Chapter 34: girls talk
CLARA'S POINT OF VIEW
Like I said ay busy na ang lahat since coronation day na. Madaming naghahanda ng pagkain, ng venue, ng lahat!Ako naman ngayon ay nakaupo lang at nakatingin sa bintana habang namamangha sa ganda ng paligid. May mga kasama akong maids dito sa loob na inihahanda ang isusuot ko, make ups at ang mga jewelries na susuotin ko mamaya.
Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ni Clyde ngayon at ganoon din naman siya sa akin. Actually, simula pa kagabi ay iniisip ko pa din sila. Alam ko na hindi talaga okay sa kanila ang naging desisyon ko na ito pero alam ko na alam nila na this is much better kaysa ay makulong sila dito pang-habang buhay bilang mga ayah.
Habang nagaayos ang mga maid ay nakaramdam na ako ng gutom dahil tanghali na. Agad kaming napatingin sa kumatok sa pinto, salamat naman at narinig nila ang dalangin ko na gutom na ako.
Bumukas ang pinto at agad ay sinalubong ako ng pinaka-bunsomg kapatid nila na si Caina. Seryoso ito habang ang buhok niya ay may nakalagay pa ng pang-kulot, tila ay maaga itong naghanda para mamaya.
"Lumabas muna kayo, I want to talk to her privately." Seryosong tono ng boses nito at deretso na naglalakad papunta sa direksyon ko habang ang mga ayah ay umalis isa isa at isinarado ang pinto.
"Now, tell me. Do you really love doing this kind of things?" Seryosong tanong nito na kahit ay hindi niya ipa-kita ay malalaman mo na nag-aalala ito. Hindi lang sa kuya nito kundi ay sa kinabukasan ng mga tulad nila.
"Huwag 'kang, mag-alala dahil mahal ko ang ginagawa ko at mas lalong mahal ko ang nakatatanda 'mong kapatid." Ngiti ko dito.
"You should or else ay habang buhay mo ng hindi makikita ang sikat ng araw." Pagbabanta nito sa akin. Alam ko na gusto nito malaman na sincere ba talaga ako o hindi sa gagawin ko kaya ay parang tinatakot na rin ako nito ngayon na huwag iiwanan ang kuya niya kundi ako ang malalagot.
"Mahal na mahal ka ng kuya kaya ay ganoon na lang ito na ipag-laban na sa lahat." Nagtaka ako sa sinabi nito. Anong ipag-laban? May ngyari ba?
"A-ano ang ibig 'mong sabihin?"
"Kaninang umaga ay nagpatawag ang mga higher ups ng meeting including my kuya. They want to stop kuya Clyde from marrying you and instead chose Ava pero instead of saying yes to their idea ay nakipag-away lang ito sa lahat doon." Alam ko namang ayaw naman talaga ng mga ito sa akin. They want Ava as their queen dahil mas kilala nila ito kaysa sa akin. Mas may napatunayan rin ito kumpara sa akin.
"Kaya ay tinatanong lang kita ulit dito dahil ayaw kong mapahiya ang kuya ko sa karamihan. Ayokong mali pala ang pinili niyang decision." Ngayon na ganito pa ang ngyari ay magkakaroon na ako ng panibagong rason para piliin siya. Na mas piliin ang buhay dito kaysa sa buhay na nakasanayan ko. Sana naman ay tama lang itong decision ko.
"Sigurado ako. Sigurado ako na gagawin ko lahat ang makakaya ko upang magpatuloy ang lahat ng pinag-hirapan ng ama nito. Hindi ko din naman gusto na mapunta lang din sa wala ang mga efforts ni Clyde, kaya huwag kayong mag-alala. Pangako, hindi ko siya bibiguin." Ngiti ko dito at naramdaman ko naman na gumaan ang loob nito sa narinig.
"Dapat lang na tuparin mo ang pangako mo na iyan dahil lahat kaming may tiwala sa kuya ko ay may tiwala na rin sayo." Niyakap nga ako nito na iki-nagulat ko. Hindi naman kasi siya ang tipo na gagawin ito..
"S-sorry" Bigla nitong pinutol ang pagkakayakap ng parang natauhan ito sa ginawa niya.
"Masaya lang ako. Masaya ako na masaya ang kuya ko. Hindi na kasi namin siya nakita na ganito after namatay ang Ina namin kaya salamat. Salamat sa pag-buo ulit sa kuya ko, sana hindi ikaw ang maging dahilan din kung bakit masisira itong muli." Nakangiti na pinupunasan ang luha nito kaya ay inabutan ko n ito ng pamunas sa mukha dahil masyado itong maganda para umiyak.
"Salamat sa pag-titiwala." Ngiti ko sa kaniya.
"Kung alam mo lang kung gaano ka-saya ang kuya kanina, kanina ay binisita ko siya para naman ay kamustahin ito." Ngiting ngiti nga itong si Caina habang kinekwento ang ngyari kanina sa kanya at sa kuya nito.
"He acts like hindi siya ang Clyde na kilala ng lahat. Nakangiti, tumatawa, masaya, excited at kinakabahan na makita ka." Ngiti nitong muli.
"kinakabahan?" Bakit naman kakabahan ang MR. Chinito na iyon? Mukha ba na may gagawin ako sa kaniya?
"Oo, kinakabahan siya dahil baka daw ay hindi mo siya siputin. Kanina pa nga iyon isip ng isip doon ng kung ano ano parang baliw!" Parehas kaming nagtawanan sa naging aksyon nito ni Clyde, totoo naman kasi parang baliw.
Lumipas ang oras ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. I'm not the type na makaramdam ng ganito. Buong buhay ko kahit ang pagsasalita sa harapan ng madaming tao ay hindi ako na tinag pero ngayon na ay inaayusan na ako sa aking mukha dahil naisuot ko na ang isang cute na puting gown.
Pagtapos nila akong ayusan gayundin sa buhok ko ay isa isa na akong iwan ng mga ito pero syempre sa labas ng kwarto ko ay halos napaka-daming bantay. Ganiyan ka oa si Clyde dahil baka ano daw ang mangyari sa akin habang malayo siya kaya dapat lang daw na ganiyan.
Naka-upo lang ako at pinagmamasdan ang araw na lumubog hangang sa nakuha ng atensyon ko ang leeg ko. Ramdam ko sa sarili ko na parang may kulang. Hindi ko pala suot ang necklace na bigay sa akin ng tunay kong Ina.
Tinititigan ko lang ang sarili ng may biglang kumatok ng tatlong beses at pumasok. Ayon ay si Ayah Glor at may dala itong isang maliit na box.
"Magandang hapon, Prinsesa Clara. Ipinibibigay po ito ng Prinsipe." Nagtaka nga ako ngunit agad ko naman itong tinangap at muli ay naiwanan akong magisa rito.
Dahan dahan ko itong binuksan at nagulat ako, ayon ang necklace na galing sa tunay kong Ina!
Matagal ko na itong hinahanap ngunit hindi ko makita, buti na lang ay itinabi pala ito ni Clyde.
Sinuot ko nga ito sa akin at as usual ay napaka-ganda nito lalo na ngayon ay mas bumugay ito sa suot ko.
End of chapter 34 :)
Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELL
FantasyA forbidden love between a human and demon. "there are paths that shoudn't meet, and never will." crdts to the owner of the photo, I do not claim this as mine. writing comment is very highly encourage, don't forget to like every chapter, hope you en...