"Okay Class . .dahil sa may nag away dito . . dahil sa Love na yan..!!o sa Forever na yan! Kindly get 1/4 and write your own belief kung may Forever o Wala. .. Ok? Ill give you only 10 minutes to answer. It will be recorded as Seatwork,Activity and Quiz."
Mika's POV
Ano ba yan!! May nag away lang . .. Si Mam may pakulo na naman!! >___< Forever daw!! Tsss . . Di na nasanay sa kabataan ngayon. Na ipaglalaban kung ano yung paniniwala nila.
Kumuha nalang ako ng 1/4 sheet of paper .sayang din kung di ako gagawa..mabubungal yung maganda kong record sheet. "Walang Forever" yung title ko. ..Tsaka anong masama?? Wala naman talagang Forever ah!! Bakit naniniwala kaa?? Shunga ka !! Isa kang uto uto kung ganun!
"Okay class Pass your papers "
Pinasa ko na papel ko! Wala na kong pake kung mag reklamo kayo dyan.. Humiga nalang ako sa Armchair ko! Inaantok ako eh.
30 minutes
"Okay Class 39 Vote for May Forever and 1 vote for Walang Forever"
Teka! Papel ko yung "Walang Forever" Ako lang mag isa?? Ganuun? Napaayis ako ng upo.
"Maam! Si Mikaella Abellano yan noh? Sya yung nakipag sabunutan para ipaglaban yung Walang Forever!"
Biglang lumingon lahat ng Classmates ko sakin pati si Maam!!
Mga sumbongerot ,sumbongera!! Kahit kailan mga sipsip talagaa!! Mga Teachers Pet! Trip kong manabunot eh pake ba nila?? Isa isahin ko silang sabunutan eh!! " Miss Abellano please Stand up"
tumayo na lang ako...
makikitsismis na naman tong Teacher namin -_-"Bakit walang forever miss Abellano? and give me your acceptable answer kung bakit mo sinabunutan si Miss Cruz? " Ano ba yan . . Pwede bang sabihin na Too private to talk, None of your business!!
Bubuka na bibig ko! Magsasalita na ko ! Nang biglang nag Ring yung Bell!! Napataas ako ng kilay at "Class Dismissed!" Uwian na.. Bastos ah ! magsasalita palang ako.Pagkalabas ni Mam ay lumabas narin ako pati mga Clasmates ko.
Naglalakad na ko pauwi! Nang biglang may sumabay sakin at iniabot yung papel "Miss basahin nyo po"
kinuha ko nalang yung iniabot nya! Sure akong tungkol na naman toh sa Banal! O yung mga Relihiyon! Binuksan ko yung papel .'May Forever!'
Napatigil ako sa paglalakad .Lumingon ako dun sa nagbigay ng papel . . .San na yun? May saltik yun! May forever daw! Gandang Joke! Binuksan ko na yung second page
'Ako ang paniwalaan, nasa akin ang walang hanggan, Nasaktan ka man ng minsa'y hindi rason upang hindi maniwala ? Ang walang hanggan ay hindi patungkol sa pag ibig.- God
Ouch !! Waahh!! Bakit patama sakin ? May bigla tuloy akong naalala. Kakabreak lang namin ng Boyfriend ko, si Carl. Yung sinabunutan ko yung bago nya,si Mary. Napikon ako malandi daw kasi ako..Kaasar! Tumingin ulit ako sa papel .. Tumingin din ako sa pinakahuling page.
Mapa papuntang simbahan. Weird.
May nakasulat pa sa baba na 'Steps to know if forever does exist.'Nacucurious ako kung padala ba to ni God para maniwala ako na may Forever?
***
"Keep on believing, Forever do exist.Di porket nawala ako sayo, di ka na maniniwala. Ang forever hindi laging love. And Diyos nasa kanya ang forever. Tao lang ako Yunice.. Hindi ako yung forever mo. Sadyang hindi tayo para sa isat isa. Siguro nakatadhana lang talaga ako sa Simbahan. Palayain mo nalang ang isip at puso mo . . "
"Sige sabihin na nating tama ka pero paano ako? Masakit dito oh. Masakit sa puso.Tama rin yung sinabi nila na kapag nagmahal ka.. Hinahayaan mong saktan ang damdamin mo. Pero dahil mahal kita. Susuportahan ko ang nais mo.. Papalayain na kita"
"Di man pwede maging tayo. Pwede mo akong gawing bilang kaibigan. Narito ako bilang kaibigan.Patawarin mo ako.
Bigla akong napasandal sa pader ng simbahan.Tama si ate wala sa tao ang Forever kundi sa Diyos .At di porket nawala yung taong minamahal mo, hindi ibig sabihin nun na wala nang forever Malay mo may mas nakalaan pa sayo na mas hihigit pa sakanya.
Now I know , I understand Forever is not just the matter of time , it matters for believing in God's Word.
Hindi ko sinasadyang mapanood yung away ng ate ko at yung boyfriend nya . Heartbreaking scene.Napadaan lang ako dun.dahil sa papel na toh. Pero dahil dun alam ko na ang pinaniniwalaan ko kapag pinag uusapan na ang Forever .
***
"Mika! Gising na!! Andyan na si Maam!!"
Bigla akong napatayo dahil nay yumugyog sakin. Uniform? Uwian na diba? Napatingin ako sa harap namin. Nadyan pa yung Teacher namin!! So hindi pa nag uuwian??
Panaginip lang pala yun? Di pa kami nag uuwian??"Okay Class . .dahil sa may nag away dito . . dahil sa Love na yan..!!o sa Forever na yan! Kindly get 1/4 and write your own belief kung may Forever o Wala. Isa yang survey ng higher level They need it for their Documentary.
Napangiti ako bigla. Kung ano ang nangyari at mangyayari. Tiyak na plano to ng Diyos Ginawa nya siguro yun para mabago ang paniniwala ko .Kumuha na ko ng papel at isinulat na May Forever.
"Maam!"
Napatingin kami lahat sa pinti dahil may sumigaw . Oh bestfriend ko si Kurt. Kumaway ako sa kanya at kumaway din sya. Bakit may dala syang gitara at rose? Siguro aamin sya sa Babaeng gusto nya kaso di sya makaamin kasi may Boyfriend.
Torpe ng Bestfriend ko noh?"Kukunin nyo na ba ang mga papel?"
"Okay class pass your papers"Pinasa ko na yung papel ko. At kahit nagbreak kami ni Carl! Masasabi ko parin na may Forever.! At Proud akong sabihin yun.
Napatingin ako sa Wallpaper ko sa Phone. Kasama ko si Carl! Masaya kami dun. Pero dahil mas mahal nya na si Mary.. Okay ipapaubaya ko nalang sya.
Dinelete ko na yung picture namin sa Gallery ko! Ang pangit nun kapag di ko pa idedelete.
"Ano pa ang kailangan mo Mister?"
Naku sure ako na mangungulit yan.Partida! Kilalang kilala ko yang lalaking yan!! " Ah Mam! Pwede pa favor? Pwede ko po bang kunjn yung Forever ko?" Biglang naghiyawan mga kaklase ko.
"Sus! Sige na nga! Sino ba yung forever mo?" Bigla akong napatingin sa kanya! Ayan na!
Sasabihin na nya!!.
"Si Mikaella Abellano po"
Wala na kong narinig bukod sa tilian ng mga kaklase ko.
God ito po ba yung plano nyo sakin?
BINABASA MO ANG
Does Forever exist?(OneShot)
Teen FictionDahil sa madaming Bitter dyan.. Or naniniwala sa Forever o walaa . . .Basahin nyo po story ko. . .^__^ Thank you ^___^