CHAPTER 16

75 3 0
                                    

Grammatically errors ahead
----------------------------------------------------------

Napahinga ako ng malalim. Ilang linggo na lang ay aalis na ang Sound Break dito Pilipinas para sa world tour concert nila, siguradong mamimiss ko ng sobra si Justin.

"What are you thinking?"

Tanong ni Justin sakin. Naka upo kami sa sofa. Naka hilig ang ulo ko sa balikat nya habang naka pulupot ang mga kamay ko sa baywang nya. Ang isa nya namang kamay ay namamahinga sa baywang ko.

"Ilang linggo na lang, aalis ka na."

Malungkot kong sabi.

Nasa isang kwarto kami dito sa third floor ng bahay nya. First time ko dito. Ito lang kasi ang parte ng bahay nya ang hindi pwedeng puntahan, kahit si ma'am Belle hindi pa nakaka punta dito.

At ngayon na nandito na ako, naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Justin na may umakyat dito sa third floor. Nandito kasi naka tago ang mga painting nya.

"Yeah and I'll miss you."

Niyakap nya ako nang mahigpit at hinalikan ang ulo ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya at niyakap din sya.

"Let's go on a vacation."

"Saan?"

Tanong ko sa kanya habang naka subsob parin ang mukha sa dibdib nya. Ang bango-bango nya kasi talaga, ang sarap din ng yakap nya, napaka komportable.

"We have a vacation house in our private Island in Palawan. Maganda doon, siguradong mag eenjoy ka."

Ngumuso ako. Isla? Dagat? Eh hindi nga ako marunong lumangoy.

"Hindi ako marunong lumangoy." Reklamo ko sa kanya. Mahina syang natawa at hinalikan ang ulo ko.

Paborito nya talagang halikan ang ulo ko no?

"You're with me, Lia, don't worry."

Sabagay, kung sakaling malunod ako nandoon naman sya para iligtas ako. Tska, hindi naman ako pupunta sa malalim.

"Ilang araw tayo doon?"

"3 days."

Mahina akong tumango. Mabuti nalang, akala ko isang araw lang kami doon.

Nag hari ang katahimikan sa aming dalawa. Mahina akong napa buntong hininga

"Ldr na tayo." Natatawa kong sabi.

Hindi sya sumagot at marahan lang hinahaplos ang likod ng baywang ko.

Gabi na nang lumabas kami sa kwarto kung saan nya tinatago ang mga painting nya.. nag harutan pa kasi kami. Sa susunod na araw na ang concert nila dito sa pinas, pagkatapos ay mag papaginga lang sila ng ilang araw, tapos lalabas na sila ng bansa.

"Paki dala 'to Jojo." Inabot ni ma'am Belle ang isang bag sa akin. Kinuha ko din naman iyon agad.

Pumasok na agad kami sa loob. Abala ang lahat ng tao pag pasok namin. Ngayon na ang concert ng Sound Break. Dala-dala ko ang ibang gamit ni Justin. Kahapon pa kasi sila dito.

Pumasok si ma'am Belle sa kwarto kung saan aayusan ang Sound Break. Ako naman ay pumasok sa katabing kwarto kung saan pumasok si ma'am Belle.

Pag pasok ko ay hinanap agad ng mga mata ko si Justin. Si Stell at Josh ay nakatingin sakin, si Ken naman ay nag ce-cellphone habang si Pablo naman ay nakahiga sa sofa, mukhang tulog.

Napadpad ang mga mata ko kay Justin. Nasa isang mesa sya habang may kung anong ginagawa sa tablet nya.

"Uy Justin! You're 'special one' is here."

Sound Break 2: Under His SpellWhere stories live. Discover now