Chapter 8 - The Meeting

3 3 0
                                    

CHAPTER 8 - THE MEETING

Racey Grace Molina

Walang niisang nagsalita sa kanilang dalawa kaya napakamot nalang ako sa ulo. Magkaaway ba sila?

"Pupunta ka rin bang garden?", tanong ko kay Macky at tumango naman ito. Bumaling naman ako kay Vaughn Zevi.

"Ikaw, sasama ka?", tanong ko sa kanya at tumango naman ito saka binitawan ang braso ko.

Hindi na ulit ako nagsalita bagkus ay nauna nalang ako sa paglalakas. Baka kasi balak pa nilang mag-staring contest diyan matagalan pa kami sa pagpunta sa garden. Ramdam ko namang sumunod silang dalawa sa akin. Mabuti na nga lang at nakarating kami sa garden ng matiwasay.

"Racey babes!", tawag sa akin ni Aileen pagkakita nito sa akin pero agad din ako nitong tinaasan ng kilay saka ngumisi nang makita kung sino iyong nakasunod sa akin. Inilingan ko naman ito.

"May naisip na kayo?", tanong ko kay Zico saka lumapit dito. Nandito rin sina Wave, magkaklase nga pala kaming 13.

Umupo naman ako sa may grass sa tabi ni Arin. Habang si Vaughn ay umupo sa tabi ni Zico habang si Macky ay umupo sa tabi ko. Nakaramdam naman ako ng kurot sa tagiliran kaya sinamaan ko ng tingin sina Aileen. Baka kung ano-ano na iyong iniisip nila.

"Wala pa naman, may mga ideas na kami pero hindi kami sure kung paano i-execute.", sagot sa akin ni Zico kaya tumango naman ako.

"Ikaw ba? Okay lang sa akin na ako iyong bahala sa instrumental natin, tapos tulungan nalang kami ni Arin sa pagd-direct.", dagdag pa nito kaya inisip ko naman iyong in-organize ko kanina na flow ng performance.

"Okay, here's what we're gonna do.", nagsimula naman akong nag-explain kung anong gagawin at kung anong kantang gagamitin. Matapos ko namang i-explain sa kanila ang naisip ko ay parang hindi makapaniwala ang mga ito.

"Did you just thought of that now?", hindi makapaniwalang sabi ni Jayce at nagkibit balikat naman ako.

"Hindi, in-organize ko na iyan kanina pa.", sagot ko kaya nagtaka naman ang mga ito.

"Saan?", tanong naman ni Wave at parang naghihintay naman silang lahat sa sagot ko.

"Sa utak ko.", sagot ko sa kanya kaya napanganga naman ito.

"I mean, it's good right? Okay lang kayo dun?", tanong ko naman sa kanila at pumalakpak naman ang mga ito.

"Anong good? The best na kamo iyon!", sabi ni Aileen kaya napatawa ako.

"Sa tingin niyo ba may iilan ba sa mga kaklase nating tutulong?", tanong ni Arin kaya napaisip din kami.

"Kung sasabihin natin sa kanila na need natin ng tulong, I'm pretty sure na tutulong sila.", sagot ni Minkyu saka ako sinulyapan. Napailing nalang tuloy ako.

Napasulyap naman ako kay Macky na parang nakatingin lang sa kawalan. I nudged him kaya napatingin ito sa akin.

"Okay ka lang?", tanong sa kanya at tumango naman ito.

"Pasensya na kanina, I just really don't like it when someone looks down on me.", sabi ko kaya napatitig ito sa akin.

"Okay lang, it's my sister's fault for charging at you first. I am the one who should apologize.", sagot niya saka inalis iyong iilang hibla ng buhok ko sa mukha.

Ramdam ko namang napatigil ang lahat at napatitig sa amin. Napaiwas naman ako ng tingin saka bumaling sa mga kasama namin. Titig na titig naman silang lahat sa akin, or sa amin.

"Should we distribute the roles?", sabi ko kaya natauhan ang mga ito.

Napabuntong hininga naman ako saka inisip kung ano-ano pa ba iyong mga kailangan namin. Nag-uusap sina Zico at Arin nang may naisip ako.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon