My first one shot story, sana po magustuhan niyo. May story rin po ako na ang title is "My Fiancé is a Gangster Leader" sana po basahin niyo rin yan ^__^
-----------------------------------------------------------------------------------------------------Unknown number
by: racenjon16Nagsimula lahat sa text ng taong di ko kilala. First week ng bakasyon, nakahiga ako sa sofa ng sala namin habang nanunuod ng t.v.
Naramdaman kong nag-vibrate yung cp ko na Samsung Galaxy S3, pagtingin ko, di nakaregister yung number niya sa cp ko kaya di ko nalang pinansin.
Lumipas ang dalawang araw, ganun parin text ng text si Unknown number kung kumain na ba daw ako.. anong ginagawa ko.. di ba niya alam na nakakairita, kaya nung nag text ulit siya, nagreply ako ng
"Who you?"
Alam niyo ang reply niya..
"Wife! its me, your husband"
What.The.Ef!
Pinagtritripan ba ako nung unknown number na yun.
Nagreply ako"Excuse me, kung pinagtritripan mo ko, di nakakatawa ha at tsaka pwede ba tumigil ka na"
Pagkatapos nun, in off ko na ang cp ko...
---------
Nakakaasar alam niyo yun, text pa rin siya ng text, di ba siya nauubusan ng load? Fine! siya na mayaman.
Di ko pinansin yung text niya , nagfb lang ako nun at syempre tinitigan ko yung profile pic. ng crush kong si Oliver John
Bermudez, gwapo siya, basketball player, maraming fans at alam kong hindi lang ako ang may gusto sa kanya..Saklap! Marami kang kaagaw.
-------------
Nakakairita! Yan ang unang bungad tuwing nagigising ako sa umaga, pinupuno niya ng text at lyrics ang inbox ko.
Ang corny niya, may pa
"Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil"Bakit nagkita na ba kami? Di ko nga siya kilala eh. Nung time na yun, tinanong ko yung pangalan niya, sabi niya siya daw si Calvin Chen.
Mas lalong wala akong kilalang Calvin Chen, sabi niya sa kabilang section daw siya.
Pano nangyari yun, eh madali lang namang kilalanin ang pangalan sa kabilang section pero Calvin Chen? Hindi siya familiar...
Hindi ko namalayan, mag-iisang buwan na pala na pinupuno ng Calvin Chen na yun ang inbox ko. At di ko rin alam ang kinikilos ng katawan ko, binabasa ko na ang mga text niya at nagrereply ako.
Binabasa ko na rin ang corny niyang quote text at lyrics. Ngumingiti pa nga ako habang nagbabasa...
Pero nung time na bumiyahe kami para magbakasyon sa probinsiya, eh di na ko nakatanggap ng mga text niya.
Nakakamiss rin pala at ang masaklap, palagi akong bad mood.
Possible kayang crush ko ang Calvin Chen na yun kahit di ko pa siya nakikita? Nakakaasar!-----------
Natapos ang 2 weeks vacation namin sa probinsiya ng di ako
nakatanggap ng kahit isang text na galing sa kanya.Kaasar! Dahil nagmumukha akong tanga habang naghihintay
at nakatitig sa phone ko.Nawalan na ko ng gana dahil hanggang ngayon malapit na rin ang pasukan eh di na siya nagpaparamdam. Fine! May pa
"Kasi crush kita" siyang nalalaman..Teka ba't ba ko nagagalit, bahala siya sa buhay niya. In off ko yung phone ko pero yung kamay ko, inopen nung bandang 6 na..
Halos mapatalon at gumulong ako sa saya dahil may text galing kay Calvin, agad ko yung binasa.
"Hi wife, kumusta na? Sorry di nako nakapagtext sayo kasi medyo busy ako. Miss mo na ako no? :P
"Wife, ba't di ka nagrereply, siguro nahihiya ka na dahil gusto mo nako no?. :D"
"Sabi ko na nga ba eh. Yes! Thank you Lord, M.U ko na sa wakas si Glory Ann Noel"
"Wife na M.U ko na, ba't di ka nagrereply. Galit ka ba dahil di ako nag text ng dalawang linggo sayo?"
"Ka-M.U ko reply ka naman.."
"Kung galit ka wag naman sana oh, kahit sa text lang maging ka-m.u kita :("
Yun ang huling basa ko. Ba't may sad emoticon... Eessh ginugulo naman niya ang cute kong mind.
Halos mapatalon ako sa gulat at parang lalabas na sa ribs ko ang puso ko sa lakas ng tibok nito.
Kasi naman..
tumatawag si Calvin Chen, Pack sheet! Sasagutin ko ba o Hindi? Tanong ako ng tanong sa sarili ko pero sa huli, sinagot ko nalang
"H-hello"
Peste! Ba't ako natatameme, nakarinig naman ako ng mahinang tawa sa kabilang linya then a fake cough.
"Hi wife!"
The pack! Ba't ang sexy ng boses niya, ang gwapo pa
"Wife, galit ka ba?"
Teka! Ba't parang familiar yung boses niya.
"Wife, alam kong curious ka, ahm pwede ba tayong magkita bukas sa park malapit sa school.. 2:30 p.m Sige bye, good night and dream of me"
Tsaka niya binaba ang tawag, di man lang ako nakapagsalita. Pero totoo, familiar yung boses niya, parang boses ni crush...
Eessh iniling ko na lang ulo ko. Teka...waaahhhhhh ..wahhhhhh magkikita kami bukas di kaya date na yun.. waaahhhh
--------
Alam niyo yun, dahil sa sobrang saya mo, tinanghali ka na ng gising..11 a.m lang naman akong nagising at isa pa, madaling araw na kong nakatulog.
Tuwing pipikit kasi ako, nag-eeco sa tenga ko yung boses ni Calvin, kaasar...
Nung banda 2:30 na, naglakad na ko papuntang park, malapit lang naman yun samin. Nagsuot lang ako ng Jeans tsaka simpleng T-shirt na may tatak na "I love Disney Land" nang makarating ako, umupo ako sa swing habang nagmumuni- muni..
1minute..
3minutes..
5minutes..
7minutes..
10minutes..
Tumingin ako sa wristwatch ko, 2:45 na. Asan na siya, ba't di pa siya dumarating?
"Hi"
Tumingala at tumingin ako sa bumati sakin at halos mapatalon ako sa gulat.. pack sheet! Ang lakas ng tibok ng puso ko
Puso kong may pagtingin sa crush niya, tumigil ka diyan. Baka mamaya mahalata niyang may crush ka sa kanya. Pero kasi..
God! Nasa harapan ko ang basketball player na Crush Ko na si Oliver John Bermudez.
Nagtitigan kami ng ilang Segundo, pero ako yung unang nagbawi ng tingin.. nakakailang kaya at tsaka dagdagan pa ng salitang..
A
W
K
W
A
R
D
!Yumuko ako kasi alam kong nag-iinit ang mga pisngi
ko. Pack sheet! Nagblu-blush ako..Nakarinig naman ako ng mahinang tawa. Sheet na papel! Ang sexy!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Hi wife, I'm Oliver John Bermudez a.k.a Calvin Chen,
The Unknown number"End ;)
--
Thank you po sa pagbabasa :D
Sana po nagustuhan niyo..
Follow me guys..
May story rin po ako.. "My Fiancé is a Gangster Leader" yan po ang title..sana basahin niyo rin po..#racenjon16
BINABASA MO ANG
Unknown Number ( One Shot )
Teen FictionTo: Unknown number " Ba't ba ang kulit mo?!" sent... Text message ( insert ringtone ) From: Unknown number "Kasi crush kita ;) <3"