C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 35

147 4 0
                                    

Dust

Naramdaman ko ang sariwang simoy ng hangin mula sa roofdeck ng bahay ni Cloud. Mula dito ay tanaw ko ang overlooking view ng Manila.

*meowwww*

Hinaplos ko si Mochi nang humiga siya sa ibabaw ng konkretong barandilyang sinasandalan ko. Kami lang ang narito ngayong hapon dahil umalis si Cloud.

Ang sabi niya ay "kakausapin" niya lang daw ang mga taong nasa listahan na nakuha niya mula kay Lei.

Iyon ang mga clients ng Scorpion noon na gustong tapusin ang Papa niya. Kung kakausapin niya ang mga iyon ay malamang hindi na sila makakapag-salita pa kinabukasan. Sigurado akong ginagawa niya iyon para masiguro ang kaligtasan ng Papa niya. Kaya naman habang inaayos ni Cloud ang gusot na iyon ay gusto ko ring maayos na ang sakin.

Hindi ko magawang kausapin si Leon pag-katapos ng nangyari sa hotel. Pakiramdam ko ay nag-tatampo pa rin siya sakin kaya niya ako nagawang iwan nung gabing iyon.

Mas okay nang isipin na ganoon kesa ang isipin na may lamat na talaga ang relasyon naming dalawa.

Sabi naman ni Cloud, ang alam lang ni Leicia ay ang bali-balita sa base na nag-quit na ako at hindi na babalik. Iyon din daw ang dahilan niya kaya siya nangamba at nakiusap kay Cloud na tulungan siyang makaalis.

Ang totoo, naaawa rin ako kay Lei. Paano kung tulad ko ay nakulong na lang din siya sa mundong iyon?

Gustuhin ko man siyang tulungan ay hindi ko magagawa hangga't hindi ko pa gamay ang bagong takbo ng mundo ng Scorpion. Nakakatawa lang dahil ilang araw palang mula nang mag-bakasyon ako pero parang ang dami nang nag-bago. At iyon ang kailangan kong alamin.

Marahas akong bumuntong hininga at dinampot ang cellphone kong nakapatong sa barandilya. Kanina ko pa ito tinititigan habang nag-iisip.

Mabilis kong tinipa ang isa sa mga numerong kabisado ko.

"Hello?" Sagot niya sa unang ring.

"Darwin...Stokes 'to."

"S-Stokes? Ikaw ba talaga yan?"

"Ako nga. Darwin, walang pwedeng makaalam na tinawagan kita." Mariin kong sinabi.

"Ha? Bakit naman? Totoo ba yung pinasabi ng Patron? Hindi ka na daw babalik?"

"Mukang hindi naman nila ako binigyan ng pag-pipilian." Mahina kong nasabi.

"Hindi ko maintindihan Stokes. Yung totoo? May problema ka ba?"

Napatingin ako sa tanawin.

"Wala...ayoko lang maguluhan sila sa sinabi ng Patron. Umalis na ako diba? Mag-tataka mga kasama natin kung kausap pa kita."

"Sabagay.. Pero ba't ka pala napatawag? Alam kong hindi para mangamusta diba? May kailangan ka ba Stokes?"

Ilang sandali pa bago ako nakasagot.

"Um..Hihingi sana ako ng pabor Darwin. Tungkol lang sa kapatid ko. Kailangan kong makausap si Finn. Pwede mo ba siyang hanapin tsaka sabihan para sakin?"

"Ahh...kaya ba kailangan mong umalis para hanapin pa rin ang kapatid mo?"

"O-Oo.. Kaya sana matulungan mo ako para makabalik ako agad. Please."

"Sige, sabihin mo lang kung anong kailangan kong gawin."

"Thank you talaga Darwin.. Babawi ako promise! Umm.. Darwin, pati ito wala sanang makakaalam." Pakiusap ko.

Nang nangako siyang walang pag-sasabihang iba ay saka ko pinaliwanag ang magiging plano ko para makausap patagong makausap si Finn.

"Wag kang mag-alala. Akong bahala Stokes." Sagot niya sa huli. Napangiti ako. Kahit papano'y unusual ang plano ko.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon