CHAPTER 28

75 3 0
                                    

ONE WEEK na ang lumipas at hanggang ngayon hindi parin pumapasok si Cidreck dito sa companya niya.

Pagka tapos niyang bitawan ang mga salitang yon ay agad siyang umalis at iniwan ako sa office niya. Hindi man lang niya ako binigyan ng pag kakataon para sumagot sa mga hinanakit niya sa akin.

"Baka ako talaga ang may problema." Mahina kong bulong habang naka upo dito sa lobby. Alas three's na at tapos na ako sa mga gagawin pero hindi parin ako umuwi kasi hinintay ko siya.

Sinabi sakin ni Jude na minsan nag pupunta naman daw si Cidreck dito sa companya at aalis din agad. Para bang may iniiwasan.

"What are you doing here?"

Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko ang malinis niyang sapatos na huminto sa harapan ko.

"Mavis." Nag tataka kong tanong. Ngumiti siya sakin saka tumabi. "Hinintay mo siya?" Malumanay niyang tanong, mababakas din sa boses niya ang lungkot. Bakit siya nalulungkot?

"Wala naba siyang balak pumasok sa companya niya? Balak ba niyang ipabagsak 'to?"

Medyo napa taas ang boses ko dahilan para mapa tingin samin si manong guard ang babaeng nasa lobby.

"May importante lang siyang ginagawa. Don't worry bukas na bukas makikita muna siya." Sina maan ko siya ng tingin ng tinignan niya ako na may pag tutukso. "Edi okay!" Agad akong tumayo at nag martsa papasok sa loob.

Papasok na siya bukas. Aagahan ko ang uwi ko ngayon gusto ko mag beauty rest para maganda ang kutis ko bukas na haharap sakanya.

Umiling iling ako. Nakakainis kasi hindi ko mapigil ang malakas na pag tunog ng dibdib ko. Hindi tunog ng kinakabahan kundi tunog na nag sasaya. Oo masaya ako kasi makikita kuna siya, marami kaming dapat pag usapan.

Napa tigil ako sa pag lalakad at agad na umikot para bumalik sa dinaanan ko kanina. Kailangan ko din pala maka usap si Mavis, gusto ko siyang tanungin about sa accidente ni Cidreck. Gusto ko din siyang tanungin tungkol kay Tuff.

"Saan kana naman pupunta?" Naka taas ang kilay niya habang naka tingin sakin. "We need to talk!" Hindi kona hinintay ang sagot niya agad ko siyang hinila papunta sa labas. Sa parking lot para safe char lang mag uusap lang kami.

Binitawan ko agad ang kamay niya ng dumating kami sa likod. "What now? Ano bang gusto mong malaman?" Kalmado niyang tanong na para bang inaasahan na niya talaga naang yayari to.

"Tell me about Cidreck and Tuff! Bakit sila magka kilala?"

"Ow! Si Tuff? Wait are you jealous?"

Mabilis ko siyang pinalo dahil sa sagot niya. Bakit ako mag seselos? Mas si tuff panga ang pinag selosan ng lalaking yon.

"Bakit ka namamalo? Ang sakit kaya."

"Kong ano-ano kasi lumalabas d'yan sa bibig mo!"

Nag cross arm ako sa harap niya. Habang siya naman ay naka taas ang kilay habang naka tingin sakin.

"Okay fine. Humihinga pa si Cidreck ngayon dahil kay Tuff. Actually malaki talaga ang utang na loob ni Cidreck kay Tuff eh, you know bisexual si Tuff pwede siyang patulan ng pinsan ko. Saka gwapo naman si Tuff baka nga magka sama sila ngayon."

Bigla akong napa isip. What if nga magka sama sila? Pano nga kong totoo ang sinabi ni Mavis? Marahas akong umiling at sinamaan ng tingin si Mavis. Nakakainis sinusubukan ba niyang e brainwashed ang isip ko?

"Tahimik nga! Ikaw nakakainis ka talaga Mavis." Lumapit ako sakanya at muli siyang binatukan. "Bakit sinasabi ko lang naman yong mga possible na mangyari." Natatawa niyang sagot.

