Kabanata 54

326 2 0
                                    

Tahimik ako buong araw. Marami silang pinagawa sa akin at wala naman akong magawa kundi sundin ang mga pinapagawa nila. Hindi mawala-wala sa isipan ko iyong mga sinabi ni Miley sa akin.. pero ayaw ko ring magpadala sa kanyang sinabi. I wanted to ask Ryder about it. I wanted to talk to him about it. I wanted to clear everything up. Ayaw kong magpadalos-dalos sa aking desisyon. I wanted to confirm it with Ryder.

"Gosh! I'm hungry! Can you buy me something to eat?" Rachel requested.

Tumikhim ako. "U-Uh.. hindi.. hindi ko kasi kabisado ang lugar dito."

Napangiwi siya. "What? Doon lang naman sa—"

"Rachel," Tita Ritch called her. "Magluluto ako, huwag ka nang magpabili sa kanya sa labas at baka mawala pa siya.. malagot tayo sa kuya mo."

Marahas na bumuntonghininga si Rachel at inirapan ako. Sa kanilang lahat ay siya ang pinakamaraming inuutos. Si Miley ay nakikiutos din at wala akong magawa kundi sundin din siya dahil iyon ang sinabi ni Rachel. If it was the only way to please them.. I can't do anything about it.

"Siya na lang ang paglutuin mo, mom," utos ni Rachel at tinaasan ako ng kilay. "Don't tell me that even when cooking, you don't know how to do it?"

"Ako na sa pagluluto, wala akong tiwala sa kanya kung siya ang magluluto," sabi ni tita.

Isang malaking sampal iyon sa akin. Naramdaman ko ang init sa gilid ng mata ko dahil sa sinabi ni tita. Bakit wala siyang tiwala? Iniisip niya ba na kapag ako ang magluluto ay maaaring lalasunin ko sila? Napalunok ako at tumalikod sa kanila. Nanlalabo na ang mga mata ko, at bigla na lang tumulo ang luha ko. Marahas kong pinahid ito at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.

"What the hell?!"

Nasagi ko ang flower vase sa gilid ko kaya nahulog iyon at nabasag. Napatauptop ako sa aking bibig at lumingon sa gawi nina tita. Isang matalim na tingin ang pinukol niya sa akin. Tinulak niya ako at tiningnan iyong nabasag ko. May mga bulaklak sa vase, kaya nagkalat din iyon sa sahig at pati rin iyong tubig sa loob. Lumandas ang luha sa aking pisngi at nanginig ako sa kaba. Tita looks like she treasures the vase.

"God! So clumsy!" Nagulat ako nang tumayo si Rachel sa kanyang kinauupuan at malakas na dumapo ang kanyang palad sa aking pisngi. "You don't know how important it is to us!"

"B-Bibilhan ko kayo ng.. ng bago."

"Hindi namin kailangan ng bago!" She was about to pull my hair, but Miley immediately stopped her. "Buwesit ka talaga! Malas ka talaga sa pamilya namin! Bakit ba ikaw pa ang pinakasalan ni kuya!"

Tita Ritchel faced me, and her palm found my face. Kung malakas iyong sampal ni Rachel ay mas malakas iyong sampal ni tita. Lumikha pa iyon ng ingay at naramdaman ko ang hapdi sa aking pisngi. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Matalim ang titig niya sa akin at nanlilisik na ang mga mata. I could say that she's really furious.

"Alam mo ba kung ano iyong binasag mo, ha?! Ha?!" bulyaw niya sa akin. "Galing iyon sa tatay ko! Walang hiya ka!"

"I-I am sorry..."

"Ano?! Mababalik ba ng sorry mong 'yan ang nabasag mo, ha?! Hindi na! Hindi!" Muli niya akong sinampal sa kabila kong pisngi kaya napahawak ako roon. "Linisin mo ito at siguraduhin mong makahanap ka ng katulad nito dahil kung hindi! Palalayasin kita rito at wala akong pakialam kung asawa ka pa ng anak ko!"

She pulled my hair harshly and dropped me on the floor. Napangiwi ako nang maupuan ko iyong bubog. Tita slapped me one more time. Pagkatapos no'n ay tinusok-tusok niya ang noo ko gamit ang kanyang daliri. Humikbi ako nang hindi na makayanan ang ginawa niya sa akin. She doesn't even care that I was hurt and that I am crying. She just continued on with what she was doing.

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now