This chapter is dedicated to
MoisesSmith5"Good morning po Señorito Ace!"
The maids greeted me when I went down to the grandstair. Sila agad ang bumungad sa'kin sa umagang ito. Ngumiti ako sa kanila.
"Good morning..." I greet them back.
Naglakad ako papunta sa dining kitchen. Namataan ko na abala sina Ate Babet at ibang mga kasambahay sa pag-aayos ng mesa. Nagtama ang tingin namin ni Ate Babet nang bumaling siya sa pwesto ko.
"Gising kana pala, maupo kana rito. Pinatawag ko na si Vincent para sabay kayong mag-agahan," mahabang saad niya.
"Good morning Ate," bati ko, naglakad at naupo na. "Sumabay na rin po kayo Ate," alok ko sakanila.
"Hindi na, mamaya na kami. Mauna na kayo ni Vincent mag-agahan," tanggi niya sa pag-aalok ko.
Can I just eat first? Ayokong makasabay si Vincent sa agahan, hindi ako makakakain ng maayos. Sana naman ay mamaya na siya bumaba.
Subali't sa paghahangad ko na hindi siya makasabay mag-agahan ay bigla nalang siyang pumasok sa dining kitchen. Nagtagpo ang tingin namin ni Vincent, mabilis akong umiwas.
"Oh hijo, buti narito kana. Mag-agahan na kayo ni Ace," sabi ni Ate Babet at nilapag ang kanin sa round table.
Vincent sat silently. Katapat ko siya ngayon. I don't know what I will feel now. Should I act like he's not in front of me? Or just don't look at him so I can eat properly? Mayamaya ay iniwan kami nina Ate Babet at ang ibang kasambahay. Kaya ngayon, dalawa nalang kami ni Vincent naiwan sa malaking dining kitchen.
Akmang kukuhain ko ang lagayan na may lamang kanin nang magkasabay kami ni Vincent. Tila may gumapang na kuryente sa buong katawan ko dahil nagdikit ang kamay namin. Mabilis kong binawi ang kamay ko.
"Mauna kana," Sabi ko.
Kinuha naman niya iyon. Naitikom ko ang bibig sa ginawa niya. Inaasahan kong maglalagay siya ng kanin sa kanyang plato nang lagyan niya ang plato. I was about to protest but he finished putting rice on my plate. Why did he do that? Hindi ko naman siya inutusan! I ignore it and focus on my breakfast. Naghari ang katahimikan sa loob ng dining kitchen. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig.
"May lakad ka ba ngayong araw?"
Nasamid ako sa pagkain dahil nagtanong si Vincent. I took the glass with only water and drank.
"Mayro'n," I directly response. "May ime-meet akong kliyente, mamayang hapon," dagdag ko pa.
"Where? Ihahatid kita."
"No need, kaya ko naman," Sinabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
I heard him sighed. "Ace, look. I just want our situation to be easy. Don't make me suf-"
Pinutol ko sasabihin niya.
"Oh, 'yon naman pala. Gusto mo palang maging magaan ang sitwasyon natin, bakit ka nangungulit." Pinanatili kong mataas ang pride ko. "Mauuna na'ko, tapos na akong kumain." Naglakad ako palabas sa dining kitchen at iniwan siya ro'n mag-isa.
"Ace, tapos ka nang kumain?" Binungaran ako ni Ate Babet paglabas sa dining kitchen.
I nodded. "Tapos na po, aakyat na'ko sa taas," sinabi ko.
"Si Vincent din ba tapos na kumain?" tanong ulit ni Ate Babet.
Bumaling ako ng tingin sa dining kitchen at mabilis ko ring binalik.
BINABASA MO ANG
Our Sinful Love [C O M P L E T E D]
General FictionPrince Acezequiel Castellejo, is a loving son. He will do everything just to bring back his mother's joy. Nang mamatay kasi ang kanyang Ama ay sobra itong nalugmok sa kalungkutan. Pati siya ay nasaktan din habang nakikita ang kanyang Ina na naluluno...