Note to elf

4 0 0
                                    


I don't know where this coming from. Maybe, I am writing this after my confession to him. There are times that I would wonder if he even thinks about what happened. The only thought that I have right now ay naalala ko siya pero minsan na lamang siya sumagi sa isipan ko. May hinanakit rin siguro ako, na kahit sinabi ko sakanya na wala na saakin ay nandoon pa rin ang sakit, pero mas nangingibabaw ang panghihinayang. Panghihinayang na may nawala, may naiwan at mas may piniling wag lumingon at tanggapin na tuldok na lamang ang mayroon pagkatapos ng lahat. All those adjectives pertains to me. Hindi ko pwedeng pangunahan kung ano man ang naramdaman nya pagkatapos na ipahayag nyang nakuha ko na sa wakas ang lakas ng loob na umamin at sabihin sakanya ang lahat.

Bago pa man dumating ang araw na iyon, inisip ko na ang pinakamadramang tagpo na maaring gawin ng isang tulad ko sa isang introvert na katulad nya. Pero wala, hindi ko mailarawan ang adrenalin na lumalabas sa katawan ko habang mabilis na tumitipa ang mga daliri ko sa screen ng cellphone para lamang mag send sa social media account na may kaakibat na messenger ang lahat ng maaring sabihin ko. Buod, iyon lamang ang nasabi ko. Hindi ko nagkaroon ng pagkakataon at hindi ko inasam na magkaroon ng pagkakataon na kausapin man lang siya ng harapan para alamin ang kanyang nasa isipan. Pinangunahan na ako ng hiya, sa mga oras na iyon iniisip ko ang maaring sabihin nya na, ang mga iisipin niya. Hindi ko kayang marinig ang ang mga bibigkasin nyang salita kung kaya hanggang sa mensahe ko lang kayang iparating ang naramdaman ko at nararamdaman ko. Ipinagtanong ko pa nga sa mga kaibigan namin kung ano ba talaga ang nasa isipan nya. Ngunit, naalala ko, minsan niyang nabanggit na bukod tanging ako lamang ang napagsasabihan niya ng mga bagay na nakakapagpabagabag sakaniyang isipan.

Siguro, tama ang sinabi ng counselor ko noon sa unibersidad. I am confident, a go getter, goal oriented but can never handle such extremities. Extremities na para saakin na maituturing ang pagsasabi ng damdamin, pakiramdam ko babagsak ako sa hindi malaman na paaran. Pakiramdam ko kapag bigkasin ko ng harapan ang mga salitang iyon ay mawawala lahat nag iisang bantayog ng seguridad na mayroon ako.

Nang mabasa ang tanging mensahe na kaniyang ipinadala para sa napaka nobela kong pag aamin. Manhid, iyon lamang ang tanging salita ang pumasok sa aking isipan, hindi dahil iyon tumutukoy sa kanyang mensahe, sa katunayan salungat pa nga doon ang nais niyang iparating. Manhid dahil wala ng mas lalamig pa sa kaniyang sinabi. Nang mga panahong iyon, nais kong tumawa at ipagwalang bahala ang sinabi niya, pero tama ang mga nakakakilala saamin, senseless ang matatawag mo sa taong kayang magpadala ng ganong mensahe. Ngayon naisip ko lamang, kung sa tinagala na panahon na magkakilala kami, hindi nya pa ako lubusang kilala, gayon man ako. Higit kanino man maiisip ko na kaya niyang gawin iyon. Iyon ang unang beses ko makramdam ng rejection kung kaya iniisip ko na kung sasabihin niya ng hindi ay maibibigay niya iyon ng pinakamalumanay na paraan dahil alam niya ang pakiramdam ng maisantabi. Ngunit ngayon alam ko na, na kahit ilang beses kang maisangtabi ay kaya mo rin palang gawin iyon sa iba na walang pakundangan.

Ngayon iniiwasan ko ang sumama sa mga taong may koneksyon sa kanya o ang maaring makapagsabi ng pangalan niya. Iniiwasan ko rin manatili sa isang lugar ma alam kong aksidenteng makita ko siya. Kung dati aypalagi akong nasa iisang lugar para mag ikot ay pinupuntahan ko ang mga lugar na alam kong wwaa siyang gasinong interes na puntahan. Hindi ako umuuwi sa aminsa araw na maari ko siyang makasakay. Iniiwasan kong magbukas ng social media account para alamin at malaman kung andun rin ba siya. Bottomline, ayaw ko siyang makita hindi dahil sa rason na bitter pa ko kubg hindi dahil sa hindi ko alam ang maaribg sabihin ko sakaniya.

Minsan ay magtatanong at ang tanhing nagagawa ko ay kiming ngumusi at tumango. Ganun ang nagagawa ng gap. Mabigat at mas nanaisin mo magpakalayo layo at isipin na kailanman ay hindi kayo nagkaroon ng koneksyon at malalim na pinagsamahan. Na ni minsan ay hindi mosiya binigyan ng payo, ng ngiti at pansin.

The AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon