CHAPTER 6 - THE TASK
Racey Grace Molina
Mga 15 minutes lang ang makalipas ay ready na iyong minashup na instrumental ni Zico. I am truly amazed by his skills like how could he do it like a pro? Kahit sina Arin ay manghang-mangha rin.
"Okay, we've already got our instrumental. Now, sino ang magp-portray?", napatitig naman silang lahat sa akin. Napahinga naman ako ng malalim.
"Okay, sige. Ako na.", sabi ko at bumaling naman na sina Arin at Demi kina Zico at Macky.
"Sino ang kakanta sa inyong dalawa for the happier part?", tanong ko kaya itinuro naman ni Zico si Macky.
"Siya, technical support lang ako rito.", sabi ni Zico kaya napangiwi si Macky.
"Fine!", parang inis nitong sabi kaya tinaasan ko ito ng kilay. Napaiwas naman ito ng tingin.
"I'll do it.", aniya kaya bumaling naman ako kay Zico.
"Pero you'll still act though. You're my present, and he's my past.", sabi ko kaya tumango naman ito.
"Back-up vocals kami ni Demi. We can also act the 'friends' part.", sabi ni Arin na siyang sinang-ayunan namin.
"We should get out of here, right?", tanong ko sa kanila kaya nagsipagtayuan naman ito.
"Sa may studio tayo. May mga mini rooms dun.", anunsyo ni Zico kaya sumunod kami sa kanya. May iilan na palang naghihintay na matapos kami sa labas.
Inilibot ko naman ang tingin nang makapasok kami sa studio. It is really spacious. Iginaya naman kami ni Zico papasok sa parang isang booth.
"We need to hear you sing the song. In that way, we can give you some advice or assess you kung anong pwedeng i-improve.", aniya kaya tumango kaming dalawa ni Macky.
We sang the song just like he asked. And he gave us some suggestions. Pati na rin sina Arin ay nagbigay rin ng opinyon nila. Tinuruan din naman sila ni Zico kung saang part sila kakanta and all. Zico has the talent of being a producer.
"Pwede ka bilang producer, Zico. Ang galing mo!", sabi ni Arin kaya napangiti ito.
"Oo nga, idol na kita kuya!", sabi naman ni Demi kaya napatingin ako kay Macky.
"Yah, I agree with them.", turan niya kaya tumango ako.
Matapos naming makontento sa paraan ng pagkanta namin ay we moved on into how are we going to execute everything. Like which part are we gonna dance, saang part kami mag-aact and all. This time, si Arin naman ang nagtuturo sa amin.
And that's when I've realized that our team is well balanced. Kahit minsan parang wala pake itong si Macky ay nakikinig ito sa mga suggestions namin. He's really much better than her sister. Hindi namin namalayang isang oras na kami dun sa may booth.
"I think we should go back. Malapit nang mag-time.", sabi ni Zico kaya nag-ayos na kami saka muling tumungo sa room. Pagdating naman ay wala pa iyong ibang kasamahan namin pero nandun na ang grupo nina Aileen. Nakasimangot pa rin ito ng sobra. Tumayo naman siya saka mukhang nagpaalam kay Maribelle. Mukhang ito iyong leader nila.
"Nakaka-bwis*t na talaga ang Maribelle na iyon.", bungad niya sa amin kaya siniko siya ni Arin dahil kasa-kasama namin si Macky.
"Hindi ko alam kung anong magiging itsura ng performance namin mamaya. Bahala na talaga. Bakit naman kasi sa lahat ng mapupuntahan kong grupo dun pa talaga.", reklamo nito sa amin kaya napailing nalang kaming tatlo nina Arin.
"Awayin mo kaya?", sabi naman ni Demi kaya kahit sina Zico ay parang gusto na ring umiling.
"Baka maaga akong mapunta sa langit kapag ginawa ko iyan, Demi.", sagot ni Aileen kaya napanguso naman si Demi.
BINABASA MO ANG
Melodial Summer Camp: The Bet
Подростковая литератураFor being grounded ay napilitang sumali sa isang camp si Racey Grace dahil na rin sa mga magulang niya. Sa una ay hindi pa nito alam kung anong klaseng camp ito. She even thought it's only for a few days! Who would have thought that music camps do...