Jane's POV
"Who's Val talking to?" Pagtataka ni Yanna.
Nagtaka ako sa sinabi ni Yanna kaya bigla ako napalingon sa direction ni Val.
"Putangina mo Julianna!" Bigla ko.
"Language!" Inis niya.
Nagmamadali ako lumapit pero dahil medyo maalon nahirapan ako.
"Shet!" Mura ko.
Paano ba naman nakalapit na si Ari sakanila.
Hindi ko makita reaction ni Andrew pero hinila naman agad siya ni Val.
Agad ko nilapitan si Ari.
Nung na pansin niya na lumapit ako inabot niya agad sakin ang buko habang nakatingin sa direction na tinahak nila Val.
Hindi ko namalayan nakasunod lang din pala si Yanna sakin.
"Who's she talking with? Wave?" Tanong ni Yanna.
"Hindi ko rin kilala eh. Pero nung na kita niya ko parang siya nakakita ng multo." Sagot ni Wave.
"Si Andrew yun." Singit ko.
Napalingon naman sila sakin.
"How did you know?" Tanong ni Yanna.
"Ex yun ni Val pero nililigawan siya ulit." Explain ko.
Kita ko sa reaction ni Wave na nalungkot siya.
Inakbayan ko siya.
"Bakit ka nalungkot buddy?" Tanong ko.
"Huh? Hindi ah!" Deny niya.
"Sus ayaw pa aminin." Pangangasar ko.
"Anong aaminin?" Maang maangan niya.
"Nagusto mo si Val." Direkta ko.
Nagkukunwari siyang nagtataka.
"Sige magmaang maangan ka! Narinig ko usapan niyo ni Tanya dun sa Bar." Rekta ko.
Syempre kailangan ko yun sabihin para hindi siya makatanggi.
"You're so nosy." Singit ni Yanna.
"Wow ah! Eh kung hindi mo ko inutusan kunin yung vape mo edi sana hindi ko narinig." Protesta ko.
Tinarayan niya na lang ako at nagpatuloy ang pag inom ng buko.
Tinignan ko si Wave at tinaasan ng kilay.
"Hay! Oo na! Makakahindi pa ba ako narinig mo pala yun." Surrender ni Wave.
"Yun naman pala eh! Ligawan mo na!" Utos ko.
"Hindi na." Malungkot niyang sagot.
"Bakit hindi?!" Gulat ko.
"Mayaman yun! Samantala ako! Isa hamak na rumaraket lang." Saad niya
"It's not about the state it's about sincerity." Giit ni Yanna
"Wag ka kasi pabagal bagal! Tignan mo tong isang to! Pabagal bagal! Wala na! Engage na tuloy!" Pangangasar ko kay Yanna.
Nginitian lang ako ni Yanna ng sarcastic sabay taas ng middle finger.
"Hayaan niyo na." Wika ni Wave sabay alis.
"Hoy! Saan ka pupunta!?" Sigaw ko.
"Sa kabilang buhay!" Pangbabara niya.
"Tanga hindi ka tinanggap dun kaya nga binalik ka ulit dito!" Pangangasar ko.
Hindi niya ko pinansin naglakad na siya papalayo.
"Is she gonna avoid Val?" Pag aalala ni Yanna.
"Nangyari na yan! Promise sa susunod niyan magkakaaminan yan! Ganyan na ganyan nangyari nung nagkaaminan sila. Ireretake lang nila ulit." Saad ko.
BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths