Sa panahon ngayon, cellphone at wifi ang nag co-connect sa mga tao. malalaman mo nalang bigla bigla, mag syota na sila ganyan ganto, wait, wait, wait, wait! Eh yung isa taga Selena Academy, at yung isa taga Ford High School, how on earth magkakakilala ang dalawang tao na magka-iba ang school?
Take note! 10 kilometers away ang pagitan ng Selena Academy at Ford High School. Ow. Right. Text. Facebook. Meet up. WTF?!
Ako si Tin Celaderos isang Selena Academy or let's just say, An S.A. student. A freakin' NBSB. A constant honor student, grade conscious, pero, isang malokong babae. "Negra", oo yan ang pagkaka kilanlan saken.
"Oy kilala mo yung humiram nung pencil saken kanina? Yung maitim?"
"Ah oo yung negra? Si ate Tin yun"
"Negra!"
"Ka-negra naman nun oh"
"Sino na kase yung negra na second honor nyo?"
Oo. pag kaka kilanlan talaga sakin yun. Kaya medyo nasasanay nako. Nagiging pang g*go nalang talaga. Isa pa, aaminin ko,(masakit man sa loob) Pa... Wala naman sigurong mawawala pag inamin kong panget ako ne? Okay. Hingang malalim, Exhale.
Panget ako. Ay. kapangit naman nung term. Not-So-Pretty nalang. Sosyal na nga, May salitang "pretty" pa! Pwede! Pwede!
Im on 10th grade, oo, ang bata diba? 15 years old. (Bata pa ba yon? Burdagol oo) Sa panahon ngayon, bihira ka nalang maka kita at makasalamuha ng isang taong NBSB na nasa 10th grade. Kumbaga sa society, alien ang mga NBSB. Baket?
Tingin ka sa kanan, sa kaliwa, may cellphone ba yang taong yan? Okay. Meron? Tanungin mo! Teh sino mga nakaka text mo? Oh. You'll have your answers.
Nag census ako (yes, I do that) kung sino ang mga magsyota, "bestfriends" na I dont know kung kelan mag kaka developan pero hintayin mo nalang, (ha. ha. ha. how ironic) magbabarkada, at kung ano anong relationship na na-develop dahil sa text, chat, tinder, at iba pang social communication sources! At! 8 out of 10 people and nadevelop dahil sa Text-text na yan!
At! What a shame... Dahil, sa mga barkada ko, ako nalang! Yes! Ako nalang ang wala pang nakaka text at chat at iba pa! Na tumagal at na-develop! I had some boys.. pero.. naman!
Lahat, WALA na AGAD. Kase the moment na malaman nilang ako pala, itong muka palang ito ang nakaka-usap nila, mapapa "Abort! Abort!" sila! Maganda naman ako eh! (Sabi nung nag hahatid na service ko dati) di lang talaga ako nag aayos.
Ka init init sa pinas! Tapos ilaladlad mo yung buhok mo? Mag ba-bangs ka pa? Pimples abot mo pre! Pimples! Ayoko namang pag laki ko puro butas ang pagmumukha ko. No, way.
Naalala ko tuloy nung..
___________
"Tin!" May sumisigaw ng pabulong.
Baka naman hindi ako yung tinatawag. Busy ako nag-aaral kaya most of the time I dont pay attention to certain noises bukod sa noise na ginagawa ng teacher, dahil isang sentence! I repeat! Isang sentence lang na ma-miss mong sinabi niya, para ka nang batang nawawala sa mall at nangangapa kung asan at ano na yung pinag-uusapan niyong lesson. Plus! I wouldn't take the risk of missing a single point at isa pa, nakikipag kompetensya ako sa recitation. So I dont care kung mag ingay man mga kaklase ko.
"Tin!" May sumisigaw ulit ng pabulong.
All eyes padin ako sa teacher. Kagaya nga ng sinabi ko, I wouldn't risk bothering myself sa noises sa paligid ko. Atsaka, sa dami ng murmur sa room, baka nalingap lang ng tenga ko yung naririnig kong pangalan ko.
"Tiiiiiiiiiiin!" May kumakalbit ng paulit-ulit sa braso ko. Seriously? Ngayon talaga? Napa kunot nuo ako at impatiently tumingin sa likod kung saan galing yung kumakalbit. I know its tina at alam kong kung may kuwento man siya, she can keep hold of it until matapos yung class.
BINABASA MO ANG
Unexpected you
RandomTin isang NBSB born, grade conscious, family oriented, good girl, at not-so-pretty, dives into a new world of colossal madness. So? Sama ka?