Kelra's POV
Kinaumagahan ay nagpasya ako na umuwi na sa amin. Inayos ko ang mga gamit ko, nilagay ko lahat sa loob ng bag ko tsaka binaba ang mga hindi kakailanganin. Babalik pa naman ako rito, hindi nga lang agad agad. Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko, kapag nagka-ipon ako ay babalik ako rito, pansamantalanag maninirahan sa kanila. Ayaw ko kasing malaman ni Klaxon na buntis ako, kaya habang maaga pa at hindi pa masyadong halata ang tiyan ko ay aaksyon na ako.
"Bumisita ka ulit dito, Kelra ah?" sabi ni Juanito. Ngumiti lamang ako at tumango.
Nagpaalam na ako sa kanilang lahat. Hindi ako sumabay kay Klaxon baka ano pa ang isipin nila sa amin. May taxi namang tinawag si Manang Sales kayat duon ako sumakay. Hindi muna ako uuwi ngayon, pupuntahan ko pa kasi si Jenie sa kanyang condo. Hindi kasi natuloy 'yung usapan namin dahil umalis kaagad ako.
"Jenie, nasa condo kaba?"
"Bakit? Ngayon kana pupunta?"
"Oo sana. Bukas pa naman ang pasukan."
"Sige sige, maghihintay ako sa labas."
Hindi naman kalayuan ang condo ni Jenie kayat hindi mahaba ang byahe. Pagkadating ko ay binigay ko kay manong ang bayad. Mabuti na lang may pera pa ako rito. May 500 nalang ako, hindi pa kasi ako binibigyan ni mommy ng allowance. Galit parin siya at naiintindihan ko naman. Dito na muna ako kay Jenie, ayoko munang isipin ang ibang tao. Tsaka, time narin nilang dalawa ito. Paniguradong wala ngayon sa school si Klaxon, uuwi iyon dahil akala niya umuwi ako.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at inangat ang tingin. Nakita ko si Jenie kakababa lang, nang makita ako ay niyakap niya kaagad ako.
"Antagal ah! Mas lalo kang gumanda at... tumaba?"
Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hilaw naman akong ngumiti sa kanya. "Malamang, lakas ko kumain eh!" angil ko. Tinawanan niya lamang ako at iginaya na sa kanyang tinutuluyan.
Malaki din naman ang pinagbago ni Jenie. Noon ay sobrang payat niya, maiksi din ang kanyang buhok pero ngayon ay mas lalo siyang pumuti at tumangkad. Ano kayang sikreto niya? Sigurado naman akong afford niya ang mga skincare dahil may trabaho siya. Mabuti'y napagsabay niya ang pag-aaral at pagtratrabaho.
"Ang laki ng condo mo ah. Magkano renta mo rito?" tanong ko. Tinungo ko ang kanyang high class na kitchen at kumuha ng mansanas duon. Ang taray ng condo niya, pang high class talaga.
"Hindi ito renta, Kelra. Binili ko ito,"
"Talaga? Wow naman, dami mo sigurong pera ano? Pautang naman oh!"
"Gaga ka! Wala pa akong sahod tsaka naparito ka naman dahil sa trabaho, hindi ba? Tamang-tama may posisyon akong ibibigay sayo sa kompanya,"
Mas lalong nalaglag ang aking panga. Nakakagulat naman kasi, she has this luxurious condominium and she works in a company? Student pa naman siya tulad ko pero ang taas na nang kanyang narating ah. I didn't know this, hindi naman kasi siya laging nag-uupdate sa akin. Hindi niya naman ako shota noh.
"Pwede ba ako riyan? Nag-aaral pa ako eh." Tila nawalan ng pag-asa. Sure na sure kasi akong hindi ako matatanggap. I'm still a student you see. Kompanya iyong papasukan ko hindi lang part-time o sa isang shop kung kailan ko gustong pumasok. Dito ay kailangan kong pumasok ayon sa schedule ng trabaho.
"Oo naman. Kilala ko naman ang may-ari ng kompanyang iyon. Kinausap ko na siya nung nakaraan, pumayag naman siya at may own sched ka narin dahil student ka like me."
"Talaga ba? Ambait naman ng taong 'yan!" hindi ko maiwasang hindi matuwa sa balitang ito. Finally ay magkakaroon na ako ng sarili kong pera. Ang tanong, kakayanin ko kaya? I'm pregnant at hindi ito alam ni Jenie. May tiwala naman ako sa kanya pero natatakot ako. Sa akin lang muna ito.