LUMIKO muna ako pakaliwa. Bibili ako ng ulam sa may karendarya dahil medyo nagugutom na ako. May duty rin Kasi ako mamayang eight pm hanggang 12 kaya mas mabuting bumili nalang ako ng pagkain.
Pero bago yun kailang ko munang mag linis, dahil sabi ni mama na wala s'ya sa bahay ngayun. Mabuti na din yun para atleast makapag linis ako ng maayos.
Actually, nagustuhan ko lang talaga na mag work. Ayawa akung payagan nila mama and papa, pero nag pumilit ako dahil ayuko na mahirapan sila. Isa pa, kaya ko na namang mag-trabaho.
"Aling susan, dalawang ginataang monggo ho, at dalawang pork chop."
"Dito ka ba kakain, ening?"
"Hindi po, paki balot nalang ho."
Saglit lang akung nag hintay at nakuha ko agad ang binili ko.
"Salamat po," saad ko, pagkatapos ay umalis.
As usual, marami akung nakakasalubong. Mga batang nag lalaro at nagtatakbuhan sa daan.
At habang papalapit ako sa bahay namin, parang may nag rarambulan sa loob ng dibdib ko na hindi maintidihan.
"Uy, eya, psst." Lumingon ako. Nakita ko si aleng tess na nag sasampay.
"Bakit ho?"
"Wag kang magagalit ha, gusto ko lang sabihin sayo na may kasamang lalaki ang mama mo nung isang araw."
"Baka naman ho, kakilala niya lang." Saad ko.
Mas lalo yatang, bumilis ang tibok ng puso ko. Parang mas kinukumbense ko pa ang sarili ko kaysa kay aleng tess.
"Baka nga, pero alam mo bang ilang beses na na dinala ng mama mo ang lalaking yun, kapag nasa skwelehan ka at nasa trabaho naman ang tatay mo."
"Sige ho, alis na po ako." Sabi ko nalang.
Ang pinaka ayuko sa lahat ay yung pagbibintangan ang pamilya ko lalo na ang mama ko.
Mababait na tao ang magulang ko. Hindi kami mayaman pero kaya naming sustentuhan ang pangangailangan namin. May bahay din kami na maganda, hindi s'ya mukhang palasyo, pero kung may bibisita or kung may bisita ay hindi kami mapapahiya. Malinis din ang bahay namin, may kanya kanya kaming kwarto at cr connected sa kwarto namin. Ang pinagkaiba lang ay medyo nasa, may squatter kami banda. Not literally na squatter. Para lang s'yang squatter dahil marami ang mga kapit bahay namin.
"Sige. s'ya nga pala, yung utang ko pala sayo sa susunod nalang na linggo, hindi pa kasi naka delehensya ang asawa ko eh."
"Wag niyo na pong alalahanin yun." Saad ko. Hindi ko na hinintay pa na sumagot si aleng tess at umalis na ako.
YOU ARE READING
ᴬᶜᵉˡ ᶠᵃʳⁱˢ ᴹᵒʳʳⁱˢᵒⁿ ˢᵉʳⁱᵉˢ #⁴ ⁽⚠️ ᴿ⁻🔞⁾ ᴼⁿ⁻ᵍᵒⁱⁿᵍ
RomanceAcel Faris ❤️ Kalea Sarafina. 💥💥💥 Note: I will start this story from college where Acel and kalea met. Yung bardagulan nila from college At kung paano ulit sila nagkita. #Dec 24, 2023 #Mature content