Surrogate Hired Wife ♡ Part 23

51 2 0
                                    

Napangiti naman si Rixon at niyakap niya si Lexie.Bata pa nga ito at kelangan niya ipampered ito lage.
"Magagawa mo ang gusto mong gawin sa pamamahay natin.Pero if galit ka kausapin mo lang ako or sigawan.I don't mind kesa dedmahin mo lang ako ok."malambing na niyakap ni Rixon si Lexie.Narerelax talaga siya sa amoy nito sobra.
"Hoy padedehin ko pa ang mga anak ko.Basta sinabi mo iyan wala ng bawian ok."nalusaw ang galit ni Lexie talagang nainlove siya sa pagiging malambing ni Rixon eversince.Di na niya iisipin pa pala yong contract nila.As long as asawa siya nito walang karapatan ang sinuman na ilayo siya sa mga anak nila.
"Sayang binayad natin sa yaya nila.Wag kang magpagod lage rest ka muna Mrs.Miller ok."pinahiga na ni Rixon sa kama nila si Lexie.Habang niyayakap niya ito na tila wala ng bukas.
"Rixon pwede ba kami ni Jenie magplan sa kasal na sinasabi mo.Gusto ko simple at elegant lang naman.Konting bisita lang ok na iyon ok ba iyon.?"biglang request ni Lexie.
"Sure why not wedding natin iyon kaya syempre ikaw bahala doon.Can I kiss you misis ko hmmmp.?"bulong naman ni Rixon parang nalalasing siya sa scent ni Lexie talaga.
"Rixon di pa ako ready sa ano."namula naman ang mukha ni Lexie na parang kamatis.
"Kiss and hug lang muna ok na iyon sa akin.Can I kiss you then.?"inulit pa ang tanong ni Rixon dahil iniiwasan na niyang magalit ang batang misis niya.Mahirap pa naman itong paamuhin.
"B-bakit nagpapaalam ka pa mas lalong nakakahiya iyon Manong."sinubsob pa ni Lexie ang mukha sa bandang leeg ni Rixon.First time niyang maramdaman iyon at wala siyang experience sa ganun mga bagay.
"Ok sa susunod di na ako magpapaalam pa."inangat ulit ni Rixon ang mukha ni Lexie.At hinahalikan ang buong mukha nito.Tapos sa mapupulang labi nito.Tinuruan niya kung paano pa ang French kiss.Tumigil siya dahil baka di niya makontrol ang sarili.Rerespetuhin niya ito habang nabubuhay pa siya.Nakatulog sila na magkatabi na ngayon.Para kay Rixon simula ng bagong chapter nilang dalawa ni Lexie.Kasama ang Supling nilang pinangalan ni Lexie na Rei at Roi.Kambal na lalake ang ipanganak ni Lexie.1 month pa itong nanganak kaya bawal pa ang labing labing kahit gugustuhin nila.Kontento na si Rixon na mahalikan at mayakap si Lexie araw araw.
Masaya silang pumunta sa mansion nila.Pinapunta din nila ang Mama at Tito ni Lexie.Ang step father na niya kumbaga.Tanggap ni Lexie ang ama ni Jenie.Dahil ito ang karamay din ng kanyang Ina ng mamatay ang ama niya noon.
"Pag uusapan na ba ang kasal ninyo Lexie apo.?"masayang tanong ni Donya Ignacia kay Lexie.
"Yon din kasi ang gusto ng Mama ko po Donya Ignacia."nahihiyang sagot naman ni Lexie.
"Lexie anak dapat tawagin mo sila ng Lola at Mommy diba.?"masaya si Melba na maikasal si Lexie na nakasuot ng trade de Buda.Gaya niya na kinasal talaga noon sila sa simbahan ng asawa niya.
"Pwede po bang lola at Mama na lang po itawag ko sa inyo.?"awkward man iyon kay Lexie pero masasanay din siya doon.
"Of course mas sweet ang Mama.Dahil gusto ko din magkaroon ng anak na babae.Kaso may kabit yata iyang matanda na iyan iha.Nanlalamig na siya sa akin matapos medyo lumaki si Rixon.Kaya di nasundan si Rixon ng kapatid na babae."niyakap naman ni Penelope sa wakas nagkusa na si Lexie mag approach sa kanila.
"Honey sorry pagod lang naman ako noon lage sa company.Paano naman ako mambabae ei umuuwi ako gabe gabe naman.Ikaw katabi ko kahit malasing ako madaling araw diba.?"naguilty si Mr.Miller dahil na taken forgranted noon niya si Penelope noon.
"Rixon pag pagod ba ang lalake di tumatayo yong ano.?"inosente na tanong ni Lexie pero bumulong lang sa mister.
Naibuga naman ni Rixon ang kape na iniinom.At bigla siyang tumawa ng malakas.Tumango siya lang kasi senenyasan siya ni Lexie na wag maingay.Pero alam ni Jenie at Joe ang usapan ng dalawa.Namumula sa kakatawa ang dalawa.
"Ang saya diba nila tanda.?Kalimutan mo na iyong kasunduan ninyo ni Mr.Brandon.Ang mahalaga sa amin ni Mama masaya ang anak ko."seryosong ani ni Penelope sa asawa.
"Di na mauulit pa iyon Honey.Ayoko na din palayasin ninyo ako.Narealize ko di importante pagkakaibigan namin ni Mr.Brandon.Ang mahalaga pala masaya ang pamilya ko."di pa huli marealize ni Mr.Miller ang kahalagahan ng pamilya niya.Kesa sa pinagsamahan nila ni Mr.Brandon.
"Mommy ang gusto ni Lexie siya daw ang pipili sa location at sa lahat about sa wedding namin."nakangiting ani ni Rixon dahil willing na talaga si Lexie maikasal sa kanya ngayon.
"Aba anak mahirap ang preparation ng kasal.At malamang marami silang bisita diba balae.?"iniisip naman ni Melba ang pamilya ng mga Miller.
"Ganito na lang iha magbibigay ako ng pagpipilian mo about sa preparation.Para di ka mahirapan pumili ka lang ako na bahala sa lahat ok."magiliw na ani ni Penelope excited talaga siyang makasal ang nag iisang anak nila.
"Lexie dapat Beach wedding para makapag enjoy tayo.Noon pokus tayo sa pag aaral lang.Kelangan natin magrelax naman diba.?Natuyo na din utak natin sa kakaaral ng law."suggestion ni Jenie.
"Maganda yon sa bayan namin may exclusive beach resort doon.Yong mga kabataan ngayon balae chessy na yong simbahan daw ikasal."agree naman si Melba.
"Kaya nga balae Planuhin na natin ang kasal nila.Mas ok doon malapit sa kamag anak ninyo.Iyang matanda na iyan wala iyang alam sa mga ganitong preparation."biglang nagkasundo sina Penelope at Melba.Kaya masaya na rin si Donya Ignacia.
Samantalang galit na galit ang pamilya ni Jessica.Lalo na si Mrs.Brandon dahil ikakasal na daw publicly sina Rixon at Lexie.
"Nakakainsulto sila talaga sa anak natin.Pinagtatawanan nila si Jessica ngayon.Dahil sobrang obsessed daw kay Rixon Miller."galit na saad ni Mrs.Brandon sa asawa niya.
"Wala na akong magagawa sa bagay na iyon.Pamangkin ni Mel iyon Lexie Flores na iyon.At malaki ang utang ko kay Mel kaya hayaan mo na Joanna."ani ni Mr.Brandon lalo pa anak ni Melba si Lexie.Ang unang pag ibig niya.
"Dahil ba anak ni Melba iyon ha Rodrigo.?Kaya give up ka na ganun ba.?Wag mong kalimutan ang image ng anak mo."inis na ani ni Mrs.Brandon.
"Joanna utang ko kay Mel ang buhay ko.Wala tayo ngayon kung di ako niligtas niya sa sunog.Ako sana ang natupok nang apoy Hindi si Mel.Kaya wag mong idamay si Melba sa insecurity mo maliwanag ba.?At kasalanan ni Jessica kinokontra niya lage sina Tita Ignacia at Penelope.Sino naman ang gustuhin maging manugang ang maldita mong anak.?Pati sina Mrs.Reyes ginalit niya.Yong malaking investors natin.Kaya ang mabuting manahimik na kayong dalawa."nagwalk out na lamang si Mr.Brandon di kasi nakakaintindi ang mag ina niya.Igigiit nito ang gusto kahit di na talaga pwede.
"Di ako papayag malamangan ang anak ko sa anak ni Melba iyon ang tandaan mo Rodrigo.!"insecure si Joanna Brandon sa first love ni Rodrigo.Dahil siya arrange marriage lang sa mga magulang nila.Gusto niyang sundin ang yapak niya sa anak niya.Be selfish enough para di ka maagawan kumbaga.
"Guguluhin ko ang wedding nila Rixon at Lexie na iyon.Akin lang si Rixon ako lang nababagay sa kanya."sobra ang confident ni Jessica sa sarili niya.Kahit nagkulang siya sa good personality kumbaga.
Samantalang di lang si Jessica Brandon ang nagdurusa ngayon.Pati si Yna Blake di niya akalain na maagawan siya ng lalake.Gayong siya naman ang unang lumayo kay Rixon Miller.Naglalasing siya ng malaman niyang ikakasal na sina Rixon at si Lexie.Di niya matanggap yong katotohanan na di na niya pag aari ang puso ni Rixon Miller.At isang simpleng kolehiya lang ang pumalit sa kanya.
"Rixon kung alam ko lang na ang career ko noon ang dahilan sa pagkawala mo.Di na sana ako nangarap ng todo.Ngayon sobrang nagdurusa ako sa piling ni Winston Adam's.Kala ko ikaw lang ang sasalba din sa akin sa Mala impyerno kong buhay ngayon."impit na sambit ni Yna sa kawalan.Habang naglalasing siya naglalampungan pala ang sarili niyang kapatid niya at ang asawa niya mismo.Mas napapaligaya daw ito ni Yassi Blake ang mismong kapatid na nilalandi ang asawa niya.

 Surrogate Hired WifeWhere stories live. Discover now