Kabanata 45

369 7 0
                                    

"Yuna, I know that you don't like her, but at least respect her for me," iyon ang sinabi ni Eyo sa akin matapos niyang ihatid iyong babae na 'yon.

I couldn't get over what he told me earlier. Sinubukan niya akong paalisin! He's choosing that girl over me! I know, I don't have a right to meddle with whatever they call that between them.. pero ayaw ko naman mapunta ang pinsan ko sa babaeng hindi niya deserve. Eyo is a good man, he doesn't deserve that kind of girl!

"Yuna, baka nakakalimutan mo.. kahit kailan.. hindi ako nakialam sa buhay mo kaya puwede ba? Hayaan mo 'ko," he said in a monotone.

"Eyo, nag-aalala lang ako sa 'yo," I argued. "As your cousin, I do care for you."

"Naiintindihan kita, Yuna, pero labas ka na sa desisyon ko sa buhay. If I wanted to be with her, let me be." He glared at me.

"Eyo," I uttered his name. "Masasaktan ka lang sa babaeng 'yon. She looks like she can fuck whoever she wants. Nilandi niya rin si Ryder."

"That's why you acted like this, because she once seduced your guy? That's it, Yuna?" he mocked. "Yuna, that was in the past, alright? At isa pa.. hayaan mo 'ko. Hindi mo rin naman pinakialaman si Euro kay Carrie noon, hindi ba?"

"It's because Carrie is a good woman, Eyo, there's a difference in that," I corrected him. "At bakit napunta kina Euro at Carrie ang usapan? Matagal na silang wala, hindi ba? I heard that Euro is into another woman now."

"Eh sila nga hindi mo pinapakialaman, hindi ba? Bakit ako pinapakialaman mo?" naiirita niyang saad. "Yuna, ayaw kong pag-awayan natin ito kaya.." He shook his head. "Please, baby... Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon ulit na makausap siya kaya naman.. hayaan mo 'ko."

I looked away. "That girl is a fucking gold digger, Eyo. Ano'g nagustuhan mo sa babaeng iyon? That girl loves money and material things! Peperahan ka lang no'n! Marami namang babaeng dumaan sa 'yo, Eyo, hindi ba? Sila na lang! Huwag lang ang mapera na babaeng 'yon! Peperahan ka lang no'n!"

"Alam ko, okay?" he cleared out. "Yuna, may pera naman ako at handa kong ubusin lahat ng pera ko kahit iyon ang kapalit ng pananatili niya sa tabi ko. Baby, ilang taon.. ilang taon ko na itong pinag-iisipan."

"W-What?!" Napakurap-kurap ako. "Ibig sabihin ay matagal ka nang nagpapalandi sa babaeng 'yon, Eyo?! She even has a scandal! Kumalat pa iyon kaya bakit ka pa mananatili sa babaeng 'yon?! Gosh! Kayang-kaya kong maging kontrabida sa relasyon ninyo basta huwag ka lang bumagsak sa babaeng iyon!"

"Yuna!" saway niya sa akin. "Whether you like it or not, gagawin ko ang gusto ko! Zacha was gone for years! Ngayong nakabalik siya sa buhay ko.. ayaw kong mawala siya ulit sa akin, Yuna."

For the whole time, I was pushing for what I wanted. Hindi naman nagpapatalo si Eyo at pinipilit lang ang gusto. Kung hindi lang kami pinigilan ni Ryder ay baka buong araw pa kaming nagtataluhang dalawa. Ryder just shut me off and told me that it's better if I let my cousin make his decision. Of course, I won't let that happen! Ayaw ko naman na bumagsak si Eyo sa babaeng iyon!

"Yuna, sina Euan ay pupunta na rin dito. Please, behave yourself," mariing ani Eyo. "Ayaw kong malaman nila na may pinagtaluhan tayo."

Hindi ako kumibo nang dumating ang iba pa naming pinsan. All of them got surprised when they saw Ryder was also here, pero wala naman silang sinabi at binati lang si Ryder. Lahat din sila ay napansin ang suot kong singsing, pero hindi naman nila pinuna, mukhang may ideya na rin naman sila sa nangyayari. Kasalukuyan kaming nasa couch ngayon, Ryder is sitting beside me. Wala si Euro ngayon, hindi ko alam kung bakit. Gwen is also with us, Eujin's friend. She's also a family friend. Matagal ko na rin siyang kilala; she's Kendal's friend—Eujin's ex-girlfriend. Mabait si Gwen, pero hindi kami ganoon ka-close. She's joining our gig sometimes to support us.

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now