***
#SCREAM
Date Started : February 02,2024
End Date :
This is a work of fiction.Names, characters, businesses, some places, events, and incident's are either the products of the author's imagination or used un a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living ot dead, or actual events is purely coincidental.
***************************************************
Masukal at madilim ang daang aking tinatakbuhan.Hindi ko na alintana ang malakas na buhos ng ulan at ang maputik na daan.Hindi ko mawari kung saan kami dadalhin ng aking mga paa o kung may hangganan ba ang aking pagtakbo.Hinihingal na ako at unti-unti na ring kinakain ng pagod ang katawan ko.Natatakot ako hindi para sa aking sarili kundi para sa batang nabubuhay ngayun sa aking sinapupunan.
"Kumapit ka anak pakiusap."
Delikado ang sitwasyon ko ngayon, natatakot ako pero hindi ako pwedeng tumigil sa pagtakbo kundi pareho kaming mamamatay ng aking anak.Kahit may posibilidad na hindi kami patayin ng mga humahabol sa amin dahil sa batang nasa sinapupunan ko pero hindi parin ako pwedeng magpahuli.Hindi lang ako tumatakbo para umiwas sa kamatayan kundi para ilayo sa masalimuot at mundong puno nang kasamaan ang anak ko.Ayaw ko siyang mamuhay kasama ang tatay niya.
Ng hindi ko na makayanan ang pagod ay tumakbo ako patungo sa naaaninag kong puno sa unahan.Nagtago ako sa malaking puno at pigil-pigil ang paghingal sa takot na baka pati iyon ay marinig ng mga humahabol sa akin.
"Nasaan na!?" napatakip ako sa aking bibig ng marinig ang boses na iyon.Nanginginig ang aking buong katawan sa labis na takot at sa lamig na aking nararamdaman.Lihim akong nagdadasal at nakikiusap sa itaas na sana ay iligtas niya kami ng anak ko.Na sana ay hindi nila kami makita at mahuli.Dahil sigurado ako na kapag nahuli nila kami ay wala na kaming kawala.
"Boss hindi na po namin nakita."
"Bullshit!Hanapin ninyo!" galit na sigaw nito na siyang nagpadagdag sa takot na nararamdaman ko.Nanginginig na ako at lalo pang bumilis ang paghinga ko.Naghahalo ang tubig-ulan at luha sa aking pisngi.Himas-himas ko ang aking tiyan at sa aking isip ay pinapakiusapan ko siya na huwag bumitiw at kumapit lang.
Pero biglang kumidlat ng malakas at panandiliang lumiwag ang paligid dahil sa isang kidlat na parang panandaliang hinati ang kalangitan.Hindi ko napigilan ang aking sarili at impit na napatili.
"Sino iyon?"
Kumabog ng mabilis ang puso ko na para bang lalabas na ito sa dibdib ko.Nangangamba ako na baka nakita niya ako at baka mahuli niya ako.
"Tingnan natin ang punong iyon mukhang doon nanggaling ang tili."
Napapikit na lamang ako sa sinabi nito.Iniisip ko na na ito na ang katapusan ko.Ngunit sobra akong nasasaktan na baka hindi ko man lang mabigyan ng pagkakataong mabuhay ang anak ko.Naririinig ko na ang papalapit na mga yapak papunta rito sa pinagtataguan ko.Humigpit ang hawak ko sa aking tiyan.
"Nariyan ka ba?" ang nararamdaman kong takot, pangamba, at ginaw ay naghahalo-halo na.Ang demonyong boses na iyon ay parang humihila sa akin sa kamatayan.Ang boses na iyon ang dahilan kung bakit kailangan kong mamuhay sa kasamaan.Ang boses na iyon ang dahilan ng masalimuot kong buhay.Ang boses na iyon ang nanglinlang sa akin at ngayun ay tinatakasan ko na.
Napapikit na lamang ako ng marinig ang pagtapak ng mga paa sa maputik na lupa.Sobrang lapit nito at alam ko nang nakita na nila ako.Nahuli na niya ako at wala na kaming takas.
"Nariyan ka lang pala pinapahirapan mo pa ak--" hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla itong bumagsak sa maputik na lupa.Mula sa katiting na liwanag mula sa kalangitan ay naaaninag ko ang pagdanak ng dugo sa mukha nito.Napatakip ako sa aking bibig dahil sa nasaksihan.Ni hindi ako makapag-isip ng maayos.
"Halikana."
Gulat na napatingin ako sa kamay na humablot sa aking pulso at hinila ako palayo sa lugar na iyon.Mabagal lamang ang aming pagtakbo ngunit hindi na ako makaramdam ng kaba na katulad ng kanina habang mag-isa akong tumatakbo.Ang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagpatuloy parin pero hindi ko na rin maramdaman ang lamig.Tanging ang mga palad lang na nakakapit sa aking pulsuhan ang aking nararamdaman.Ilang minuto lang ay narating na namin ang sementadong daan.Sa unahan ay nakita ko ang nakaparadang kotse at hinila niya ako papunta roon.
Ngunit bago pa man kami makarating sa kotse ay bigla naman kaming pinaputukan ng mga kasamahan niyang humahabol sa akin kanina.
"Habulin sila!"
Mabilis akong hinablot ni Herman at hinila papunta sa kotse.Nabuksan na niya ang pintuan ng kotse pero muli kaming pinaputukan ng mga kasamahan niya.Natamaan siya sa binti kaya napabagsak siya sa sementadong kalsada.
"H-Herman.''
"Sumakay ka na!"
Inalalayan ko siyang tumayo pero muli siyang natamaan sa likuran.Napaiyak na ako sa labis na takot.
"S-sumakay ka na!" pasigaw niyang sabi dahilan para mapahagulgol ako.Napalingon ako sa mga tauhang papalabas na ng gubat.
"Sumakay ka na,iligtas mo na ang sarili mo." malumanay niyang sabi.Nagulat ako ng umubo na siya ng dugo.Ang mga mata niya ay nakikiusap na umalis na ako.Gusto ko siyang alalayan at isakay sa kotse pero papalapit na ang mga kasamahan niyang humahabol sa amin.Ayaw ko man at labag man sa loob ko pero mabilis akong sumakay sa kotse.Bago ko pa man patakbuhin ang kotse ay nilingon ko muna siya.Nanlalabo man ang mga mata ko pero malinaw kong nabasa ang mga katagang binigkas ng bibig niya.
'Mahal kita'
YOU ARE READING
SCREAM
Mystery / Thriller"Scream...until you in yourself couldn't be able to hear your own voice." All rights reserved© Date started : 02-10-2024