Chapter 15

5.4K 114 12
                                    

NAKALAPAG NA sa ibabaw ng kama ang maleta ni Gayle. She is packing all of her things to leave the Philippines and go back to Singapore.

​She's been MIA for the past two weeks because she's reflecting on her own.

That led her to make a decision... which is to leave the Philippines and give up on her plan.

Babalik na lang siya doon para ituloy na ang trabaho niya. She's been away for too long and she really has to go back lalo na at wala na rin siyang kailangan pang gawin sa Pilipinas.

​She sighed. Pagkatapos ng confrontation nila ni Denise sa tinitirhan ni Knud, nawalan na rin siya ng gana na ipaglaban pa si Knud.

Yes, she loves Knud. She already went a long way para lang mabawi ito but she thinks that it is already time to stop. Tama na na nasaktan niya ang dalawang taong malapit sa puso niya. Kasi, sa ginawa niyang iyon, siya din ang pinaka-nasaktan.

Siya rin ang talo sa huli.

Knud was right. Wala siyang mapapala doon at dapat na umalis na lang siya noong una pa lang. Sa gayon, hindi na lalong nagkagulo.

​She believed that Knud is the one she needed... the one who can satisfy her needs ngayong mag-isa na lang siya sa buhay. Kasi, for once, Knud became that person to her. She just wanted to be loved like how Knud loved her before.

When Gayle's parents died, she has no one to turn to. Mag-isa lang siya palagi.

Wala siyang ibang naging kaibigan na malapit kagaya ni Denise. Mula kasi nang mawala si Denise sa buhay niya since bigla na lang itong hindi nagparamdam at akala mo'y naglaho na parang bula, na-trauma siya.

Natakot siya na magkaroon ulit ng malapit na kaibigan dahil baka iwan lang rin siya ulit nito kagaya ng ginawa ni Denise. Sobra na kasi siyang nasaktan noon na mawalan ng kaibigan kaya mas pinili niya na mapag-isa na lang.

​At dahil wala na ang parents niya, she even has to work to provide herself financially while studying. Kaya naman ganoon na lang ang pagsisikap niya na makatapos at maging successful na lawyer.

Kaya naman noong araw na nakatapos at naging licensed lawyer siya, naging malaking tulong iyon to distract her from thinking and feeling that she's alone. But in the end, or at the end of the day, even though how busy she is, naiisip at nalulungkot pa rin siya na nag-iisa pa rin siya.

​Habang tumatagal, mas lalo niyang nararamdaman ang lungkot ng pagiging mag-isa.

That's when she realized that in order to be happy, she must work for it. That's also the time when she stalked Knud and his whereabouts... because she knows that Knud is the only person she can turn to knowing how much he loves her when she left him.

​Nang malaman niya na pupunta nga ito ng Singapore for a business trip through his facebook account, naisip niya na baka destiny na ang naglalapit sa kanilang dalawa. Dahil nga sa kailangan niya ito at sakto na pupunta ito sa kung nasaan siya!

​While he was in Singapore, nagmamasid-masid na siya rito... just like a real stalker. At nang malaman niya na nagkaproblema ito sa inaasikaso, that's when she made a move.

​Nang makita niya itong muli, wala siyang nakitang sign ng galit o kung ano mula rito lalo na't naging civil at gentleman pa rin ito sa kanya. Lalo tuloy siyang nabulag sa thinking that maybe, they are really meant to be...

Natigilan siya nang makita ang hoodie na ibinigay sa kanya ni Denise. They have matching pairs at nagkaiba lang sa color since magkaiba ang paborito nilang kulay. She just set it aside nang matanggap niya iyon since she doesn't like wearing those kinds of clothes.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon