Chapter 1

2 0 0
                                    

"So, tatakbo kang President?" Tanong ni Francine habang naglalakad kami palabas ng school. Ewan ko ba. Wala naman halos teacher na nag class sa amin pero parang pagod na pagod ako.

Tumango ako. As much as I want this school year to be less stress-free, wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang offer. I am not doubting myself to be a good leader, I know I can handle the responsibilities, it's just that mahahati ang oras ko sa pag-aaral at sa responsibilidad. Pero kung sigurado naman na makakapasok ako as college scholar dito sa Notre Dame University, why not? Opportunity na ang lumalapit sa akin, lalayo pa ba ako?

"Balita ko kalaban mo na naman si Ali, ah?" Tanong ni Addie. I sighed. Kainis na pangalan 'yan.

"Oo. Ewan ko ba. Hindi talaga kami naghihiwalay n'yan. Pasalamat nga ako at hindi kami same ng strand ng kinuha, para 'di ko madalas makita pagmumukha niya, pero..." Hindi ko na natapos ang sasabihin at napabuntong hininga na lang.

Totoo naman kasi. Nakakapagod siyang maging kaklase. Parang may tinik. Nakakahiya man aminin pero threatened ako sa kanya. Ever since kindergarten, I've consistently been the top 1 in class, and most of the time, ang average ko at average ng top 2 sa klase ay malaki ang agwat. So when Alistair became my classmate in Grade 9 at nakita kong maliit lang ang agwat ng grades namin, that's when I became competitive with him. I don't consider him a classmate anymore, but a rival.

I don't know if he notices, but one thing's for sure, I've never seen fear in his face that I might surpass him. Fear that I know he has seen on my face every time he scores higher than me.

"Fifty-fifty pala ang laban kung ganon. We all know na sikat si Ali sa school. Lalo na sa mga babae. Pogi at matalino ba naman, e."

Addie's right. Ali's popular here, especially with the girls. He has a cheerful personality. Almost everyone on the high school campus knew him. He's also a good conversationalist, which is why he has a lot of friends. Dagdag mo pa ang talino niya. Kaya parang fifty-fifty nga talaga ang laban.

"Whatever. Marami rin naman akong kilala. Babawi na lang ako sa oras ng kampanya at sa mga plataporma na plano ko." Sabi ko. Eto na naman ang aking competitive side.

Pagkarating ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at nahiga. Hindi ko namalayang nakaidlip pala at nagising na lang sa sigawan ni Mama at Papa. I sighed. Here we go again.

"Saan ba kasi napupunta ang perang binibigay ko sayo?!" Rinig kong sigaw ni Papa sa labas.

"Nagawa mo pa talaga akong hanapan ng perang binigay mo na kulang pa nga sa pangbaon ng mga anak mo!" Sigaw pabalik ni Mama.

Hindi kompleto ang isang linggo kung hindi nagsisigawan ang mga magulang ko dito sa bahay. Isa lang naman palagi ang pinag-aawayan nila, palaging tungkol sa pera. Palagi kasi ay nagtatanong si Papa kung saan ba napupunta ang perang binibigay niya kay Mama, na totoo namang kulang na kulang pa. Halos kalahati kasi sa sweldo niya ay napupunta sa pag-iinom at paninigarilyo niya.

Noong hindi pa masyadong malala ang tuberculosis ni Mama ay nag e-extra siya bilang labandera sa subdivision malapit dito sa amin, pero noong medyo lumalala na ay tumigil siya at nagbenta na lang ng ulam dito sa amin. Habang si Papa naman ay construction worker. Kung hindi siya nagbibisyo ay kasya naman ang sweldo niya sa amin. Kaso hindi siya mabubuhay kung hindi makainom at makapagsigarilyo.

Bilang panganay, nakaka-pressure marinig silang mag-away dahil lang sa pera. Parang mas gugustuhin kong mapabilis ang panahon para makapagtapos at makapagtrabaho na, ng sa ganon ay makapag-provide na ako sa kanila.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Si Mama ay nagluluto ng ulam habang si Papa naman ay nasa hapag kaharap ang isang bote ng alak. Hindi naman nagwawala si Papa kapag lasing, 'yon nga lang ay mahilig siyang manumbat kapag natamaan na ang sistema niya ng alak. Kapag hindi lasing ay ayos naman siya.

"Kaya ikaw, Xandria, mag-aral ka ng mabuti! Ikaw ang inaasahan naming makaka-ahon sa amin sa hirap! H'wag ka munang mag boyfriend!" Napahinga naman ako ng malalim sa linyang iyon ni Papa. Iyan ang palagi niyang paalala sa akin simula bata pa lang ako. Kaya hanggang lumaki ay 'yan na ang tinatak ko sa isip ko.

Isa 'yan sa mga rason kung bakit ginagawa ko ang lahat ngayon, dahil umaasa sila sa'kin. Mataas ang expectation nila na ako ang makaka-ahon sa kanila sa hirap. Tama ba 'yon? Wala pa akong muwang sa mundo ay iyon na ang responsibilidad na ibinigay niya sa akin? Ginawa ba namang insurance ang anak.

"Tigilan mo na nga 'yang bunganga mo, Rodel!"

"Bakit? Totoo naman! Baka pag graduate sa college n'yan ay mag asawa na lang bigla?! Iyan pa naman ang uso ngayon. Mga batang walang utang na loob sa magulang!" Sabi ni Papa sabay inom ng alak sa baso niya.

Responsibilidad ba talaga ng mga anak na bayaran ang mga bagay na binigay ng mga magulang sa kanila? Mga bagay na obligasyon naman talaga nilang ibigay? Bakit ka nag anak kung isusumbat mo naman ang perang nagastos mo? Alangan naman sino ang magpakain sa batang ginawa mo? Ang gobyerno?

Hindi na ako nakinig pa sa mga sinabi ni Papa at umakyat na. Pagpasok ko ng kwarto ay nadatnan ko si Xia na may sinusulat na kung ano sa maliit na study table namin.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko.

"H'wag na, kaya ko na 'to, Ate." Sagot niya. Tumango naman ako at nahiga na sa kama. Gusto ko pa sanang magbasa pero parang nawalan na ako ng energy sa mga narinig ko sa baba.

"Ate, alam mo bang nagsuka na naman kanina si Mama?" Napabalikwas ako sa tanong ng kapatid ko.

"Ano?! Nakita mo ba? May dugo?" Sunod-sunod na tanong ko kay Xia.

Lumala ang tuberculosis ni Mama kahit pa may gamot siyang iniinom, minsan pa ay may halo ng dugo ang sinusuka niya.

"Hindi ko po nakita, e. Alam mo namang pinapagalitan niya ako kapag lumalapit ako sa tuwing nagsusuka siya." Napabuntong hininga ako.

Imbis na matulog ay hinintay ko na matapos si Papa sa pag-inom para makausap ko si Mama. Ayaw kong bumaba na andon si Papa dahil nakakapagod marinig ang mga linyahan niya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embracing SkyWhere stories live. Discover now