Sinamaan ko siya ng tingin. Baka dahil sa sinabi niya mag iba na ang tingin ko kay Tuff. Ayukong mag duda kasi kaibigan lang naman ang turing ni Cidreck sakanya. Saka nag seselos panga si Cidreck sakanya eh kaya impossible talagang si Tuff ang ipapalit niya sakin.

Kinaumagahan sinadya ko talagang mauna kay Cidreck pero useless parin pala kasi doon siya natulog sa companya niya kagabi.

Hindi ko alam na may room pala siya sa office niya. Ilang babae na kaya nakapasok doon? Marahas akong umiling, ito na naman ang utak ko gumagawa na naman ng ikakasakit sakin.

"Hey! Why are you shaking your head?" Napatingin ako sa table niya. Naka kunot ang nuo habang naka titig sakin.

Kanina paba niya ako tinitigan?

"Okay kalang ba?" Muli niyang tanong. Napa kurap ako at ngumiti. "Okay lang may iniisip lang." Pilit akong ngumiti, gagi nag mumukha na siguro akong tanga sa harap niya.

Tumango lang siya at bumalik sa ginagawa niya. Hay nakakahiya. Tinignan ko ang schedule niya ngayong araw. 10am na malapit na mag 11.

"Tuff Sandrie." Mahina kong basa sa pangalan na nauna sa schedule ni Cidreck. Tuff? Bakit may meeting siya kay Tuff?

"Anong oras?"

Nagulat pa ako ng big laang pag salita niya sa may tabi ko. "1:30pm sa restaurant malapit sa plaza."

"Let's go. Samahan mo ko mag lunch." Prente siyang naka tayo sa harap ko. Naka ngiti, wala na ang galit niya na nakikita ko kaninang umaga.

"Sure ka? Pero hindi ka ba mag l-lunch kasama si T-tuff?" Kagat labi akong umiwas ng tingin. "Huh? Why would i do that? C'mon baby Tuff is just my friend. Sinabi sakin ni Mavis na nag seselos ka daw kay Tuff."

Kita ko ang pag taas ng gilid ng labi niya ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. "Naniwala ka naman don?" Boset na Mavis yon!

"Hmm. Kong nakikita mo lang reaction mo. Hays tara na kasi." Naka nguso siya habang pilit akong hinihila patayo sa upuan ko. "Ayuko kasi." Padabog akong tumayo.

Nakakainis kasi kinikilig ako sa simpleng salita nya lang.

"After my meeting, we we'll get your thing." Naka ngiti niyang saad habang naka hawak sa magka bila kong braso. "Sa bahay kona ikaw titira since secretary na kita." Muli niyang saad ng makita ang pagtataka sa mukha ko.

At bakit naman ako don titira sakanya? As if naman hindi mo gusto.  Paraan lang ba niya ang pagiging secretary ko para tumira ako sa bahay niya? Ayy assuming ka boy?

Mag rereklamo pa sana ako ngunit agad na niya akong hinila palabas ng office niya. Maraming mga mata ang naka tutuk samin pagka labas, yong iba kinikilig yong iba galit sabagay may magagalit naman talaga sa ganitong setwasyon namin.

"What do you want?"

"Kong ano order mo yon nalang din sakin." Tipid akong ngumiti ng makita ko ang pag taas ng kilay niya. Yes gaya-gaya ako ehh.

"I didn't know you would like my favorite food." Nag kibit balikat lang ako. "Basta yon lang sakin, hindi ka naman siguro kumakain ng may lason."

Nang matapos kami sa lunch ay agad kaming dumeretso sa restaurant na naka schedule sa meeting nila Tuff. Muli na naman akong napa busangot dahil naiinis ako na mag kikita na naman silang dalawa.

Kahapon pa sila magka sama hindi ba sila na aalibad baran sa isa't isa? Pano ma aalibad baran kong nag mamahalan? Gusto kong iumpog ang ulo ko dito sa loob ng kotche niya.

"Your acting weird lately."

Tinignan ko si Cidreck at pilit na ngumiti. "May problema lang, don't mind me."

Siguro tatanungin ko nalang siya kapag humupa na itong inis na nararamdaman ko. Baka mag away lang kami, natatakot akong masabihan ng masasakit na salita.

Hindi ako handa sa maaari niyang isagot sa tanong ko. Pano kong totoo lahat ng what if ko, paano na ako? Pano na kami?

His Madness (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon