I never thought about that thing. All this time, may babae pa lang nabuntis si Euan! Gulat na gulat ako sa mga sinabi ni Euro sa akin. Wala naman siyang binanggit kung sino ang babae. I wonder who would be that girl. Do I know her? I'm curious. Hindi na lang ako nagtanong kung sino iyong babae dahil mukhang wala ring plano si Euro na sabihin sa akin kung sino iyon.
Matapos kausapin ang pinsan ay pumasok na ako sa klase ko. My professor did not scold me for being late, although he marked me as late. Ayos lang naman dahil late naman talaga ako. This was my only class for today. One subject for three hours. Ganoon talaga kapag college na. Kailangan mo talagang pumasok kahit isang subject lang sa isang araw. Naging ayos naman ang PMO class namin dahil dire-diretso ang lecture ng prof namin.
"Kapag college ka talaga kahit isang subject lang ay drained na drained ka na!" one of my classmates ranted after our professor dismissed us.
"Gosh! Six hours of units na naman tayo bukas sa Fundamentals of Accounting! Tas may Physical Science pa at General Psychology pa! I really hate Tuesdays! We'll occupy twelve hours for a day!" hirit naman ng isa. "Ubos na talaga ang brain cells ko! Minsan tinatanong ko na sarili ko ba't ko pa pinili itong kurso na 'to, eh!"
I sighed. Business Administration is not really a difficult course, however it just needs hard work, focus, and skills because business is not a joke. We're just focusing on more practicing than theories. Para sa akin hindi naman ako ganoon ka nahihirapan sa kursong pinili nina mommy at daddy sa akin. Yes, they were the ones who chose my course for me. It's not a problem for me anyway.
After my class was done, I immediately went to the MedTech Building to go to Euan's classroom. Pagdating ko sa kanyang classroom ay tapos na rin ang kanilang klase. Dumungaw ako sa bintana para silipin kung nasa loob pa si Euan at nagulat ako nang makita siyang may kinakausap na babae, nakatalikod ang babae sa akin, pero hindi ko maaninaw ang mukha niyon, pero sa likod pa lang at kulay ng balat ay pamilyar na sa akin.
"Euan!" I called Euan.
The girl was about to look in my direction, but Euan immediately walked pass her. His large body covered the girl behind him. Hindi ko na nakita ang babae dahil tumalikod na ulit 'yon at hinagilap ang kanyang gamit sa kanyang lamesa.Silang dalawa na lang ang natira ni Euan ngayon dito sa loob. She is Euan's classmate, obviously. Siya ba iyong babaeng naanakan ng pinsan ko? Noon ay may nababalitaan naman akong chismis tungkol kay Euan at sa isang babae, pero hindi ko alam kung sinong babae ba dahil marami naman kasing umaaligid na babae sa pinsan ko.
"Sino 'yon?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.
Inakbayan niya ako. "Uh, nothing, Yuna."
"Is she your fiancée?" I did not hesitate to ask him that.
Nagulat siya, rumehistro iyon sa mukha niya. "H-Hindi.."
Kumunot ang noo ko. "Hindi?"
"How did you know about it?" he asked instead.
"Sinabi lang sa 'kin ni Euro kasi hindi ninyo sinabi sa akin noong Sabado, nagkita naman tayo sa condo ni Eyo, eh," sabi ko.
Ginulo niya ang buhok ko at tumawa lang. "Nakalagitnaan ko na lang na sabihin sa 'yo kasi abala tayo sa paggawa ng panibagong kanta. Hayaan mo, ipakilala kita sa kanya."
"Ikaw, ha, may fiancèe ka na pero lihim ka pang nakikipag-usap sa iba," I said. "That's already cheating, Euan."
Humalakhak siya. "My fiancèe knows, uh, Brytch."
"Brytch?" That name sounds familiar to me.
Now I remembered! She was the girl who had a crush on Euan back when they were in high school! Hanggang ngayon ba ay ginugulo niya pa rin si Euan? Hindi naman sa gusto kong makialam sa kanila, pero bakit magkausap sila? And does she know that my cousin already has a fiancée? She should learn to distance herself then.
"Brytch Lavender Dior?" Umawang ang bibig ko nang sabihin ang pangalan na iyon. She's fucking the sister of the bitch, Zachariah Olive Charmaine Dior!
"May pinag-usapan lang naman kami," tipid na paliwanag ni Euan.
"Good," I said. "You already have a fiancèe, Euan, and I heard that.. you also have a child with your fiancèe, right? You should avoid that dark-skinned color girl then."
"Bakit?"
"Baka kasi.. pinagtripan kayo nila," sabi ko. "I saw her sister with Eyo last time. Ngayon naman ay kayo namang dalawa. Hindi maganda kasi magkapatid sila, baka pinagdidiskitahan lang kayong magpinsan ni Eyo. Isa pa.. baka pera lang ang habol nila sa inyo. Mahirap lang sila, hindi ba?"
"Don't think so ill of them, Yuna. Hindi ganoon sina Brytch at Zacha," Euan defended them and shook his head. "Hindi kami nila pineperahan kaya huwag kang mag-alala. Huwag nga sila nating pag-usapan. Let's go..."
Hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon na magtanong pa. Hinatak na niya ako. Lumingon ako sa classroom nila at saktong kalalabas din ni Brycth doon. I sighed and just shook my head.
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...