CHAPTER 29: WOKE UP LIKE THIS

6.4K 46 4
                                    

Kinabukasan ay nagising ako na may mabigat na nakadagan sa tyan at mga binti ko, pati na rin sa kaliwang bahagi ng katawan ko mas lalo na sa balikat ko, hindi ako makagalaw.

Lumindol ba at gumuho ba ang bahay kaya nadaganan ako ng kisame? Napamulat ako at biglang kinabahan, dahil bakit may nakadagan sa akin?!

"hmmm" Tinignan ko kung ano iyon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat dahil isang lalaki ang katabi ko. Nagawa ko pang suriin ang kwarto dahil sa pagtataka ngunit hindi ako nagkakamali, ito naman ang kwarto ko!

Bumaba ang aking tingin sa lalaking natutulog sa aking tabi ng braso nya ay nakapatong sa tyan ko, nakayakap sya actually dahil ramdam ko pa sa tagiliran ko ang mga daliri nito, habang ang kanyang binti ay nakapatong sa binti ko. Kita ko ang posisyon namin dahil ang kumot na sanang magtatakip sa aking katawan ay nasa paanan na.

Nabalot ng kaba ang dibdib ko kaya dali dali akong napalayo sa kanya pero, hindi ko nagawa, kaunti lang dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko sa bigat ng mga braso at binti nito. Pero tuluyang kumalma ang sistema ko nang mapatingala ang mukha nito dahil sa aking paggalaw kaya nakita ko ang mukha ng katabi ko. Ang kabang namuo sa dibdib ko ay napalitan ng saya, pakiramdam ko ay panaginip ito! May pagtataka man sa akin ay napangiti ako habang pinagmamasdan sya.

Maamong nakapatong ang kanang bahagi ng mukha nya sa balikat ko habang maamo itong natutulog, bahagyang nakabuka pa ang kanyang bibig sanhi ng nakatingala ito. Para syang isang kuting, kay sarap titigan, sigurado akong hindi ako magsasawa kahit pa araw araw. Na kahit nangangalay ang balikat ko dahil sa bigat nito ay hindi ko ito magawang tanggalin mula sa balikat ko. Sobrang dikit nito sa akin, na para bang pinagkasya nya ang katawan nya sa isang couch kahit na malawak naman itong kama. Namuo ang mga paru parung naglilikot sa tyan ko.

Kung araw araw sana akong gigising at ganito ang mabubungaran ko edi sana ay everyday happy ang anteh nio.

Nanlaki ang mata ko at biglang nag init ang mukha ko, pakiramdam ko ay napunta ang lahat ng dugo ko nang maalala kong hindi ako nagsuot ng bra! Dikit na dikit ang braso nya sa aking dibdib!?

Pero naisip ko, asawa ko sya. Okay lang naman yon diba? kahit makita o mahawakan nya ay okay lang dahil asawa ko naman sya, at normal lang iyon sa isang mag asawa.

Pero teka, bakit nandito ito? Nalasing ba ito kagabi kaya hindi na nya napansin ang pinasukan nyang pinto? Pero imposible iyon dahil hindi naman ito amoy alak at naka pambahay na rin sya.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na nagtabi kami sa iisang kama! And it's unusual, it's shocking yet it's satisfying, I feel contented, pakiramdam ko ay buo na ang araw ko.

Huminga ako ng malalim para tuluyang pakalmahin ang sistema ko.

Hindi muna ako bumangon at pinagmasdan ko muna sya habang hinihiling na tumigil muna ang oras sa pagtakbo, kahit ngayon lang. Gusto kong damahin ang umagang ito, sya na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin.

Gusto ko mang haplosin ang pisngi nya ay hindi pwede dahil baka iyon ang maging dahilan ng pag kagising nya. I am very tempted to touch his face, iba ang mukha nya kapag tulog sya, maamo ito at hindi katulad kapag seryuso ang kanyang mukha. His thick eyebrows, his eyes, his high nose, his cheeks, and his kissable lips, gusto kung madama ito, pero hindi pwede. Okay na ako sa parteng nakayakap sya sa akin. Masaya na ako don.

Masaya ako, the feeling of warmth, and happiness affected on me, in my whole being. Waking up like this gives pleasure in my heart, witnessing a peaceful and serene moment.

Ilang minuto ko pa syang pinagmasdan hanggang sa magdesisyon na akong bumangon para makapag luto ng almusal. Dahan dahan kong tinanggal ang braso at mga binti nya sa akin, kahit nahirapan ako dahil parang itinali nya ata sa katawan ko ang mga ito ay nagtagumpay naman ako. Dahan dahan akong bumaba sa kama bago ko inayos ang kumot hanggang sa balikat. Nang matapos kong ayusin ang kumot ay ninakawan ko dya ng halik sa kanyang pisngi bago pumasok sa bathroom para gawin ang morning routine ko.

Nang matapos ako ay lumabas na ako, naabutan ko syang tulog parin.

"My husband probably slept late" bulong ko pa bago sya nilagpasan at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa living room at nakita ko ang likod ng isang lalaki na nakaupo sa couch, nagtaka ako, sino ito at bakit may ibang tao dito sa bahay. Dahan dahan akong lumapit at sinikap na hindi gumawa ng kung anomang ingay.

Habang naglalakad ako palapit sa kina uupuan nya ay agad kong nakilala kung sino ang lalaki, Hawak nito ang isang magazine, wari ko ay binabasa nya. Sa harap nya ay nakapatong sa glass table ang tasa ng kanyang kape at isang slice ng cake na nakalahati na nya.

Ahhh....... Now I know, ito pala ang dahilan. Kaya pala nagawa nyang tumabi sa akin. I should be thankful to them tho, because today, for the very first time of marriage, I woke up seeing my beloved sleeping peacefully beside me.

"Papa, good morning" Masiglang pag bati ko rito. Napalingon ito sa akin at ngumiti bago nya ipinatong ang binabasa nya sa mesa.

"Good morning hija, anak" bati nito pabalik bago ito yumakap at humalik sa aking pisngi.

"How's your sleep, hija?" halah, sya pa talaga ang nagtanong kung kamusta ang tulog ko.

Sobrang sarap ng gising ko papa, kung alam mo lang po.

"Maayus naman po, kayo po nakatulog po ba kayo ng maayus?"sagot ko nang mahiwalay ako sa kanya at naupo sa tabi nya, sure ako na dito sya natulog dahil naka pajama ito at puting T-shirt.

"It's okay, comfortable kami ng mama nyo, You were asleep last night when we got here so we didn't wake you up because your husband said that you're tired," sagot nito

"mabuti naman po kung ganon, Opo napagod po ako kahapon kaya sinabihan ko sya na hindi ko sya mahihintay, but he didn't tell me that you were with him." nahihiya kong sagot.

"No worries hija"

"where's mama po pala?" tanong ko.

"She's in the kitchen hija, cooking food I guess." sagot nito.

"Nakakahiya naman po papa, sya pa ang magluluto. I'll go check her papa, tutulungan ko na rin po syang magluto." paalam ko sa kanya, ngumiti at tumango naman sya kaya tumayo na ako at naglakad papuntang kusina.

Pagkarating ko sa kusina ay, saktong nagluluto si mama. saktong natapos nyang tikman ang sabaw ng kanyang niluto. Naka suot din ito ng pajama katulad ng kay papa, pink nga lang ang sa kanya, habang kay papa naman ay blue.

"Good morning mama!" Napalingon ito sa dereksyon ko sahil sa pasigaw na bati ko.

"Hi gorgeous" ngiti nito sa akin bago ipinatong ang kutsara sa isang platito. Lumapit ako dito at niyakap sya ng mahigpit.

ohhhh how I missed her, I missed them so much.

UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now