Nagising ang kaluluwa ko sa katok na humahampas sa aking pinto. Hindi ko mamukhaan kung kaninong boses ang nasa labas kaya tumayo na lang ako.
“Alexis?” hindi gaanong malinaw na tawag niya. “Alexis?”
Si Ma'am Dione!
Nasubsob pa ako sa paghahanap ng tsinelas ko sa sobrang pagmamadali. Nakaya ko pang punasan ang pisngi ko, incase na may tumulong laway.
“Ma'am! Teka lang po!” Binuksan ko ang pinto.
“Alexis, where's your Ate Lizzy?”
“Ah! Nag-grocery po siya, Ma'am. Bakit po? May ipapasabi po ba kayo?”
“Wala naman. May iuutos lang sana ako,” nakangiting wika niya. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad pa.
“Mukhang nagmamadali po kayo. Ako na lang po ang gagawa. Ano po ba iyon?”
“Yes, actually I have a meeting at 9 AM, and this is really urgent. Iiwan ko sana si Draze dito, pakibantayan na lang.” Inayos niya ang kaniyang bag at mukhang aalis na kaya tumango na lang ako kahit labag sa loob ko.
Ano siya? Bata?
Bakit kailangan pa bantayan? Aso ba siya noong past life niya at bigla na lang siyang tumatakas kaya kailangan niya ng kulungan?
Napansin kong nanatiling nakatayo si Ma'am Dione habang nakangiti nang alanganin.
“Iyon lang po ba, Ma'am?” tanong ko.
“A-Ah! Hindi pa kasi kumakain, ikaw na lang din ang magluto. Kung hindi mo kaya, you can order online.”
Nanlaki ang mga mata ko!
Me? Magluluto for him?
Bukod sa hindi ako masarap magluto, ayaw ko rin siyang paglutuan!
Ano siya? Gold?
No! Freaking no!
Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya.
Marunong akong magluto. Hindi masarap, pero marunong ako!
Madalas kasi ay sa paglilinis lang ako, habang si Ate Lizzy naman ay nakatoka sa pagluluto at paglalaba. Pero minsan tumutulong din ako sa pagluluto at paglalaba kaya marunong din ako. Tsaka hindi naman ako laking mayaman kaya sanay talaga ako sa gawaing bahay. But except sa pagluluto!
“Ano siya, sinusuwerte? Paglulutuan ko? Paglilingkuran ko? Siya ba nagpapasahod sa akin? No! Kaya bakit ko siya pagsisilbihan?” inis na reklamo ko pagdating ko sa kusina.
Wala akong pakialam kung marinig niya man o hindi. Deserve niya ng mga rants ko!
Binuksan ko ang ref para maghanap ng pwede kong lamunin for breakfast. Pagbukas ko ay tubig lang at isang shining delicious Yakult ang nakita ko.
What?
Kahit itlog wala?
Kahit kanin na pwedeng initin wala rin?
Ang malas naman oh!
“Kasalanan mo 'tong damuho ka! Simula ng dumating ka sa pamamahay na 'to, malas ang dala mo sa akin! Tingnan mo nga naman at wala na akong makain! Dati naman ay hindi ganito ang laman ng ref!” pasigaw na reklamo ko dahil sa gutom.
Kinuha ko ang lalagyan ng kape at baka pwede pa siyang panlaban sa gutom.
“What the?! Wala rin? Ano ba naman 'to! Ang malas talaga ng—ARAY!”
Pakiramdam ko ay nabagok ang ulo ko. Tumama sa cabinet na nilalagyan ng mga coffee, asukal, asin at iba pang stocks.
Kung sino man ang anak ng demonyo ang nagtulak sa akin, pagpalain ka sana ni Satanas.