01

56 1 2
                                    

Before I start, let me just say..

ENJOY READING MGA BHE. :)
HOPE YOU'LL LIKE IT ♥

[Pauline's Pov]

"I love you Pauline." Sinabi niya sakin.

"I love you too."

Lumapit ang aming mga mukha at aakmang maghahalikan na kami. Shxt. Maghahalikan na kami! Maghahalikan na kami! Woah!

"ATEEEEE!"

"Ay pangit mo!"

Bigla lang naman po akong nahulog sa kama dahil ginulat ako ng lintik kong kapatid na si CAMILLE . Ang sarap pektusan sa esophagus!

"Yah! Maganda kaya ako! MAS maganda pa sayo." Tapos diniinan niya pa ang word na MAS.

"GG ka Cams. Pangit mo kaya." Tapos nag tounged out ako sa kanya.

"Che! Oh kain na tayo sa baba! Wag kanang mag anu dyan! Umm. Alam mo na ang anu! Aish. Ge." Tapos lumabas na siya sa kwarto ko. Ang daldal niya talaga kahit kailan. -_-

After nang scene na pagdidisturbo ng kapatid ko sa aking panaginip plus ang pagulat niya sakin, eto ako ngayon. Naglalakad papuntang banyo na parang zombie. Ang gulo ng buhok, dalawang kamay na nakataas at nakaharap sa harapan. HAHAHAH. Ambaliw ko. Ge.

Actually late na kasi ako ng uwi eh. Galing ako sa bar. Yah! Wag kayong anu jan! Nagtatrabaho ako sa bar. Hindi ako dancer o bayaran sa bar no? DJ ako dun. Joke. Anu ako dun, umm.. waitress. Yan! Haha.

So imagine 1 am nako umuwi sa bahay tapos gigisingin ako ng lintiks kong kapatid ng 5:30. Saan na ang hustisya? Tapos papasok pa kami sa school by 6. Walang hustisya! Ugh!

Daldal lang ako ng daldal hindi niyo pa pala ako kilala.

Haluu sa inyo. Ako si Mizpah Pauline Cruz. Pauline na lang tawag niyo sakin. Wag niyo nang itanong kung bakit! XD
16 nako at meron akong 3 kapatid. So bale 3 kaming lahat. All girls. Yaaay. 3 kami Grade 11 na. Kunti lang naman agwat namin eh. Lahat kami maganda. Ess. XD
Pumapasok kaming 3 sa iisang mamahalin at pangmayaman na university. Pero oy! Hindi kami mayaman okay? Panu kami nakapasok dun? Maganda daw kasi kami kaya pasok na agad. Joke lang. Scholar kaming tatlo dun. Libre tuition hindi nga lang allowance. Saklap lang. #SadLife

Sa school namin, bawal ang mga outsiders food dun like Skyflakes, Fita at chuchu~

Dapat dun ka bibili sa canteen nila where there food cost a lot. Katulad ng Chicken Sandwich nila na mabibili sa halagang 350 pesos.

Coke Sakto. Take note COKE SAKTO lang yan. It cost 30 pesos.

Kung dun ka naman kakain ng pananghalian, yung Hotdog and Rice nila 400 pesos. Ang mamahal diba? Bawing bawi naman sa lasa. Ang sarap eh! Haha. Kung break lang kami bumibili dun. May niluto naman kami ni mama sa pananghalian.

Sa sobrang daldal ko sa inyo nandito nako ngayon nakaupo sa hapagkainan namin kumakain ng agahan.

Wag na din pala kayong magtaka kung bakit nagtataglish ako. Alam niyo naman sa school namin, mga sosyal. Taglish here taglish there. Imagine, wala kaming uniform tas wala din kaming I.D para daw maiba kami sa lahat. Para daw maimprove ang pagiging FASHIONISTA namin. Take note! Kailangan namin maging fashionista dun. Eh panu pala kung wala kang pambili ng magagandang damit? Edi nganga. Hahaha.

K. Simple lang naman ang suot ko ngayon. Naka-shorts ako na white pero hindi naman maiksi tapos nakawhite sleeveless ako.
[PICTURE AT THE MULTIMEDIA]

Hindi po kami mayaman. Sadyang maganda lang talaga lahi namin. Haha.

Tsaka hindi ko naman mapapatanyan ang mga beauty ng mga babae dun no! Alam niyo ba nung kumuha kami ng entrance exam wala lang. Pfft. Di, actually walang magawa lang talaga ang mga kabataan dun kundi ang magpadamihan lang sila ng gadgets, pagandahan ng bag, kamustahan ng bakasyon. Tapos sinasabi pa nila na napuntahan na daw nila ang Korea, London tsaka New York. Oh edi sila na! Kami na nganga! Tss.

"Anak, eto o baon mo." Sabi ni mama sabay abot ng lunch box.

"Anu po to ma?"

"Adobo yan anak. Baka kasi sawa kana sa isda na palagi mong ulam."

Sus si mama talaga! Kahit kailan ang sweet at caring niya.

"Salamat po ma." Then I kissed and hugged her. Ito na naman po ako sa English english. :3 Hayaan niyo na ha? XD

"Nakakainggit naman yan. Pakisali nga!" Sabi ni Mimi tapos sumali na din sila sa grouphug namin ni mama.

Ang sweet namin no? Mainggit kayo. JOKE.

"Ge. Umalis na kayo! Joke lang mga bebe ko. Umalis na kayo baka malate pa kayo."

"Si mama pabebe." Tapos tumawa kami ni Mimi at Camille.

"Bye ma! We love you!"

Tapos umalis na kami saaming mumunting bahay.

-XoXo-

After a years of walking nakarating na din po kami sa wakas sa mamahaling university, ang XoXo University.

Bakit XoXo University? Aba! Wag ako ang tanungin niyo! Si author tanungin niyo oy! XD

"Nandito na tayo ate." Sabi ni Camille sakin sabay kapit sa kamay ko. Nanginginig po siya. -_-

"Ay wala. Baka nandito pa tayo sa bahay."

"Patawa ka. Pasok na nga tayo sa loob." Sabi samin ni Mimi.

Si Mimi po ang tipo ng babae na hindi ko alam. Hahahaha.

Pagkapasok na pagkapasok sa gate, binati ko yung guard dun.

"Goodmorning po!" Sabi ko sa guard with a big smile on my face.

"Goodmorning din hija!" Sagot niya. Mabuti pa si kuya guard ang bait.

Wait, wag na pala kayong magtaka kung bakit binabati ko pati ang guard ng school. Nasanay na din kasi ako dahil ginagawa ko din to sa dating school namin. Oh! Polite ko no? XD

Nang nakapasok na kami, bigla na naman akong hinawakan ni Camille.

"Bakit?"

"Alis na kami ate ha? Nahanap ko na kasi classroom namin."

"Magkasama kayo?"

"Oo."

"Andaya niyo!" Tapos nagpout ako.

"Yuck! Hoy Mizpah wag ka ngang magpout! Ang pangit mo." Sabi sakin ni Mimi na nandidiri.

"Nahiya ako sayo! At isa pa hind Mizpah ang pangalan ko. It's PAULINE. Got it?"

"K." Yan lang ang tanging sagot ng dalawa at tuluyan nang umalis. Mga walangjoong kapatid. :3

Sa ngayon ako na lang ang naiwan. Naglalakad ako sa isang malaking university na posibleng mawala ka dito kung wala kang mapa. Hahaha. Kaya nga may hawak akong mapa eh.

Alam niyo ba ang feeling na magpapasalamat kana sana kasi may mapa ka tapos hindi kana mawawala nga lang andaming lugar tapos ang liliit pa ng mga letra na nakasulat. Kaya eto, nakaharap talaga siya sa mukha ko. Natatakpan na nga beauty ko eh.

Hindi katulad sa iba na kitang kita ang beauty nila dahil alam na nila ang pasikot sikot dito. That feeling na ang mga estudyante dito ang iiksi ng mga suot. Pati kaluluwa kita na. Yung totoo po, bar ba to o eskwelahan?

"Ugh. Saan na ba classroom ko?" Sabi ko habang nakatuon sa harapan ko ang mapa.

Habang naglalakad nabigla naman ako ng biglang may nakabangga sakin.

Huh?

Posteng itim ba to o anu?!

Kinuha ko ang mapa sa harapan ng mukha.

-_-
D_-
-_O
D_O

As in

O_O

-

PABITIN! HAHAHA.
VOTE AND COMMENT MGA BHE. :*

Gangster's Pretty SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon