chapter 3

17 7 0
                                    

Umalis sila mom at jane, si kuya at dad naman ay may lakad kaya ako nanaman ang mag isa sa bahay.

Nag linis ako kahit parang medyo masama ang pakiramdam ko.

Nang matapos ako sa mga ginagawa ko ay pumunta ako sa kwarto ko para tawagan si prince kung kamusta nasiya.

Hinintay kong sagutin niya ang tawag ko, sa wakas sinagut niya ren.

"Babe," sabi ko ng masayang boses dahil sa wakas ay makakausap ko ulit siya.

"Bakit ka napatawag?" Ang mga ngiti ko ay nag laho dahil parang may kakaib sa kanya dahil anlamig ng pakikitungo niya sa akin.

"Kamusta kana, babe?"-me

"Im too busy Dani, saka kanalang tumawag" sabay binaba na niya ang tawag.

Biglang kumirot ang puso ko kaya dali dali akong pumunta sa aparador para kuhanin ang gamot ko.

Ininom ko iyon kaagad kaya medyo nawala narin ang kirot sa puso ko.

Tinawagan ko si cindy upang kamustahin kaya lang ay hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Kaya si shane nalang ang tinawagan ko.

"Bakit ka napatawag sissy?" Tanong niya.

"Can we go to beach?" I said excitedly.

"Sure," agap niya. "Susunduin nalang kita sa bahay niyo"

"Sige, ingat" sabay baba ng tawag, sya nalang ang kakaisang tao na pinagkakatiwalaan ko, para ko nanga siyang nanay at ate ei, pamilya na ang turing ko sa kanya. Dahil lumki siya ng walang kinikilalang magulang ay sinamahan ko siya.

"Ang sarap talagang panoorin ang pag lubog ng araw," nakangiting sabi ko habang pinapanood ang pag lubog ng araw.

"Pagod kana ba Dani?" Tanong sa akin ni shane na nag aalala.

"Sa totoo lang oo," pinipigilan ko ang maiyak. "Alam mo, nakakapagod ren palang intindihin ang magulang" tinakpan ko ng tawa ang nararamdaman ko dahil alam kong mag aalala sa akin si shane.

"Dani, sabihin mo lang kung may problema ka," niyakap ako nito "d-diko k-kase kakayanin kapag nawala ka dani," maiyak iyak niyang sabi. "Alam mong ikaw nalang ang meron ako diba? Kaya please lumaban ka" hinarap ko ito.

"Sasamahan kita hanggang sa kaya kopa, kahit mawala ako babantayan pa naman kita ei" nakangiti kung sabi sa kanya. Patuloy parin siya sa pag iyak.

Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi.

"Kung mawala man ako shane, dont blame your self, wag mong tanongin ang sarili mo kung nag kulang kaba, kase para sa akin shane, sobra sobra na ang pag mamahal na binigay mo sa akin, pag mamahal na kahit kailan ay hindi ko naranasan sa pamilya ko" hindi kona napigilan ang pag luha ko kaya naman iniwas ko ang mga mata ko kay shane dahil hindi kosya kayang tignan ng nahihirapan ng dahil sa akin.

"Handa kana ba?" Humihikbi niyang tanong, buti nanga lang ay walang tao rito at kami lang dahil baka napag kamalan na kaming baliw.

"Tanggap ko naman na shane na hanggang dito nalang ang buhay ko," nakangiti ako ng tumingin sa kanya.

"K-kase ako hindi p-pa, hindi ko pa kaya dani" sinandal ko siya sa balikat ko. Halos mamugto na ang mata ko dahil sa kakaiyak.

Buti ay nakauwe ako ng maaga kaya nakapag luto pa ako ng makakain nila.

Sakto ng pag dating nila ay tapos na ako sa pag luluto.

Inilagay kona sa lamesa ang mg kakainin nila, nang isa isa silang umupo ay napangiti ako. Mamimiss ko ang gantong set up ng buhay ko, ang pag silbihan sila.

"Oh,bakit nakangiti ka diyan?"-tanong naman ni ate jane. Umiling lang ako. "Umalis kana nga rito, baka mawalan pako ng ganang kumain!"

Umalis ako sa kinatatayuan ko at pumunta na muna sa kwarto ko.

Pag katapos nilang kumain ay bumaba na ako para ligpitin ang mga pinag kainan nila.

Napako ako sa kinatatayuan ko na para bang hindi ko kayang igalaw ang katawan ko kaya nabitawan ko ang paboritong baso ni dad.

"Lintik dani!!" Bulyaw sa akin ni dad, sabay sampal ng malakas. Parang wala akong naramdamang sakit dahil parang ang manhid ko ng panahon nayun.

"Mas mahal payan sa buhay mo!! Galing payan ng ibang bansa!!!" Hindi siya nakuntinto sa isang sampal kaya dinag dagan niya pa.

Mas mahal payan sa buhay mo...... Parang baso lang!! Mas mahal pa sa buhay ko? Ano ba talag ako rito? Anak o kasambahay? Or panchimbag lang nila?.

Wala akong nagawa kundi ay ang umiyak.

"S-sorry po dad, hindi ko na po uulitin" pag mamakaawa ko sa kanya.

"Ito tandaan mo dani, hindi ka kakain hanggat hindi mo nababayaran ang baso nayan!!!!" Huh? Hindi kakain? Ano ako hay0p hahahahaha. Grabe! Para akong hayop na kung kailan lang nila gustong pakainin.

"Narinig moba ang sinabi ko!!"

"O-opo" utal utal kung sabi habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi.

Pag katapos kong ligpitin ang mga bubug ay lumapit sa akin si ate jane.

"Oh, ayan labhan mo tong dress ko, need koyan sa sunday, ayusin mo paborito ko yang dress dahil bili payan ni mommy sa ibang bansa. Mas mahal payan sa buhay mo" sabay talikod nito.

Nakatingin lang sa akin si kuya na napapailing pa.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang magampanan ang pagiging anak nila, lagi nalang silang nadidissapiont sa mga ginagawa ko. Lagi nalang ako yung mali. Lagi nalang ako yung masama, lagi nalang nila akong kinukumpara sa mga bagay na mas mahal pa sa buhay ko.

Hindi ko alam kung pamilya ba talaga ang turing nila sa akin or isang alipin.

Minabuti ko nalang na huwag sabihin lahat ng nangyari kay shane dahil tiyak na magagalit nanaman siya.

Naka higa lang ako habang nakatingin sa kisame. Iniisip ko kung hanggang kailan pa ako mabubuhay sa mundo.

until her last breath.... her last chapter (COMPLETED)Where stories live. Discover now