CHAPTER 15

69 2 0
                                    

Hello! Matatapos nato huhuhu

Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------

"Ang ganda mo, bruha!" Bahagya akong ngumuso.

Maganda? Sus, wala lang 'to!

"Ako lang 'to, Barbie." Pag mamayabang ko sa kanya.

Nasa boutique kami kung saan ako nirekomenda ni ma'am Belle. Mamayang gabi na kasi ang Artist Gala Night. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito kasi ang unang pagkakataon na dadalo ako sa ganitong bigating event. Bigatin din kasi ang mga nandoon, hindi lang kasi mga artista at mga Direktor ang dadalo. Dadalo din ang mga kilalang personalidad at mga mayayamang negosyante.

"Makikita ka kaya sa tv?" Tanong ni Barbie sakin. Mahina akong natawa.

"Bakit naman ako makikita sa tv, eh hindi naman ako artista? Sasamahan ko lang naman si Justin. Trabaho ko iyon." Pag lilinaw ko sa kanya.

"Eh malay mo naman, mahagip ka ng camera." Nag kibit balikat lang ako.

Hindi ako sasabay kay Justin papunta doon. Dadaan pa kasi sya sa red carpet. Ihahatid lang ako ng driver at sa likod ako dadaan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naka lugay ang buhok ko at kinulot ang dulo noon. May nilagay din silang kung ano-anong clip sa ulo ko na bumagay naman sa damit ko. Napa nguso ako. Ang galing kasi nilang mag ayos, nag mukha akong mayaman.

"This way, ma'am."

Nasa venue na ako. Kaunti pa lang ang mga taong nandito. Mga event organizers at mga assistant or manager palang ang nasa loob.

Pinaupo ako sa isang table sa bandang dulo. May tatlo nang naka upo doon. Bawat table ay apat lang ang upuan.

"Salamat."

Sabi ko doon sa babae at umupo. Ngumiti sa akin ang mga kasama ko sa table upang bumati. Ginantihan ko din sila nang ngiti. Sa tingin ko ay mas matanda sila ng ilang taon sa akin.

"Kanino ka nag tatrabaho?" Tanong nung babaeng nasa harap ko.

"Kay Justin po ng Sound Break." Sabay-sabay silang nag singhapan.

"Ang swerte mo naman!" Sabi naman nang babaeng nasa tabi ko.

"Pero akala ko si Belle ang manager ni Justin. Pinalitan na pala?" Takang tanong nung isa pa.

"A-Ahmm hindi nya po ako manager, PA nya po ako."

Kumunot ang mga noo nila. Tila hindi inaasahan ang narinig mula sa akin.

"Really? Bakit ikaw ang isinama nya? No offense meant huh, pero this event is prestigious and big. He should've brought someone who's professional like us, and not someone like you."

Napalunok ako at napayuko. Nanliliit ako sa sarili ko.

"Maybe Belle is busy, that's why he chose to bring his PA instead."

"Exactly, he can come with their group's manager naman ah. Bakit yung PA pa?"

Nakagat ko ang labi ko. Kung pag usapan nila ako ay parang wala ako dito ah. Mabuti nalang at iba na ang pinag uusapan nila kalaunan. Kung hindi pa dumating ang isang manager ng isang artista ay tiyak na hindi ako titigilan.

"Bakit nandito yan? Invited ba si  Alessia?"

"What? I don't think so. This event is for professional actors and actresses only. Hindi naman magaling umarte si Alessia. Besides, the event organizers won't invite someone like her."

Nag tanguan silang tatlo. Napahinga ako ng malalim. Madami pa silang pinag usapan. Madalas ay tyismis. Mabuti nalang at hindi na nila ako kinausap. Ayoko din naman silang kausap. Baka masapak ko lang sila isa-isa.

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now