Part 1

9 0 0
                                    

Mae pov's

It has been how many years now? Welcome home, Mae!

Pag kalabas ko ng airport sumalubong agad sa akin ang daddy ko.

"Welcome home nak, kamusta? Kala ko wala ka nang balak umuwi at magpakita ulit sakin."

Niyakap ko na lang nang sobrang higpit si dad, it's been 10 years since huli kong nakita ang pinas, I was 17 nung umalis ako, sa state na ko nag aral ng college at syempre dun na din ako nakahanap ng work. Si dad at yung dalawa kong kapatid ang dumadalaw sakin sa state dahil mas pinili kong wag munang bumalik.

"oh Dad kamusta naman kayo? Kamusta ang kambal?"

"Ayun sakit na din ng ulo ko parang ikaw."

"Dad can we go straight first to mama I want to say hi to her. Baka nag tatampo na sakin yun eh."

"Sure. "

At yun nag drive na si dad, after a long drive andito na kami sa Golden Haven Memorial where my mom grave located.

Yes my mom died 10 years ago why also I choose to go far, sobrang sakit yung halo halo na sila hindi ko na alam kung pano pa ko babangon nun.

" hi ma sorry po ngayon na lang ulit ako nakabalik, miss na miss na po kita, I'm sorry po kasi wala ako sa tabi nila dad nung panahon na kaylangan nila ako, sorry po kasi Imbis na makatulong ako kay dad para alagaan yung mga kapatid ko isa pa ko sa naging dahilan ng pagsakit ng ulo nya!"

Lumapit si dad sa tabi ko inakbayan nya ko at alam kong kahit wala syang sinasabi nasasaktan parin siya sa pagkawala ni mama

" Dad sa tingin mo ba masaya si mama sa mga desisyon ko sa buhay?"

"Kung meron mang tao na sobrang proud sayo kami yun nang mama mo. May mga pag kakamali tayo sa buhay hindi maiiwasan yun nak kasi tao lang tayo walang perpekto sa mundo, kayo na lang nang mga kapatid mo ang meron ako hanggat kaya ko at nabubuhay ako poprotektahan ko kayo."

Dun nako naiyak ng sobra, sa daming maling desisyon na ginawa ko andyan parin ang pamilya ko hindi parin nila ako iniwan at pinabayaan.

"Kaylangan na nating umalis mag paalam ka na sa mama mo."

Lumingon si dad sa grave ni mama

"Mahal uuwi na kami wag kang mag alala ako nang bahala sa mga bata, alam ko naman lagi kang nakagabay samin at lagi mong tatandaan at Pauli ulit ko paring sasabihin sayo sa susunod na pag kikita natin ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko."

I look at my Dad, ipinangako ko sa sarili ko dati na sa isang katulad nya ako mag mamahal. Napaka swerte ni mama at napaka swerte ni dad dahil minahal nila ang isat isa ng tunay. Wala na kong mahihiling sa pamilyang meron ako at katulad ni dad kung mabubuhay ulit ako pipiliin ko parin sila na maging pamilya ko.

" Ma sige na po uuwi na kami si dad, pangako babalik ako ulit dito, I love you so much and I miss you ma,"

Umalis na kami ni dad, it's been a decade pero iba parin yung sakit, sa lahat ng sakit na nararamdaman ko parang ito yung hindi ko kayang mag move on. Ito yung sakit na kahit anong pag papaka tapang ko hindi ko makakayanan labanan.

Habang nasa byahe kami ni dad nag uusap kami ng bagay bagay, at syempre sinusumbong nya sakin yung kambal. Sa dami dami nang pag mamanahan nila yung tigas pa talaga ng ulo ko.

Nang makarating kami sa bahay nasa dining area daw ang kambal

"ATE!!!!!" sigaw nung bunsong babae

"Althea I miss you so much, kamusta ka na?"

CEO Series (John Martine Brickson) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon