Prologue

2 0 0
                                    

This is exactly how I imagined my life back in college—working in a hospital, wearing a white coat, and trying my best not to panic in a code blue situation. I was told crazy for God knows how many times for loving the chaos in an emergency room. Though that idea is not really beautiful to individuals whose loved one is lying on a bed in the ER, trying to fight for their life.

But I am crazy, like they said. I am crazy for spending my 20s in a medical school instead of trying to figure out work-life balance, and now loving what I do for a living—which is to deal with patients close to death. And I am also sometimes crazy for crying over someone who is not related to me, covered in a blanket because I failed to save their life.

"Doc, hindi mo kaya, naka-fine dining tayo ngayon! Naka-steak tayo!" masiglang bungad sa akin ni Millie, senior nurse sa ospital namin.

Kasing edad ko lang si Millie kaya kasundong-kasundo ko siya. Siya ang gusto ko rin kasama tuwing may pasyente kami sa ER dahil hindi siya tatanga-tanga, kahit noong baguhan pa siya. Sabagay, nakakahiya iyon lalo na kung top 3 ka sa boards nung nag-take ka.

Kung bakit hindi siya nagpatuloy sa pagiging doctor? Ang mga salita niya ay, 'Masyado na akong binobo ng Nursing noong college, papahirapan ko pa ba sarili ko? Tama na 'tong paghihirap na 'to bakla ah!'

Tumawa ako. Umuulan nga ng steak sa lounge namin. Nanunuot din ang mabangong amoy nito kaya kahit busog ako ay nakaramdam ako ng gutom.

"Sinong businessman naman ang naging pasyente natin?" tanong ko rito.

Kumuha na rin ako ng paper plate para kumain. Kaming dalawa lang ang tao rito dahil sabay ang break namin.

"Ah, suhol 'yan sa'kin, Gelsey!" humalakhak ito. "Grabe naman kasi 'yung bata kung makahila ng skirt ko! Mag-iinject lang ako sa IV, ha? Bakla, nahubaran ako kanina! Nakita tuloy ng tatay niya seamless kong panty."

Sumakit ang tyan ko kakatawa dahil sa kwento niya. Kakaiba kasi ang humor nito ni Millie, baklang bakla pa siya kung magkuwento kaya mas lalong nakakatawa. Hindi na siya nakapagkuwento pa dahil tawa lang kami nang tawa sa nangyari sa kaniya kanina.

"Ate, exposed na't lahat 'yung cover ng fukelya ko, si bagets iyak pa rin nang iyak!" pinunasan nito ang luha niya kakatawa. "Tapos alam mo kung ano nasa isip ko no'n? Baka may sumisilip akong bulbol. Hindi pa ako nakakapagpa-brazilian!"

Muli akong napahagalpak ng tawa. "Sabay tayo?"

"Hala, si Mother! Nagbabalak sundan si Quinn!"

"Pass, baka lumaki uli anak ko na walang tatay."

Ang sama talaga ng ugali ni Millie dahil tinawanan niya ang huli kong sinabi. My son is already in his ten years of existence, very close to hitting his teenage years. While he was growing up, he had asked me a countless times about his father—why am I the only one raising him and why his friends are being fetched by a big boy in a nice car and he isn't.

It was hard to raise a boy. Hindi ko alam ang mekanismo ng pagkalalaki kaya noong una ay hindi ko alam ang gagawin. Naranasan kong maglaro ng baril-barilan sa bahay, mag-buo ng kotse na gawa sa lego, at makipagpatayan sa Tekken na gustong-gusto laruin ng anak ko sa PS5 niya.

I was a very girly girl before Quinn, but I managed myself to be his guy because I wanted to fill the absence of his father. And for some reason, playing with my son healed my inner child. Para akong bumalik sa pagkabata at tila ba hindi ko anak ang kalaro ko. Hindi ko kasi naranasan masyado maglaro noong bata ako. Dahil imbis na makipaglaro sa mga kaedad ko, nasa harap ako ng camera at umaarte.

"Bakit ba kasi ayaw mo ipakilala sa tatay?" sumeryoso ang mukha at boses ni Millie. "Para ka namang nasa Wattpad nyan, madam. Tinaguan ng anak trope pala ang gusto mong genre ng love-life mo."

The Doctor's Hidden FruitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon