CHAPTER 16

541 8 5
                                    

CHAPTER 16



DANIEL'S POV



sinag ng araw mula sa labas ng bintana ang gumising sa'kin,hindi ko namalayan na umaga na pala pero teka,nasaan na ba ako?bahay ba 'to nina Khalil,ibig sabihin dito ako napadpad?haist!ang gulo!paano at sino ang nagdala sa'kin dito.

"gising ka na pala?"isang tinig mula sa tabi ng kama ang narinig ko at nang nilingon ko siya nakita ko si Kath na nakangiti.wow!nasa langit na yata ako.

"a-anong ginagawa ko dito?"nagtataka kong tanong.

"nakita kita kagabi,basang-basa ka sa ulan at mukhang malungkot.may problema ka ba?"bigla akong nalungkot sa sinabi niya.naalala ko na naman si dad,I am the reason why he is suffering now.

"sorry Kath kung nadadamay ka sa lahat ng problema ko pero promise ko sa'yo I will fix this"I said.

"ano ka ba?!magkaibigan naman tayo eh and besides nadamay na lang din naman ako sa problema mo eh siguro dapat tulungan na rin kita"napangiti ako sa mga sinabi niya.sana lang malaman niya na siya talaga ang mahal ko,pero sa panaginip lang naman lahat nangyari yun eh baka sa realidad hindi na niya ako mahal.

"salamat"matipid kong tugon.lumapit siya sa'kin at niyakap niya ako nang mahigpit.at first nagulat ako at naramdaman ko na nag-iinit yung mukha ko pero gumanti na rin ako sa yakap niya ang sarap ng pakiramdam kapag may nagcocomfort sa'yo at yung taong yun ay ang taong mahal mo.

"oh Deej,gising ka na pala?"biglang pumasok si Khalil na may dalang pagkain kaya napabitaw si Kathryn sa'kin. Nang makita ko yung mukha niya namumula rin 'to.aist!baka dahil lang sa araw.

"Kha,salamat nga pala sa pagdadala sa'kin dito ah"sabi ko kay Khalil habang nilalagay niya yung pagkain sa table.

"sino ba kasing nagsabi sa'yo na magpaulan ka?kung tinawagan mo na lang ako at nagbar na lang tayo para mabawasan yang bigat sa loob mo?"sabi ni Khalil

"ayaw ko.panigurado susundan na naman ako ng media kahit saan ako magpunta."umupo ako sa kama katabi siya.

"ah guys--uuwi lang muna ako ha."sabi ni Kath at sabay kaming tumango ni Khalil pero bago pa siya umalis tumingin siya sa'kin at hinawakan ang balikat ko"pagaling ka,marami pa tayong dapat ayusin"sabi niya habang nakangiti kaya napangiti na rin ako at pagkatapos noon ay umalis na siya.

DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon