Chapter 12: Spontaneous Encounter

4 2 0
                                    

CHAPTER 12: SPONTANEOUS ENCOUNTER

Racey Grace Molina

Hindi naman nagtagal sina Macky at Vaughn kagabi. I wasn't able to talk to them that much dahil nakabantay si Mommy kaya siya iyong panay kausap sa kanila. Maybe an hour later ay nagpaalam na rin iyong dalawa na babalik na sa camp. And of course, I thanked them for 'worrying about me'.

Maaga akong gumising dahil sa gusto ko na talagang bumalik sa camp. Panay tanong si Mommy patungkol sa kanilang dalawa eh wala naman akong masabi. Kahit si Daddy ay nakikisabay na rin kay Mommy sa pagtatanong ng kung ano-ano sa akin.

Maayos na rin iyong itsura ko but pero may ibinigay pa rin na gamot iyong doctor ko na iinumin ko sa susunod na mga araw. It was just to make sure na mawawala talaga sa sistema ko iyong nakapag-trigger ng allergy ko. Lulan na kami ng sasakyan papunta sa camp at heto sina Mommy at Daddy na kinukulit akong ihatid sa loob.

"H'wag na kasi kayong sumama, andiyan naman si Tita Faye saka Sir Ace.", sabi ko kaya napasimangot silang dalawa.

Minsan talaga hindi ko alam kung kanino ako nagmana, but I am also thankful na hindi ko namana iyong ganitong side nila. Baka mas lalong maging magulo iyong buhay namin kaya siguro hindi na ibinigay sa akin ni Lord iyong trait na iyan.

"Okay lang ako, so please don't be dramatic about it. Baka ma-uncomfortable lang iyong ibang estudyante if makikita nila kayo. Saka manonood naman kayo bukas ah.", sambit ko sa kanila kaya napatango naman ito.

After a few minutes ay nakarating na kami sa may camp. Lumabas naman kami sa kotse saka isa-isa nila akong niyakap.

"Kapag may nangyari, no matter what it is ay tawagan niyo ako. Tawagan niyo kami, okay?", sabi ni Mommy kaya tumango naman ako.

"Don't hesitate na humigi ng tulog kina Ace at Faye, nandiyan lang naman sila sa mga opisina nila. Mag-ingat ka anak, okay?", tumango naman ako ulit. Niyakap ko naman ulit silang dalawa.

"Sige na, my at dy. Pasok na kami sa loob, kayo rin po mag-ingat kayo.", sabi ko sa kanila at nagsipagtanguan naman ang mga ito. We bid our goodbyes for one last time saka kami tuluyang pumasok sa loob.

"Hindi naman ganun kasama iyong itsura ko, 'no?", tanong ko kina Sir Ace kaya napatawa naman sila.

"Nope, you still look pretty.", sagot ni Tita Faye kaya napailing ako.

"You just look exactly like 2 days ago. Mukha ngang hindi ka galing sa hospital, so you don't need to worry.", sabi naman ni Sir Ace kaya napatango naman ako.

Hindi na ako nagpahatid sa kwarto ko dahil sa kaya ko naman. May iilang estudyante ang nagbubulungan sa tuwing nakikila nila ako pero sanay na naman ako. Ganyan na naman talaga ang buhay, there's always that person na pag-uusapan at pag-uusapan ng lahat. At dito sa camp, ako iyon.

Kumatok naman muna ako sa pinto ng kwarto bago ko ito binuksan. Mga alas dos na ng hapon kaya naman hindi ko rin alam kung nandito ba sila. Pagbukas ko naman ng pinto ay nakita ko namang kompleto silang lima at kasalukuyang naghahanda.

"Anong meron?", tanong ko kaya napalingon silang lahat sa akin saka sabay na napasigaw.

"Oh my gosh!"

"You're back!"

"Aaaaaaah!"

"Na-miss ka namin!"

"Raaaceeey babes!"

Niyakap ko naman sila. I am not really into physical touch but a hug won't hurt right?

"Ayos ka na ba? Like you're okay as in okay?", natawa naman ako sa tanong ni Aileen. Tumango naman ako.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon