CHAPTER 33

1 0 0
                                    

 Chapter 33: promise.

CLARA'S POINT OF VIEW
This is it, coronation day. Nagising na akong wala si Clyde tabi ko, alam kong marami itong ginagawa. 

Sa loob ng tatlong araw na hindi ko nakakausap lalo ang mga kaibigan ko at ang kuya ko ay mas lalo ko silang iniisip, kung ano na ang ngyari? kung ano na ang napaguusapan nila? kung okay lang ba sila?

Sa loob din ng tatlong araw ay natigil na ang pagpatay. Ang tahimik lagi ng buong paligid. Ayos lang naman kami ni Clyde, I trust him na mahal niya ako at siya ka ano ba ang meron sa akin para gamitin niya lang ako diba? mahal namin parehas ang isa't isa sa mundong walang kasiguraduhan kaya ay nagtitiwala ako sa kaniya. Mahal niya ako at mahal ko siya.

FLASHBACK
CLYDE'S POINT OF VIEW
Simula paguwi namin galing sa pagsusukat ng gown ay ang tahimik nito at it really bothers me dahil hindi ako sanay na ganito si Clara tapos humiling pa ito na kung sana ay mag-isa lang sana siya sa kwarto kaya mas lalo ako nagaalala.

Hinayaan ko itong magisa sa kwarto pero pinapakingan ko ito sa pinto. Hindi ako mapakali..

Sa ilang minuto na nakadikit ang tenga ko sa pinto ay nakarinig ako ng isang iyak. Iyak na pinipigilan pero kahit hinaan niya ay maririnig ko pa din ito kahit gaano niya pa ito pigilan.

Hindi ko na natiis pa at agad ko ng binuksan ko na ang kwarto kaya pagpasok ko ay agad na itong nagtalukbong ng kumot kaya ay dali-dali ko ito na nilapitan.

"What seems to be the problem, my dear?" 

"nothing, please lumabas ka na. Gusto ko mapag-isa." Nagtatalukbong pa rin ito at kahit paalisin niya ako ay hindi ako aalis, kwarto ko din kaya 'to.

"do you really think na aalis ako? first of all, It bother's me na ganiyan ka, second ayaw ko'ng ganiyan ka na nagtatago ka sakin at lastly kwarto ko din ito ah so I still have the rights pa din naman siguro 'noh?" nakita ko na dahan dahan niya na ibinaba ang kumot pababa sa ilalim ng mata niya at agad na sumalubong sa akin ang namumugtong mata nito.

"please, stop crying. Alam mo naman na ayaw ko na ganiyan ka." dahan dahan ito na umupo kaya pagka-upo ng maayos nito ay agad ko na pinunasan ang luha nito na ngayon ay ayaw tumigil sa pag-luha.

"Darling, please tell me.." bulong ko rito at mas lalo pa ang pagtulo ng luha nito.

Hindi ko inaasahan na yayakapin ako nito habang mas lalong lumalakas ang pagiyak niya. Hindi ko maintindihan dahil pilitin ko 'man basahin ang isipan nito ay wala akong mabasa. I can't understand bakit hindi gumagana ang kapangyarihan ko?

"P-promise me, p-please.." nahihirapan ito na nagsasalita dahil sa pagiyak niya habang yakap yakap ako samantalang ako ay walang maintindihan sa sinabi niya. Wala namang ngyari?

"What kind of promise? may gusto ka ba'ng malaman? sabihin mo lang at ayoko na nakikita ka'ng ganito.." Mas lalo ko itong niyakap at hinagod ang likod nito. Alam ko'ng kilala ako ng lahat na walang kinakatakutan kahit ang sariling ama pero ngayon na dumating ang babaing ito sa buhay ko ay parang lahat ng bagay na mayroon ako na konektado sa kaniya ay natatakot ako. Natatakot na mawala siya, Natatakot ako na masaktan ko siya, natatakot ako na mangyari sa kaniya, natatakot ako sa lahat na maaring mangyari sa kaniya kaya hanga't kaya ko maibigay ay ibibigay ko just to see her smiling and free from pain and suffering.

"I-I just w-want you to promise.." 

"What kind of promise?" muling tanong ko sa kaniya dahil naguguluhan ako kung ano ang meron at bakit?

"please, mangako ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko Clyde. Litong lito na a-ako." Mas lalong umiyak ito sa akin kaya kahit hindi ko alam ay mangangako ako sa kaniya.

"I promise. I promise that I will take care of everything, ikaw at ang mga mahal mo sa buhay, I promise na hindi kita bibiguin, I promise that I will love and cherish you forever, I promise that no one can take the both of us down and I promise that someday you will reunite with your parents and live the life that you want." After that ay naramdaman ko na napigilan ito sa pagiyak niya at mas niyakap ako. Sigurado ako na natigil ito sa pag-iyak dahil sa huling pangako ko pero lahat yon ay sisiguraduhin ko na maisasakutapuran ko kahit na ang relasyon na mayroon kami ang kapalit, makita ko lang siyang masaya ay ayos na ako.

"Huwag mo sanang sirain ang mga pangako mo kasi yan ang panghahawakan ko.." mahinang sinabi nito sa akin.

"Pangako. Hindi ko sisirain lahat so please stop crying na, okay?" iniharap ko siya sa akin at pinunasan ko ang mukha nito na ngayon ay basang basa ng luha niya. "Tingnan mo oh, namumugto tuloy mata mo. Bakit ka ba kasi umiiyak?" 

"w-wala, m-may na ffeel lang ako na something bad." Napa-isip nga ako sa sinabi niya, paanong masama kaya?

"what do you sense ba?"

"don't worry, huwag mo na isipin. A-ayos na ako. I just want to hear it coming from you." Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi ko ang nagpagaan sa loob niya pero nagpapasalamat ako na ngayon ay ayos na siya, at tumigil na sa pag-iyak.

END OF FLASHBACK
CLARA'S POINT OF VIEW

Gusto ko lang malaman at marinig mismo galing sa kaniya na nangangako siya. Alam kong sa salita niya ay maniniwala ako. Wala ako dapat ika-pangamba at ika-takot. I had Clyde and he had me. Ayon lang ay sapat na ebidensya para pagkatiwalaan ko siya.

End of chapter 33 :)
Thank you for reading!

CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon