ONE-SHOT STORY
Enjoy reading.
Vote & Comment pls. :)
**
( Mika calling... )
Pagtingin ko sa wall clock 9:30pm na pala. Halos 30mins. na kong tinatawagan ni Mika.
I swiped my phone. End Call.
Ang kulit! Simula nung nag-break kami last week palagi syang ganito.
Ayusin daw namin 'to. But there's nothing more to say. I've cleared everything when we broke-up.
Naupo ako sa sofa at binuksan ko na lang yung TV.
Our relationship lasted a year. But things are not falling into place. Eventually, I fall out of love.
Mas okay ng mag-break kesa maglokohan pa kami. Sana maintindihan nya yun.
Nalibang naman ako sa pinapanuod ko. Halos alas-dose na ng gabi. Hindi na rin umiingay yung phone ko. Mabuti naman.
Nagpasya na kong matulog. Binuksan ko yung ref at uminom muna ko ng tubig. Nang maramdaman kong tila may nakamasid sa akin.
Luminga-linga ako pero wala naman. Pagtingin ko sa sala ay nakaaninag ako ng kulay puti..
Ang dilim naman kasi. Binubuksan ko yung switch na malapit sakin pero ayaw. Shit.
Pagbalikwas ko ng tingin sa sala.. Lumapad ang kulay puti at unti-unting naging pigura ng isang babae..
Babae na may mahabang buhok na tumataklob sa kanyang mukha.. Papunta sya sa direksyon ko.. Habang papalapit ito ng papalapit ay isa-isang nababali ang kanyang mga buto.. KRICK-KRACK! KRICK-KRACK! Nabitawan ko at nabasag ang basong hawak ko. Nagpapanic na ko! Mas bumilis ang pagkilos nito! Rinig na rinig ko ang lagutukan! KRICK-KRACK! KRICK-KRACK!
Tatlong dipa na lang ang layo nya sakin! Napaatras ako pero wala na kong tatakbuhan! "TANGINA! ANONG KLASENG NILALANG KA??!"
Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Pumikit na lang ako. Nagdasal na sana mawala na sya.
Mga ilang segundo din..
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata..
Tumingin ako sa kanan, sa kaliwa pati sa likod ko.. Nakahinga ako ng maluwag. Wala na sya.
May narinig akong umungol. Napalunok ako. Nagtaasan lahat ng balahibo ko. Alam ko, malapit lang sakin yun.
Tumingala ako---Nanghina na lang ako sa sahig. "M-mika.."
Nakabitin sya patiwarik! Tumambad sakin ang napakaputla nyang mukha! Galit na galit at nanlilisik ang mga mata nito! "BAKIT HINDI MO SINASAGOT YUNG TAWAG KO!!!" Sumuka sya ng napakaraming dugo at bumulwak rin sa bunganga nito ang kanyang atay, puso, bituka at iba pang mga lamang loob!
--
Nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko.
7:00am na. Nakatulog pala ko sa sofa.
Anong nangyari kagabi? Panaginip lang ba lahat?
"Ouch.." Nakita kong may hiwa yung daliri ko.
Tumunog yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.
( Unknown number calling... )
"Hello?"
"Kaninong phone line ito?"
May tama din 'to eh sya yung tumawag tapos itatanong kung sino ako! Bago pa man ako makasagot ay nagsalita ulit sya.
"Sa scene of the crime operatives 'to."
"A-ah. Darts Garcia."
"San ho ang exact location nyo Mr. Garcia?"
"Block. 8 Oak Woods. Bakit--"
"Block. 8?"
"Yes. What's going on sir?"
"Lumabas ho kayo at pumunta dito sa ginagawang bahay malapit sa inyo."
Hindi ko alam kung anong nangyayari. I just grab a sweater and went out.
Kumpulan ang mga tao. Napapalibutan yung bahay ng yellow police tape. Nandyan ang S.O.C.O nang nagpakilala ako ay agad naman akong pinapasok nung chief inspector.
Napaluhod ako sa nakita ko. Nanlalabo ang paningin ko, nangingilid sa mata ko ang luha.
Nagsalita ang chief inspector. "She was identified as Mikaela Faustino. Napakadaming lacerations ang nakita sa genital area nya. Biktima sya ng gang rape. Ayon pa sa autopsy.. Pinagbabali muna ang kanyang buto para hindi makapanglaban. Matapos ng panghahalay ay winakwak ang kanyang katawan at pinaglaruan ang mga lamang loob nito. Sigurado kagagawan ito ng grupo ng mga adik."
Inilabas nito ang isang cellphone na nakalagay sa plastik as evidence. "Nagtagpuan namin itong cellphone nya. More than 10 times ka nyang tinatawagan. You're just 2 blocks away. Bakit hindi mo sinasagot? You could have help her."
Bakit hindi mo sinasagot? You could have help her.
Bakit hindi mo sinasagot? You could have help her.
Bakit hindi mo sinasagot? You could have help her.
Gusto kong sumigaw. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Wala man lang akong nagawa para tulungan sya.
"Sorry.. Patawarin mo ko Mika.. Hindi ko alam.."
