Maagang naulila sa asawa si Johan at pati ang dalawang taong gulang palang na anak na noon ay isang buwan pa lang nang biglang pumanaw ang asawa sa isang malagim na askidente. nalunod si Johann sa kalungkutan pakiramdam niya pinag kaisahan siya ng mundo.
Dalawang taon na nang mawala ang asawa pero naroon parin sa puso ni Johann ang sakit at pangungulila dito.
Samantalang si Hanna ay isang probinsyana na nakipagsapalaran sa maynila para maahon sa kahirapan ang pamilya sa pagkikita nila ni Johann sa di inaasahang pagkakataon paano nila matutulungan ang isat isa.
Ayon sa mga kaibigan at kakilala ni Johann na Kawangis nang asawa niya si hanna pero para sa kanya malayong malayo si Hanna sa namayapang asawa.
Namasukan si hanna bilang janitress sa kumpanya ni Johann pansamantala habang nag iipon nang pero pang apply nang trabaho papuntang ibang bansa at pang kain niya na rin.
Isang araw dala ni Johann ang anak niya dahil wala siyang mapag iwanan dito, dahil umalis ang tagapag alaga nang anak wala din mga magulang nya nasa ibang bansa.
Ipinasuyo niya muna ito sa secretary niya dahil may importanteng meeting siyang dadaluhan.
Kakasimula pa lang nang meeting ni Johann nang di matigil tigil sa pag iyak ang bata hindi na alam nang secretary nito kung paano patahanin ang kawawang bata. Dinala na niya ito sa lobby nang kumpanya para hindi maistorba ang kasalukuyang meeting nang amo niya.
Paalis na si Hanna nang panahon na yon maaga pa lang nasa kumpanya na siya para maglinis at babalik pagkatapos nang trabaho praa maglinis uli. Hindi nman mabigat ang trabaho noya dahil marami naman sila na taga linis.
Malayo pa lang si Hannah dinig na niya ang iyak nang bata!.
At nakita niya nag kukumpulan ang mga trabahante doon at pinapatahan ang bata pero ayaw tumigil sa pag iyak nang bata.
Ilang sandali pa isang humahangos na lalaki ang nagmamadali papunta sa bata agad niyang binuhat ang bata baka anak niya sa isip ni hanna. Sa pagkakaalam niya bawal magdala nang mga bata o anak nila ang mga empeleyado pero bakit dala nito ang anak nito.
Pero kahit buhat na ito nang ama niya patuloy parin sa pag iyak ang bata at bakas na sa mukha nang ama nang bata ang pag alala.
Paos na ang boses ng bata sa kakaiyak.
Nakaramdam nang awa si Hanna kaya lumapit siya sa mga ito.
Kinuha niya sa babaeng may hawak nang alcohol at nag alcohol muna siya bago kinuha ang bata sa ama nito na naghihintay na sa sasakyan dahil dadalhin ang bata sa hospital.
Ayaw pa sana ibigay nang lalaki ang bata. At nagtitigan pa sila narron ang gulat nito sa kanya.
Pagkarga niya sa bata agad niya pina dighay ito hinahapuhap niya ang likod nang bata at mahinang tinatapik ang likod nito.
Ilang sandali pa dumighaya ang bata at nadighayan pa siya.
"Hwag ka nang mag cry baby aysus ky gwapo naman nang batang ito." Natigil na sa pag iyak ang bata.
"Palitan niyo na lang po nang damit sir baka basa ang likod niya sa kakaiyak ."
Agad niyang ibinalik sa ama nito para mabihisan na ito dahil basa na ang likod pero nang ibalik niya ito at tatalikod na sana siya nang umiyak na naman ang bata at nagkakawag ang mga kamay sa kanya.
Tutuloy na sana siya pag alis nang mas lalong umiyak ang bata."Miss" tinawag siya nang ama nang bata.
Agad siyang lumapit sa mga ito,kinuha niya ang bata dahil halos di nato makahinga dahil sa sobrang pg iyak.
Sinasayaw niya ang bata para makatulog ito.
"Saan ba pwde mabihisan ang bata sir basang basa napo kasi damit niya."
"Sa opisina ko na lang halika"inalalayan siya nang lalaki papuntang elevator agad dinampot nang babae ang mga gamit ni baby na nasa couch at sumunod sa kanila.
Pagkapasok nila sa loob nang opisina ay agad nilapag niya ang bata sa malaking sofa na naroon saka kumuha nang masusuot si baby binihasan at nilinisan niya rin ito.
Nalaman ni Hanna na may ari pala nang kumpanya ang ama nang bata nang mabasa niya sa labas ang nakalagay doon office of CEO amo niya pala ito asan ba ang asawa nito dala dala nito ang anak sa kumpanya.
Inutusan nito ang secretary nito na ipa cancel ang susunod na meeting nito.
Naiwan silang dalawa sa opisina.
Marahan niyang sinasayaw at kinakantahan ang bata at ilang sandali pa ay nakatulog na ito sa mga bisig ni hanna habang si Johan ay nakamasid lang sa babae at sa anak niya na natutulog sa bisig nito.
Nang masiguro na nakatulog na ang bata ay sinenyasan niya ang babae na ipasok ang bata sa maliit na kwarto na nroon sa opisina niya may crib doon ang bata agad na nilagay ang bata doon.
At saka kinumutan dahan dahan siyang lumabas naabutan niya si Johan na malalim ang iniisp.
"Sir okey na po ang anak niyo aalis na po ako"
Lumipat ang tingin nito sa kanya.
"Kumuha ito nang ilang libo sa pitaka ang binigay sa kanya.
"Take this "
"Ay naku sir hwag na"
"Bayad ko to sa pag tulong mo sa akin sa anak ko"
"Naku sir okey lang naman hindi ko kasi natiis si baby boy sa pag iyak naalala ko sa kanya ang pamangkin ko magkasing edad lang kasi sila eh sa akin iyon lumaki kasi nag tratrabaho ang kapatid ko kya ako nag alalaga kaya no worries sir okey lang"
Tumango si Johan sa kanaya
"Alis na ako sir may trabaho pa kasi ako mamaya"
"Dito kaba nagtratrabaho?"
"Ahmmp opo sir isa po ako sa mga cleaner sa kumpanya niyo po kakasimula ko pa lang po mga isang linggo pa po ako sa trabaho ko"
"Ganoo ba " kumuha ito nang wet tissue atsaka pinahiram ang likod noya may dighay siguro ni baby kanina"
"Hwag na sir mag bibihis na naman Ako sige po"
"Thank you Miss or Mrs.?"
"Miss Santos sir"
"Okay Miss santos" agad lumabas nang opisina niya si hanna sinalubong si hanna nang sekretarya ni Mr. Monteegro
"Han Thank you ha" kilala siya nito kasi naka asign siya sa floor nato minsan naabutan niya ito dito na may tinatapos na trabaho kakwentuhan habang nagtratrabaho ito at naglilinis siya.
"No problem iyon ba amo natin"
"Oo si sir Johann Montenegro anak niya iyong baby"
"Asan ba asawa niya at nanay nang bata"
Lumapit ito sa kanya at mahinang bumulong.
"patay na biyudo na si Sir namatay ang asawa niya dahil sa aksidente dalawang taon na ang nakakaraan.Nagulat si hanna sa nalaman nakaramdam siya nang awa sa mag ama.
Matapos ang maikling batian ang chismissan nila ni karen ay nagpaalam na siya rito..
Yajnna20 ☘️
BINABASA MO ANG
"Lovingly yours"
RomanceNakilala ni Hanna si Johann sa pinaka lowest moment nito sa buhay. Kung saan para itong baso na nabasag ma mahirap nang buohin pero dahil sa pag unawa at sa pagtanggap niya dito ay unti unti itong mabubuo pero sa huli ang taong binuo niya muli ang s...