CHAPTER 17

55 3 0
                                    

JUSTINE POV:

Nagising ako sa isang puting kwarto. Hindi na ako mag tatanong kong nasaan ako. Alam kong nasa Hospital ako, basi sa mga desinyo dito sa loob.

Napadaing ako ng makaramdam ako ng sakit saaking likod.

Doo'y napatayo si Travis. Na nasa tabi ko pala.

"Moma are okay. Are you hurt..." Alalang sabi ni Travis.

Nakita ko ang mukha nito na may mga pasa. Pero mukhang pagaling na. Ramdam ko rin ang pagod nito at halatang wala pang tulog ng maayos.

"Buddy, call the Doctor.." Utos ni Travis sa kong sino.

Doon ko lang napansin na si Trevor pala ang inutosan ni Travis ng tumakbo ito palabas ng silid.

"Moma, bakit hindi ka nag sasalita. Okay ka lang ba. Sabihin mo sakin may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Travis.

Na para bang hindi alam nito kong saan ako nito hahawakan sa pagkataranta niya. Hindi naman takot sa dugo si Travis. Pero pag ako ang nakikita niya na may dugo. Lagi itong natatakot.

Natatakot na baka ma pano ako.

Napangiti ako. Saka hinaplos ko ang kanyang mukha. Naramdaman ng mga palad ko ang mga mumunti niyang mga balbas na patubo na. Kahit bugbog sarado na ang mukha ng lalaking to. Bakit ang gwapo pa rin. Kaya hindi talaga ako mag sasawa sa lalaking to.

Tyaka wala naman akong dahilan para mag sawa. Nasa kanya na lahat eh. Ano pa bang hahanapin ko sa iba.

"Im fine. Medyo masakit lang ang likod ko. Pero okay lang ako. Nothing to worry.." Malambing na sabi ko.

Hinapos din nito ang mukha ko. Saka napangiti. Saka dinampian ako ng halik sa labi.

"Wag ka munang masyadong maggagalaw. Hindi pa masyadong nag hihilom ang sugat mo.." Sabi nito.

Maya-maya biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang Doctor, Kasunod si Trevor na agad din lumapit saakin.

Tinignan lang ako ng Doctor saka si Travis na ang kinausap ng Doctor ng makita niyang busy kami ng anak ko.

"Moma. Okay ka lang po ba.?" Tanong ni Trevor.

Habang nasa tabi ko nakahiga at nakayakap saakin.

Nilaro-laro ko ang buhok niya. Habang nakangiti. Tinanong ko kong nasaan ang kapatid niya. Naroon daw ito kay Ante Natasha niya. Siya daw ang nag-aalaga nito habang nandito pa ako.

Mabuti nalang at nandiyan si Natasha. Para alalayan ako sa pagbabantay sa pamangkin niya habang wala ako. Na miss na raw kasi nito ang mag ka baby.

Ayaw na kasing tinatawag na Baby si Neo kaya ng Mama niya. Kasing ang corny na daw pakinggan lalo nat nag bibinata na siya. Kaya yong anak ko nalang ang nilalaro ni Natasha. Don't get me wrong. Hindi naman sa ayaw ni Natasha kay Neo. Sadyang mahilig lang si Natasha sa Baby. Kaya yong anak ko ang kinaaliwan nito.

Isang beses biniro nga namin noon si Natasha. Na bat hindi niyo pa sundan si Neo. Total
Malaki naman na ito. Ang sagot naman ni Natasha.

Hindi pa daw handa si Miggy para doon. Kasi gusto niyang maging maayos muna ang lahat bago sundan si Neo.

May point din naman si Miggy kaya na iintindihan naming dalawa ni Natasha yon. Pano nalang kaya kong buntis noon si Natasha nong sinugod kami ng mga taohan ni Carl. Edi nahirapan kaming tumakas. Kaya may point din naman si Miggy.

"Teka, wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko sa anak ko.

Napakamot nalang si Trevor sa tanong. Oh bakit, anong mali sa tanong ko.

MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book IIWhere stories live. Discover now