Chapter 1 - The Camp

7 3 0
                                    

[A/N: I just decided to post this again since gusto ko lang talagang tapusin ito. I was contemplating at first since wala naman ata gaanong nagbabasa ng ganito but I actually like how I wrote this one, so pinost ko nalang ulit. Enjoy!]

CHAPTER 1 - THE CAMP

Racey Grace Molina

Natapos naman ang school year nang matiwasay. Well, other than what happened before ako isinali sa camp nina Mommy ay wala na naman akong ibang gulo na ikinasangkutan pa. Iyon nga lang ay imbes matuwa ako dahil nga makakapagbasa na sana ako ng mga libro nang walang iniisip ay heto ako. Nakatayo sa labas ng parang camping site kung saan may napakalaking banner na may nakasulat na 'Welcome to Melodial Summer Camp!'. 

Hindi ko mapigilang hindi mainis kina Mommy dahil sa hindi man lang nila ako hinatid sa loob. They're saying na mas mabuti raw na ako lang mag-isa ang pumasok para raw mas challenging. Ang sarap tuloy magdabog. Alam na alam talaga nila kung paano ako inisin. Ang sarap mag-break down dito sa harap ng gate.

"Oh, hi!", napaigtas naman ako dahil sa gulat saka napatingin sa kung sinong sumulpot sa tabi ko.

"Hi, I'm Aileen.", aniya saka inilahad ang isang kamay kaya binitawan ko muna iyong handle ng suit case ko.

"Racey", sambit ko saka tinanggap ang kamay niya at nakipag-shake hands.

"Is this your first time? You don't look familiar kasi.", sabi niya naman kaya tumango ako. Ngumiti lang ako sa kanya saka huminga ng malalim. She seems to be chatty kaya dapat lumayo na ako hangga't maaga pa.

"Oh, wait!", sabi niya nang magsimula na akong maglakad at balak ko na nga sanang iwan siya mag-isa. I am not that great with interacting with people. Well, I actually just don't like people in general. Napabuntong hininga nalang ako saka siya nilingon. Napangiwi pa ako nang matalisod ito buti na nga lang at mukhang hindi naman ito napuruhan.

"Do you want some help?", tanong ko sa kanya at umiling naman ito. Hindi naman ako ganun kasama 'no, mukha kasing nags-struggle siya sa mga dala-dala niya. 

"Oh, don't worry. I can manage.", sagot niya kaya tumango nalang ako. Binagalan ko na nga lang ang lakad ko para makasabay ito sa akin. I think it's actually better that she's talkative, in that way she'll be the one who's gonna do the talking for the both of us.

"Are we like sleeping in a tent since this is a camp?", tanong ko sa kanya matapos nito magkwento ng kung ano-ano. She has been telling me stories about her friends in school. Hinayaan ko na nga lang siyang magkwento, in that way madaling mauubos ang energy niya at matatahimik din siya maya-maya. 

"Nope, iyon oh. May parang kastilyo sila rito.", napalingon naman ako sa itinuro niya at hindi ko naman mapigilang hindi mapanganga nang makita ko kung gaano kalaki ang tutuluyan namin.

"Hindi pa iyan ganyan kalaki dati pero dahil sa dumadami ang gustong sumali sa camp ay pina-renovate nila ito. Didn't you know? Almost 5,000 ang nag-apply tapos around 300 lang ata ang natanggap this year.", tumango naman ako sa sinabi niya. 

Napalingon naman ako sa may field at nakitang naroon na iyong mga nag-uumpukang mga campers na kagaya namin. May parang stage na rin doon at naka-set up na ang lahat. Maybe there's some sort of opening ceremony na gaganapin? 

"Buti nalang tinanggap nila ako ulit. Kunsabagay ginandahan ko naman ang performance ko this time.", napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya. What does she mean by that?

"Performance?", nagtataka kong tanong kaya napalingon ito sa akin.

"Performance? Hindi ba't mags-send ng video sa kanila for them to assess if deserved ba natin ang makapasok dito. Sumayaw lang ako ng kung ano-ano.", aniya kaya napaisip ako.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon