CHAPTER 2 - THE INTRODUCTION
Racey Grace Molina
Matapos naman ng jamming ay nagsipag-assemble naman ng mga tables at upuan ang staff. Madali lang natapos since tumulong na rin kaming mga Melodians. Supposedly ay sa loob na ic-continue iyong ceremony pero napagpasyahan nilang dito nalang since maganda naman ang panahon.
May fireworks display naman daw after kaya mas mabuting dito nalang ituloy. Saka maganda ang view kaya I agree with the idea of continuing the ceremony here. Kumanta pa ng tatlong kanta iyong magkakapatid kanina saka may nag-perform na mga dancers, sa tingin ko nga ay iyon sila iyong nag-viral nitong nakaraan sa Tiktok. Iyon steps at kanta na gamit kasi nila ay iyon iyong sinasayaw ng mga kaklase ko sa tuwing nagt-tiktok sila.
We really enjoyed their performance at medyo pagod na ako kahit kakasimula palang ng event. Dito nalang din pala raw kami kakain kaya may naglalagay na rin ng parang buffet table. Talagang ang gara ng mga bagay-bagay dito, magkano kaya ang admission fee? It must really cost a lot attending this camp.
"Anong kasunod nung jamming?", tanong ko kay Aileen na kanina pa patingin-tingin sa paligid. Mukhang hinahanap iyong crush niya.
"Introduction, magtatawag si Sir Ace.", napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niya. What does she mean by magtatawag?
"Magtatawag siya ng iilang melodians tapos ay ipags-sample niya after i-introduce ang sarili.", napanganga naman ako dahil sa sinabi nito. Holy cow, kailangan kong magtago.
"Sa may likuran tayo pumwesto.", sabi ko sa kanya saka siya sinubukang hilahin papunta sa may likuran.
"Dito na tayo uy, mas maganda kapag nasa harap.", sagot niya kaya napailing ako.
"Hindi pwede! Baka tawagin ako.", ani ko naman kaya umiling naman ito.
"Malabo iyan, sa dami natin baka hindi tayo tingnan ni Sir Ace.", napa-face palm nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Kilala ako ni Sir Ace, baka tawagin niya ako!", pabulong na turan ko naman kaya napabaling na ang buong atensyon sa akin ni Aileen.
"Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutang Molina ka. Fine, sige na nga. Hinahanap ko pa si Archer eh.", sabi niya saka ako hinala papunta sa may pinakalikod na parte at umupo sa isang vacant na table.
"Ano ba itsura nung Archer? Para matulungan kita sa paghahanap.", sambit ko sa kanya kaya napatawa naman ito.
"No need, nakita ko na.", lumingin naman ako sa gawing tinitingnan niya. May apat na laking nakaupo sa table. Isa na rin dun iyong Vaughn, at isa lang ang masasabi ko sa kanilang apat. Lahat sila may itsura. Halatang habulin ng mga entertainment companies.
"Alin diyan?", tanong ko sa kanya.
"Iyong blonde hair na may pink highlights.", sabi niya kaya muli akong lumingon pero agad din akong umiwas ng tingin nang magsipaglingunan ang mga ito sa gawi namin.
"Sh*t, nahuli ba nila tayo?", tanong ko kay Aileen pero hindi ito sumagot kaya hinampas ko ang braso nito.
"Hoy! H'wag kang mag-daydream diyan! Nakakahiya ka.", sabi ko saka tinakpan ang mukha dahil ramdam ko pa rin iyong mga tingin nila sa amin. Ang sarap tuloy magpalamon sa lupa.
"Hi, may kasama kayo?", pero agad din naman akong natigil sa pagd-drama nang may nagsalita.
"Ah, wala.", sagot ko saka sinulyapan si Aileen na mukhang wala pa rin ito sa wisyo kaya hinayaan ko nalang. Bahala siya riyan.
"I'm Racey nga pala, while she's Aileen. Hayaan niyo nalang muna mukhang sinasapian pa ata.", pabiro kong pagpapakilala habang sinisipa sa ilalim ng mesa si Aileen. Natauhan naman ito kaya napatingin ito sa kasama namin sa table.
BINABASA MO ANG
Melodial Summer Camp: The Bet
Подростковая литератураFor being grounded ay napilitang sumali sa isang camp si Racey Grace dahil na rin sa mga magulang niya. Sa una ay hindi pa nito alam kung anong klaseng camp ito. She even thought it's only for a few days! Who would have thought that music camps do...