na rin yung time ng meeting at pumasok na kami sa conference room.

Okay, focus muna dito Darrah, 'wag ka muna mag-isip ng iba. 'Wag mo muna isipin si ******* ....

Watda-epp!!??? Bakit ko nasabi yun? Da fack.




Bitterella CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon