Chapter 11 - Choose Your Bet: Vaughn or Macky

4 3 0
                                    

CHAPTER 11: CHOOSE YOUR BET: VAUGHN OR MACKY

Racey Grace Molina

Napatakip nalang ako sa mukha ko nang makapasok na si Mommy. Ang lakas ng boses niya. Alam ko namang parang nasa VIP room kami pero sa lakas ng boses niya parang aabot pa ata sa kabilang building. Nakakahiya.

"Kayo! Kayong tatlo, may nangyari na naman pala sa anak ko at balak niyo pang h'wag ipaalam. Kayo ba ang nagdala sa kanya ng siyam na buwan? Ang nagtiis sa mga weird cravings at morning sickness? Kayo ba ang nahirapan sa panganganak sa kanya ha?", napabuntong hininga naman ako saka ito tiningnan.

"I am fine, mommy. I am good, simpleng allergic reaction lang naman.", kalmadong sabi ko na siyang tinanguan ng tatlong takot na takot na kay mommy. Tiklop sila agad eh.

"It wasn't a SIMPLE ALLERGIC REACTION, Racey Grace. Someone tried to hurt you!", aniya kaya napatango naman ako.

"I know, pero mommy I think you need to calm down. Wala naman pong magagawa iyang pagtaas ng boses niyo. Natatakot lang silang tatlo.", sagot ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin saka tumingin kina Daddy.

"I will deal with you three, later.", sabi ni mommy saka lumapit sa akin. Hinawakan naman nito ang mukha ko.

"Are you sure that you're okay? Gusto mo ba i-pull out ka nalang namin sa camp?", umiling naman ako.

"Okay lang ako, I can do this. It's not like they can kill me.", sagot ko sa kanya napatitig ito sa akin. Bahagya pa itong nanigas dahil sa sinabi ko.

"I am fine, mommy.", huminga naman ito ng malalim saka tumango.

"If that's what you want, I'll let you continue your stay at the camp.", sabi ni mommy kaya napatango naman ako.

"I heard something happened between you and Villafuerte. Do you think she's the one who did this to you?", umiling naman ako.

"She won't do something like this after what she did. She may be a spoiled brat pero alam kong hindi siya aabot sa ganito. We have come to an agreement na hindi na muna namin pakikialam ang isa't-isa. And I believe she's the type who's actually a woman of her word.", tumango naman si mommy.

"Well, it would be unfair to her kung huhusgahan ko siya agad-agad. Okay, let's just wait for the authorities' investigation results.", nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito.

"You told the authorities?", gulat kong ani at tumango naman ito saka sinulyapan sina daddy.

"They did, nalaman ko nalang nang may tumawag sa phone ko na pulis.", sagot niya sa akin kaya napangiwi ako.

"Bukas ka pa mad-discharge 'di ba? Isn't it Sunday?", sabi ni Mommy saka bumaling kay Daddy.

"I know the owner of this hospital, I've already talked to him.", sagot ni daddy kaya tumango naman si mommy.

"You're the lead of your section's performance for the jamming, right?", tumango naman ako.

"That's why I need to be back tomorrow, baka akala nila masyadong seryoso iyong natamo ko.", sagot ko naman kaya napailing ito.

"You don't need to worry, Racey. Nakausap ko na iyong isa sa mga ka-roommate mo na makakabalik ka na bukas.", sabi naman ni Sir Ace kaya napatango naman ako.

Nagtanong-tanong pa si mommy ng kung ano-ano at nagpaalam na rin sina Sir Ace at Tita Faye kaya si Daddy at Mommy nalang ang kasama ko ngayon. Hindi pinapansin ni Mommy si Daddy. Nakakaawa man si Daddy ay kay Mommy ako papanig.

Kasi ano nalang ang mararamdaman ni Mommy kung critical iyong kondisyon ko tapos hindi siya agad nakapunta dito? She's gonna feel bad, at baka sisihin niya pa ang sarili. I don't want that to happen kaya mabuti nalang na hindi ganun kalala ang nangyari sa akin.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon