Chapter 7 - The Prize & Another Performance? Ft. Uprising Dispute

4 4 0
                                    

CHAPTER 7 - THE PRIZE & ANOTHER PERFORMANCE? FT. UPRISING DISPUTE

Racey Grace Molina

Tinawag naman kami ni Zico para magpuntang staff office para kunin namin iyong 'reward' ni Tita Faye. Napapaisip tuloy ako, is it food? Money? Pero imposible namang magbigay ito ng pera sa amin eh hindi naman iyon magagamit.

"Excuse me, nandiyan po ba si Miss Faye?", magalang na tanong ni Zico dun sa staff na nasa labas ng kwarto.

"Yes, pasok lang kayo.", sagot niya saka napasulyap sa akin. Bahagya naman itong tumango kaya nginitian ko nalang ito.

Pagkapasok naman namin sa staff office ay napagtanto kong napakalawak nito. May sariling building iyong opisina nila. Malapit lang ito sa entrance isang floor lang.

"Oh, you're here!", sabi ni Tita Faye nang makita niya kami.

"Come here.", tawag niya sa amin kaya naman ay lumapit kami dito.

"Here's your reward. It's an acess card for the cafeteria. With this, you don't need to get in line for you to get your food. Just show this to the staff and they'll accommodate you first.", aniya kaya nagtinginan kami nina Arin.

"And it has your name on it, kaya malalaman ng cafeteria staff kung iba ang may gamit because if they're gonna insert the card hindi magl-light up iyong bracelets niyo. You're not allowed to lend this to anyone. This reward is good for one week only.", explain niya sa amin saka isa-isa kaming binigyan nung access card.

"By the way, the 5 of you will participate for the jamming this Sunday.", napatitig naman kami kay Tita Faye dahil sa sinabi niya.

"This week's jamming will be a competition between sections. The theme will be how well can you interpret a song just like what you did earlier in class.", napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi nito. Akala ko ay voluntary nalang itong jamming every week.

"There's a few changes with the jamming thing every week. Mas magl-look forward daw kasi ang mga melodians if we'll make it into some competition. May mga magp-perform din naman iyong mga may gusto since we'll have some intermission numbers between each performance.", aniya kaya napatango naman kaming lima.

"You can ask your classmates for help dahil by section ito. But if you're okay na kayong lima, nasa sa inyo na rin naman iyan. Understood?", dagdag niya pa kaya tumango naman kami.

"Okay, that's all for now. May prize na makukuha ang mananalo pero hindi pa nakakapag-decide ang higher ups kung anong pwedeng ibigay. You can go now.", tumingin naman sa akin kaya pinanliitan ko naman ito ng mata. Natawa naman siya kaya napatingin sa akin iyong iba.

"Sige po, mauna na kami Miss Faye. Thank you po!", sabi ko nalang saka sila hinila palabas.

"Sana naman pala hindi natin ginalingan kanina. Nakakatamad kaya mag-isip kung anong ip-perform.", sabi ko kaya napatawa si Zico.

"Well, at least may acess card tayo hindi ba? Saka this is not that bad, may prize pa rin naman kung sakaling manalo tayo.", sabi naman ni Zico kaya napatango ako.

"If access cards ang prize nila ngayon, ibig sabihin mas maganda iyong ibibigay nila sa susunod. Kaya dapat pagbutihan pa rin natin this time.", ani ni Arin kaya tumango naman kami.

"Ah, hindi pa ba kayo nagugutom?", napalingon naman kami kay Demi dahil sa tanong nito. Napatawa naman kami nang tumunog ang tiyan nito.

"I think it will be better if we'd continue this conversation in cafeteria.", turan ni Macky kaya naman ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa cafet. Napaisip tuloy ako kung anong pwedeng theme ng performance namin.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon